(Ending)

857 8 0
                                    

/MERRY'S POV/
Natatakot ako.
Natatakot para sa sarili na baka hindi na nya makita ang mga anak kahit na alam nyang ligtas ang mga ito sa kamay ni Black Hawk at ni Devlin.
Natatakot syang mamatay!

Humigpit ang kapit nya sa hawak na baril.

Hindi! Kailangan nyang mabuhay! Kailangan nilang mabuhay nang asawa.

Kanina pa sya tumawag nang back-up ngunit hindi nya alam kung nasaan na ba ang mga walangya! Hindi yata sya malocate ng mga loko.

Mapait syang napa ngiti ng walang sabi sabing halikan sya nang asawa.

Huling beses na lang ba nyang matitikman ang matamis nitong halik?

"Sa bilang na tatlo..." anito.

Tumango ako.
"Isa..." tiningnan nito ang bala nang baril na hawak. Halos kalahati na ang laman niyon. Bukod pa sa baril na hawak ay may armalite pa ang asawa.

"Dalawa..." ikinasa nya ang hawak na baril, binalingan ang asawa.

Huminga nang malalim.

"Tatlo!" saka sila magka panabay na lumabas sa pinag tataguan.

Walang hanggang putukan ang mga naririnig ko. Mga kasamahang hindi ko na makita ang iilan.

Napaigik ako sa naramdamang hapdi at kirot sa ibat ibang parte nang katawan sa mga daplis ng bala na pilit na iniiwasan. Halos magka sugat sugat ang katawan nya sa pag subsob sa lupa at pagtatago sa puno't sasakyan.

/Cord Saint-Juz POV/
Itinaktak ko ang upos ng sigarilyo sa ashtry. Ngunit sa bandang huli ay pinatay rin lang niya iyun.
Salamat sa pag sasakripisyo ng mga pinagkakatiwalaang tao, sina Johnson at Govanni, nagawa nya ang gusto nya.

Napansin nyang lumabas ng sasakyan ni Del Rio hawak ang isang baril kasama ang ilang tauhan.

Umangat ang isang sulok ng kanyang labi.

"Boss?"

Hindi nya pinansin ang driver na tumawag sa kanya. Basta nalang syang umalis sa kinauupuan dala ang isang baril.

Lumakad sa grupo ni Del Rio. Bihag ang halos mawalan na ng malay na Mag-asawa.

"Saint-juz!"

Napa ismid sya kay O' Connor. Bakas sa mukha ang pinag halong halong emosyon. Ngunit dahil pigil ito ng mga tauhan ni Del Roo ay hindi nito magawang lumapit. Kabaligtaran naman nito ang asawa. Mahinahon.

"Si Wallace?"

"Pasunod na rin iyon. Ewan ko nga lang kunh humihinga pa, tulad nang dalawang ito." Idinukdok ni Del Rio ang dulo ng baril na hawak sa ulo ni O'Connor.

"Rico." Tawag ko rito.

"Anung--" walang sabi sabing bigla niya itong binaril. At ang kanyang ilang tauhang sumunod sa kanya ay tinutukan ang ilang tauhan ng lalaki.

"S-Saint-Juz! B-Bakit?" Si Del Rio. Ngunit isang putok muli ang isinagot ko sa kanyang walang saysay na tanong.

Ibig nyang himagalpak nang tawa. Ang saya! Sa bandang huli, sa dami nang nag hirap, sya pa rin ang panalo. Iba talaga kapag tuso ka.

Being A Yakuzas' WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon