Sometimes, the silliest words that come out of our mouths tell what really are on hearts.
~O~O~O~
“Abby, Abby.”
Mas binilisan ko pa lalao ang lakad ko.
“Abigail!”
Pesteng mata ‘to. Ba’t ba kasi nakita mo pa siya? Kainis.
Nang makarating ako sa room, kinausap agad ako ni Monique.
“Abby, hanggang kelan mo ba iiwasan si Renzo?”
Oo. Bitter na kung bitter, pero iniiwasan ko siya. Ayoko munang marinig yung mga jokes niyang tumulak sa’kin para mahulog sa kanya. Iniiwasan k siya kasi, gusto ko bumalik kami sa dati. Yung hindi na ako maapektuhan sa tuwing bibitawan niya yung mga salitang “Joke lang.”
“Abby, maawa ka sa’kin. Isang linggo mo na siyang hindi kinikibo at isang linggo na ding kawawa yung cellphone ko ng texts ni Renzo.”
Hahaha. Pinatay ko kasi phone ko para maiwasan ko totally si Renzo. Kapag tumatawag naman sa bahay, pinapasabi k okay Amihan na wala ako. Flood na nga twitter interactions ko sa kanya. Hindi na nga rin ako nag-open ng FB kasi alam kong ganun din yung madadatnan ko.
Pero hindi ko maitatanggi na lihim akong nap[angiti dahil dun. May concern pa rin pala sa’kin si ‘Joke”. Haha.
***
Tapos na ang klase naming at nag-aayos ng gamit.
“Abby, halika.”, sabi ni Monique at kinaladkad na naman ako. Anon a naman bang trip ne’to?
Pumunta kami sa may tamabayan. Hindi ako lumapit kasi, nandun siya. . . . . .
Nandun si renzo.
“Monique, ano ba ‘to?
“Kausapin mo. Naawa na ako sa cellphone, twitter, Skype, Facebook, Wattpad at telepono ko. Ikaw bukambibig ng lalaking iyan. Sige. Mag-usap kayo.”
Nilingon ko siya at nakita niya ako.
“Uwi na ako.”, sabi ko.
“Hey wait! That girl over there. Yung magandang kasama ni Monique.”
Ano nna naman ba ‘tong sinasabi ni Renzo?
Aalis n asana ako, pero bigla naman siyang sumigaw ulit.
“Oi! Miss Ganda! Sandali!”
“Hoy Renzo Sebastian, kung joke na naman ‘to, aba’y tigilan mo na! Hindi na nNakakahiya na!”, sigaw ko pabalik sa kanya.
“YES! KINAUSAP MO DIN AKO!”
Mababaliw yata ako sa lalaking ‘to. Mukha siyang engot. Sayaw ng sayaw kahit walang music. Pero bakas sa mukha niya na masaya talaga siya.Pero di pa rin talaga siya lumalapit sa’min.
“Ewan ko sa’yo!”, sabi ko at tumalikod na ako.
“Wait! Pakinggan mo muna ako.”
Napahinto naman ako at humarap ulit sa kanya.
“Abigail Soriano! Pakinggan mo ako. Kahit puro “joke lang” lumalabas sa bibig ko, marunong din akong magbitaw ng sal;itang “Seryoso ako.” At ngayon nay un.”, sabi niya. “Kayong lahat. Gusto kong malaman niyo na seryoso ako sa kanya.”, sabi niya, sabay turo, sa’kin?
![](https://img.wattpad.com/cover/5074510-288-k958915.jpg)
BINABASA MO ANG
Falling for His Joke
Roman pour AdolescentsMiracles happens right? As well as jokes are half-meant true. Ang tanga ko kase. Alam kong joke, pero sineryoso. First Short story of mine. I hope you'll support it. feel free to Comment and Vote. :)