Sa bawat "Joke lang.", may kasunod na "Sana totoo na lang."
Part II
"Uy Friend."
"Ano ba Ren- Ay sheek. Monique? Huwag mo nga akong tawagin ng ganyan. Napagkakamalan kitang si Renzo eh.", sabi ko sa kanya.
"Ito naman, react agad. Joke lang."
Putris na "Joke lang." nay an. Aaarrgghh.
"Ewan ko sa inyo. Puro kayo "Joke lang."
"Sus. Si Renzo ba?"
Hindi ko na maitatanggi kay Monique dahil kilalang-kilala na niya ako. Eh sa four years naming pagsasama sa highschool.
"Ikaw naming, hindi ka na nasanay kay Renzo.",sabi niya, sabay akbay sa'kin. "Alam mo namang ibang klase mag-joke yun."
Tama. Natural nay un sa kanya. Sweet kasi yung mokong na yun. Simula nang magkakilala kami nina Renzo at Monique, sweet na siya. Sweet. Yung tipong komportable ka kapag kasama mo siya o di kaya'y mapapangiti ka. In short, yung napapakilig ka. Sweet na hindi nakakailang. Pero sweet na nakakainis kasi alam kong JOKE LANG. Eh madalas, pagkatapos niyang magbiro ng mga matatamis na salita, dinudugtangan niya ng malutang na "JOKE LANG".
Oh diba, badtrip. Okay lang sana kung wala akong nararamdaman para sa kanya, eh kaso, meron. Kaya lalo ako nahuhulog sa taong alam kong hindi ako kayang saluhin. :/
"Hay naku girl. Huwag ka na malungkot. Kilala mo naman yung si Ren. Joke lang ng joke. Malay mo, totoo na yun.", sabi ni Monique.
"Asa pa ako.", sabi ko.
"Ayieee. Inamin niya din."
"Heh. Joke lang."
Joke lang. Sa akin lang yata yung joke na totoo eh.
"Bilisan na nga natin, gusto mo bang masermunan ni Tita Amalia?", pag-iiba ko ng topic.
"Ay oo nga pala. Dali na Abby. Ang bagal mo.", sabi niya at inunahan ako sa paglalakad.
***
"Ate, nahihilo na ako. Pwede bang itigil mo na yan.", sabi ng kapatid ko.
"Eh kasi naman Ami, walang magandang channel."
*toot-toot*
Nabitawan ko ang remote at kunha ang cellphone ko.
"Hay salamat.", sabi ni Ami.
Hindi ko na lang siya pinansin at binasa na lang text.
From: Renzo S.
Abby. Ano, nag-ingat ka ba?Ayoko nang may sugat-sugat na bride.
Heto na naman siya. Pinabibilis na naman niya ang tibok ng puso ko. Kalma ka Abby.
To: Renzo S.
Neknek mo. Bride mo mukha mo. Syempre nag-ingat ako. Mahal ko sarili ko eh.
Sent!
*toot-toot*
Aba. Bilis magreply ah.
From Renzo S.
Pareho pala tayo.
Huh?
To: Renzo S.
Pareho ng ano?
Sent!
*toot-toot*
From: Renzo S.
Pareho pala tayo. Mahal ko din kasi sarili mo, :)
BINABASA MO ANG
Falling for His Joke
Подростковая литератураMiracles happens right? As well as jokes are half-meant true. Ang tanga ko kase. Alam kong joke, pero sineryoso. First Short story of mine. I hope you'll support it. feel free to Comment and Vote. :)