“Sometimes, jokes can be the reason why we fell in love.”
Part I
“Abby, andyan na si Renzo.”
Nataranta naman ako nang marinig ko ang pangalang “Renzo”.
“Asan? Asan?”, sabi ko. Tumingin-tingin naman ako sa paligid. Wala naman akong makitang Renzo.
“Joke lang. Ikaw naman, masyadong obsessed kay Renzo.”
“Hindi ah. Joke lang yun.”, sabi ko. Tumawa lang ang gagita.
“Friend!”
Nanigas ako sa kinauupuan ko nang marinig ko ang boses nay un. Tapos may biglang umakbay sa’kin.
“Oy Renzo, kanina ka pa hinahanap niyang si Abby.”
“Ows? Friend totoo ba ‘tong sinasabi ni Monique?”
“Joke lang. Ikaw? Hahanapin ni Abby? No way!”, sabi ni Monique.
“Kumain na nga lang tayo.”, sabi ni Renzo.
Hanggang ngayon, wala pa din akong kibo. Eh kasi, isang Renzo Sebastian ang nasa tabi ko. Isang campus heartthrob na kinababaliwan ng mga babae, at isa na ako dun. I mean, crush ko siya. Yun. Ewan. Hindi ko alam. Feeling ko nga, sumusobra na sa crush ‘tong nararamdaman ko sa kanya.
“Oy friend, kumain ka na. Nauubos na ni Monique ‘tong dala kong pagkain oh.”
Yeah. Friend ko siya. At crush ko siya. Cliché story right? Maybe because I’m just any other a typical girl who dreams of a good love story who ended up falling for her friend. Joke lang. Ewan.
Kumuha na ako ng pagkain at siya naman ngayon ang nasa titig sa’kin. Tinaasan ko lang siya ng kilay.
“Friend, alam mo, gumaganda ka.”, sabi niya na nakatitig lang sa’kin.
“Hah?”, nabingi na yata ako.
“sabi ko.” Lumapit siya sa’kin ng konti. “Gumaganda ka.”
Feeling ko tumakbo ako ng sampung bese sa oval ng school sa sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Di ba crush ko lang siya, ba’t ganun maka-react ang puso ko?
“Uy, may nagkakadevelopan.”, kinikilig na sabi ni Monique at tinulak pa si Renzo, sanhi ng paglapit pa niya sa’kin.
Umayos siya ng upo at humarap kay Monique. “OA mo Monique. Naniwala ka naman? J-joke lang yun noh.”, sabi niya.
“Ay sayang. Joke lang pala. Ba’t di mo kasi totohanin?”, sabi naman ni Monique.
Sheetz. Joke lang pala. Pero ba’t ganun? Parang may masakit? Hay naku. Ewan.
“Ano ka ba Monique? Di ka na nasanay kay Renzo. Eh mukhang ‘Joke’ yan. Tapos ikaw Renzo, kung magjo-joke ka, yung nakakatawa naman. Hindi yung corny.”, sabi ko.
“Okay. Okay.”, sabi niya.
***
“Hay salamat, makakauwi na din.”, sabi ni Monique na nag-inat-inat pa.
“Tara uwi na tayo. Asan na ba si Renzo?”
Lagi kasi kaming sabay nina Renzo at Monique umuwi. Magkakapit-bahay kasi kami. Ito na din siguro ang dahilan kung bakit napalapit ang loob ko sa kanya, at naging crush ko siya.
BINABASA MO ANG
Falling for His Joke
Fiksi RemajaMiracles happens right? As well as jokes are half-meant true. Ang tanga ko kase. Alam kong joke, pero sineryoso. First Short story of mine. I hope you'll support it. feel free to Comment and Vote. :)