B.A.Y.W #35

219 7 0
                                    

NAPAPA buntong hininga na lang na umalis ang babae sa ibabaw ng bangkay ni Cordova.

Muli siyang pumasok sa walk in closet at inayos sa dati ang buhok maging ang kimono sa katawan.

Pagka labas, binalikan nya ang bangkay ni Cordova saka iyun walang anu mang kinumutan ang buong katawan saka iniwan ang isang maliit na papel sa ibabaw niyon.

"Five down, six more to go." Ani nito sa sarili saka lumabas ng silid.

Napa lingon sa gawi ng babae ang dalawang lalaking bantay ni Cordova ng lumabas sa silid ito ng silid.

"Where's Boss?"

"Nag aayus pa sya." Ngumiti sya sa dalawang lalaki saka mabilis na inihagis sa gawi ng mga ito ang isang shuriken. Tumusok iyon sa pagitan ng kanilang mga mata.

Bahagyang nagulat ang babae ng pag labas nya sa pribadong silid ay ang pag gapos sa kanya ng tatlong lubid na mula sa tatlong babae sa magkabilang gilid nya.

"Scorpion" Naka ngiting wika ni O' Flannery sa bihag.

Bahaw na tinawanan lang ito ng babae. Saka pinasadahan ng tingin ang babaeng kaharap mula ulo hangang paa.

"Casey O' Flannery. Ang galing mo, ahh? Ni hindi nga nahalata ni Enrico Cordova na ipinain mu lang sya upang mahuli lang ako. Nakaka tuwa ka naman."

"Tumahimik ka!" Saka ubod lakas na sinampal ni O' Flannarey ang babae dahilan upang magdugo ang gilid ng labi nito.

"Dahil andito kana rin lang tyak kung matutuwa ang mga kasama ko." Binalingan nito ang mga alagad.
"Dalhin sya."

Mabilis na kumilos ang tatlong babae. Lalo pa nilang ipinulupot sa karawan ni Scorpion ang mga lubid saka kinaladkad patungo sa isang pasilyo.

Nasa unahan ng apat si O' Flannery.
Bahagyang tumigil ang Ginang saka inilihis ang isang painting na replika ng Monalisa. Pinundot ang isang switch upang bumukas ang isang dingding.

Patulak na pinalakad ng isa sa mga tauhang babae ni O' Flannery si Scorpion upang pumasok roon.

Lalung lumawak ang ngiti ni Scorpion at napa iling ng makita ruon ang myembro ng Black Horizon.

"Mga kasama, ipinakikilala ku sa inyo si Scorpion." Masayang bati ni O' Flannery sa anim na naruon.

Hindi maiwasang mapa ngiti at mapa iling ni Scorpion habang tinitingnan ang mga tao sa paligid nya. Kapwa abala sa pakikipag usap ang mga ito. Hangang huminto ang tingin nya sa dalawang lalaking mag katabi na nasa kaliwang bahagi ng silid.

"Hindi ba masyado nyung pinatatagal ang sitwasyon nating lahat?" Napukaw ni Scorpion ang atensyon ng lahat.

"Alam mu bang masyado kang madada?!" Wika ng babae sa kaliwa nya saka sya walang sabi sabing tinuhod sa sikmura.

"Urm!" Nagkanda ubo si Scorpion sa pwersang tumama sa kanya. Pinanlisikan nya ito ng mata. Sa ngayun ay iyun muna ang kaya nyang gawin. Ang mag panggap na bihag.
'Susiguraduhin kung butas yang tyan mu sakin mamaya, babae ka!' Isip isip nito.

"Tama na iyan."

Napa tingin si Scorpion kay O'Flannery. Nag sindi ito sa pipang hawak. Maya mayay ngumisi matapos ng ilang hitit buga. Ang ilang myembo ng BH pwera lang kina Wallace at O' Connor ang hindi nya nakitaan ng may hawak na sandata. Ang apat na pinunong naruon ay may kanya kanya ng hawak na samurai at may tamang pwesto.

Being A Yakuzas' WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon