B. A. Y. W #43

395 14 0
                                    

Chill lang muna tayo guys!! 😁 sorry tagal kong mag update. Salamat sa pag hihintay!! Enjoy!!

/MERRY CHRISTINA's POV/
"Ahh! Mga baby ko!" Masaya kong tili ng makita ang kambal.

"Talaga bang kukinin nyu na ang mga bata?" Si Xena.

"Opo, Mom. Next time na lang po ulit." Pinupog ko nang halik si Alpha na kinuha ko mula sa Ginang.

Si Devon Laire, ayon, kausap si Daddy Charles.

"Kumain na muna kayo bago umalis.."

"Ahmm.." nilingon ko ang asawa.

"Sure."

Naka ngiti kong hinarap ang Ginang.
"Tara na po?"

Sa hapag ay masaya kaming nag kukwentuhan tungkol sa flower shop at sa kambal. Hindi namamansin si Deborah. Ewan ko kung bakit.

Nang dumating si Damon at Devlin.

"Wow. Hindi kami nainform, may family dinner pala tayo?" Si Devlin.

Pero si Damon, dumulog na ng hapag.

"Kumusta ang Lolo mo, Dev?" Si Charles.

"Nako, Dad. Mas malakas pa sa kalabaw si Lolo." Nag umpisang kumain si Devlin.

"Kayong dalawa, isang buwan na lang, pasko na, saan kayo mag papasko?" Nag palipat lipat ang tingin nito sa aming mag asawa.

"Ahm, sa bahay?" Sabay tingin ko sa katabi. Marami akong plano para sa pasko pero, ayaw kong pangunahan ang asawa. Baka mamaya may plano pala ito, umieksena pa ako.

"Yeah. Kayo, Mom? Dad?" Si Devon sa mga magulang.

"Hmm, plano naming rito na lang mag pasko--"

"Great!" Si Devlin "dahil plano nga rin ni Tanda na dito mag pasko--"

"Ano?!" Si Deborah, nan lalaki pa ang mga mata.
"Seryoso ba iyan? Mom, Dad!"

Naiatras ko ang ulo. Nag tatakang tiningnan ang asawa sa reaksyong iyon ni Deborah.

"Later..." bulong nito.

Matapos mag hapunan ay nag paalam na kami.

"Oh, aalis pa kayo?" Si Devlin na nilingon kami habang naninigarilyo.
"Gabi na. Bakit hindi pa kayo mag pa bukas, Devon Laire?"

"Its weekend, Devlin." Pinag bukas sya ng asawa ng pinto. Saka ito sumunod.
"Till next time..." ani pa nito bago tuluyang hilahin pasara ang pinto ng kotse.

"Sungit mo talaga." Hindi ko mapigilang sabihin sa asawa.

"What? Totoo naman ah.."

Hindi na lang sya umimik.

Sa silid ay inuna nyang asikasuhin ang mga bata. Lumalaki na ang kambal. Kapag nag hustong isang taon na ang dalawa ay plano na nilang ibukod ang mga ito ng kwarto lalo pat ang kwarto ng kambal ay extension lang naman kwarto nilang mag asawa.

"Merry..."

"Hmm?" Tinapik tapik ko ang natutulog si Brave habang nilalagyan ng hotdog pillow sa ilalim ng mga hita nito.

"Hindi ko alam na gustong gusto mong mag punta ng Paris?"

Sukat sa narinig ay napa ayos ako ng tayo at napa tingin sa asawa.

Tama nga ang hula nya, hawak nito ang black leather notebook nya.

"Saan mo nakita iyan?" Nilapitan ko ang asawa at akmang kukunin rito ang notebook ko noong kadalagahan ko pa nang iiwas nito iyon.

Being A Yakuzas' WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon