B.A.Y.W #33

266 7 0
                                    

Casa Blanca
20:30H

/KRIS POV/
"West side. Clear." Si Eavin.

"North side. Clear and done." Si Cedrick.

Umayos ako sa pagkakaupo rito sa mataas na bahagi ng puno saka muling sumipat sa lente ng hawak na baril.

Nabubwisit ako. Sa ganda kong ito inilagay ako sa pwesto na look out dito sa gabing malamig. Sa taas ng punong kung ano ang tawag. Nilalamok, nilalanggam at higit sa lahat naaambonan!!

"East side." Diniinan ko ang hawak sa suot na hikaw at nag salita sa micro chip mic na nasa pulsuhan.
"May tatlo sa gawi ko. Give me a minute." Isa isa kong inasinta ang mga namataang kalaban sa malayo.

"Copy. Sept?" Wika ni Lyon.

"Sandali. Naninigurado akong wala akong nakakaligtaang camera." Si Sept. Sya ang umaaligid sa Casa ng malapitan.
"All floors clear." Anonsyo nito.

"Alright. Kris?"

Hindi ko muna inintindi si Lyon dahil baka may mamataan pa ako. Maigi na iyung sigurado.

"Kristopher?!!"

"What?!" Angit ko.
"al- argh!" Napa hawak ako sa duguang balikat. Putcha! May bumaril sa akin.

"Kris. What happen?"

Muli akong sumipat, hinanap ang impaktong bumaril sa akin.
"Gotcha!" Agad kong inasinta at binaril ang isang naka itim na kung sinong papalayo.
"Malas!" Hindi ko natamaan!
Nag palinga linga ako mg may mapansin.
Pana?

"May problema tayo!" Anunsyo ko habang maingat na bumababa ng puno.
"Si Scorpion. Nandito rin si Scorpion!"

"What?!" Boses ni Boss O' Connor. "How could it be?!"

Aba'y ewan ko. Ako pa ang tinanong samantalang ngayun ko lang rin nalaman na nandito rin si Scorpion sa pamamagitan ng sulat na naka tali doon sa pana.

/DEVON'S POV/
Damn it! Paano nalaman ni Scorpion ang plano?!

"Alright everybody. Lets make this mission finish fast and were all done." Wika ko sa lahat ng mga kasama ng nasa kanya kamya na silang pwesto.

"Wallace. Your on. Mag iisip ako ng plano kay Scorpion." Wika ko sa katabi. Saka binuhay ang loptop sa kandungan. Kung kelan planado at planshado ang gagawin namin sa dalawang myembro ng BH. Mabubulilyaso pa yata.

/C.SCOTT WALLACE POV/
"Alright. You can start now, Honey." Wika ko habang tinatanaw ang sasakyang paparating kung saan naka sakay si Honeylet mula sa hawak na binocular. Kasalukuyan syang nasa loob ng sasakyan ni O' Connor.

"Im com'ng in." Narinig kong wika ni Honeylet bago ito umibis ng sasakyan.

Ang suot nang tauhan ay talaga namang nakaka tawag nang pansin.

Halos takpan na lamang niyon ang kaliwang balikat, dibdib at balakang ng babae. Idagdag pa ang mga mamahaling alahas na nasa katawan. Walang lalaking hindi lilingon sa dereksyon nito.

"I saw O' Flannery, Boss." Tumingin ako sa laptop na iniharap ni Lyon.

Ipinocus ni Lyon ang view kung na saan si Honeylet.

Being A Yakuzas' WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon