Kabanata 7

78 7 4
                                    


            MABILIS kong ibinato ang unan nang makalabas ang bwisit na prinsipeng 'yon. Darn it! sino nga naman ang mag-aakalang nakaharap at nabato niya pa ang isang prinsipe?

"Bwissiiittt!" sigaw ko sa napakalaking kwartong iyon. Bahala siya sa buhay niya! Hindi ako sasama! Magpalit? Like duh, wala kaya akong dalang damit.

Nakita ko ang pagbukas ng pinto at sunod-sunod na pagpasok ng mga kababaihan.

"Who are you!" nagtatakang tanong ko sa mga ito. May dala silang mga kong ano anong  gamit.

"Hi! I am Wendy, ako ang stylist ni Princess Sharhana. Pinapunta kami dito ni Sir Ashton" pagpapakilala nang isang magandang babae.

"Bakit daw?"

Natawa ito at tila may inilabas sa isang malaking bag. Bumungad sa akin ang isang tube lacy dress. Napakaganda.

"You will wear this." sagot naman nito.

Wow! it's so beautiful...

No! hindi ako sasama kahit pa maganda ang dress na iyan.

"No!Hindi ko isusuot iyan. Sabihin niyo na hindi ako sasama sa lalaking iyon!" sigaw ko sa mga ito.

Nakita ko ang lungkot sa mga mata ng ilang kababaihan na malamang ay tauhan ni Wendy.

"Ma'am, kailangan niyo pong isuot yan." pakikiusap pa rin nito.

"At kung hindi? Ano na namang gagawin niya!?"

"Mawawalan po ng trabaho ang mga tauhan ko." malungkot nitong saad. What?

"Kung hindi daw namin kayo maisasama ay maghanap na kami ng pagtratrabahuan" singit ng isang babae.

"Maawa po kayo, may mga anak po ako" pakiusap pa ng isa.

Bwisit talaga ang lalaking iyon. Bakit kailangan niyang gamitin ang mga taong ito?

"Fine." maikli kong tugon. Nakita ko naman ang pagsilay ng ngiti sa mga labi ng mga ito.

"Thank you Miss Yllquena" pasasalamat ni Wendy at nagsimula na ang mga itong paki-alaman ang buhok ko, maging ang mukha ko.

Hmmm, this is life. Pampered Princess. Siguradong ingit na inggit ang mga bruha. Sayang at hindi ko dala ang phone ko.

"Wendy, matagal ka na bang nagtratrabaho sa mga Latharham?" tanong ko dito habang inaayos nito ang buhok ko.

"Limang taon na, mabait ang mga Latharham halos lahat ng mga tauhan o empleyado dito ay Pilipino, maging sa England." sagot nito.

"Hindi mabait ang lalaking iyon!" mabilis kong pag-angal dito.

Natawa naman ito.
"Well, talagang iniilagan ng mga empleyado si Sir Ashton. IStrikto ito ngunit malambing sa mga kapatid. Saksi ako kung gaano nito pakitunguhan ang mga kapatid." sagot nito.

So dakilang bossy ito?

"Bakit si Xieven mukha namang close dito?" tanong ko dahil noong ihatid ako nito ay napansin kong close ang mga ito.

"Si Sir Xieven  ay kaibigan ni Sir Ashton. Magkaklase sila sa Harvard nina Sir Kellan At Sir Gaffrell."

"Oh. kaya pala"

Nakangiti itong tumango.
"Bilib aki sa iyo dahil nasusumbatan mo si Sir. Wala sa amin ang may kakayahang gawin iyon" saad nito.

Napahiya ako sa narinig. Tama ito.

"Ehh--Nakakinis siya" sagot ko na lamang.

"Bagay kayo" panunukso pa nito.

"MAY SINASABI KA BA WENDY?!" nabigla kami ni Wendy sa dumagundong na boses. Oh My God, kanina pa ba ito?

Mabilis namang nagsiyukod ang mga ito bilang pagbati.

"Wala po Sir, maiwan na po muna namin kayo" pamamaalam nito bahagya naman itong tumango sa akin. Mabilis lumabas ang mga ito.

Napatingin naman ako sa lalaking nakaupo sa sofa. He really look good. Nakasuot ito ng Amerikana.

"Alam kong gwapo ako, please don't state the obvious" aroganteng saad nito. Mabilis ko namang ibinaling sa vase ang paningin ko.

"Kapal mo!mas madami pang gwapong pakalat kalat sa kalsada"

"Nakaka-awa ka naman, pangkalsada lang ang taste mo" nang-aasar nitong tugon. Ang kapal talaga nito!

"Tse!"

"Mukha kang tao ngayon, kumpara sa nakasalamuha ko kanina"

Aba!! anong ibig sabihin nito? Bwisit talaga!

"Anong ibig mong
sabihin? mukha ba akong Alien kanina ahhh!" sigaw ko dito.

"Higit pa doon" mabilis nitong tugon. Hinagilap ko  ang isang unan at ibinato dito.

"Darn it! Woman! My hair." sigaw nito habang hinahawakan ang buhok.

"Sorry, akala ko walis eh!buhok mo pala.Look a like ehh!" sigaw ko dito.

Mabilis naman itong tumayo at lumapit sa akin.

"Walis pala ah!" bago pa ako makakilos ay nagulo na nito ang buhok kong pinaghirapan ni Wendy. Oh my god, ang curls ko.

"Ahhhhh! pinaghirapang iaayos ito ni Wendy!!!" sigaw ko dito.

" Remind me to fire her later." sagot nito.

Nanlaki ang mga mata ko sa narinig. Fire?

"Hindi mo pwedeng sesantihin sI Wendy!" pag-aangal ko dito.

"Whatever." tugon nito habang hawak-hawak ang phone.

"Lumabas ka na. Magpapalit ako!" sigaw ko dito.

Napatingin naman ito. May bahid pa ng ngiti sa mukha.

"Bakit may makikita bang kaaya-aya?"

"Kapal mo!Sexy ako!" sigaw ko sa enggratong ito.

"Sigurado ka bang mapagkakatiwalaan ang nagsabi sa iyo niyan?"

This Brute!

Talagang hindi ito aalis ah. Matitikman mo ngayon ang alindog ng isang ALDUB!

Unti unti kong kinalas ang tali ng robang suot ko.

"Bloody hell! What are you doing?" sigaw naman nito na mukhang natataranta.

"Maghuhubad."

Tumalikod ako dito at unti-unting pinadaos dos ang roba sa likod ko.

"GODDAMNITWOMAN!" sunod-sunod na sigaw nito at narinig ko na lamang ang malakas na pagsara ng pinto.

Natawa ako at inalyos ang roba. Hmmm, nangyari don? Pinakita ko lang ang sexy back ko eh.

Galing ko talaga.

"YLLQUENA 1 point, MR. JERK zero!"






***

Dandanaran!! Go girl!! hahha. Hello Philippines,Hello world, thank you for reading :))) lelllss

Sa mga baguhan sa pagbabasa hope you'll join our FB group
"Sweet Jerk Prince".

--)))Hi Darling Jane  at Wendy!-_-

****P.S.
---LOVE YOU ALL JERKERS. Voteeeee!

K BYE!:) pafollow lol @prettymecj








Sweet Jerk PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon