April 23, 2001, papano ko nga ba makakalimutan ang petsa kung saan unang nagtagpo ang landas naming dalawa. Sa isang final interview kung saan kailangan namin noon parehong maipasa para pareho kaming makapasok sa West High School.
First year high school lang ako nun so alam kong pure na paghanga lang sa kagwapuhan nyang taglay ang naramdaman ko. ‘Crush’ ika nga kung tawagin ng karamihan. Pero hindi ko naman akalain na yung crush na iyon ay mapapalitan na ng love sa kalaunan.
Masyado pa nga akong bata para isipin yang love love na yan, pero mahirap nga yata talaga kalabanin ang puso. Mahirap kumbinsihin ang sariling layuan ang taong alam mong siyang nagbibigay sayo ng kasiyahan at inspirasyon.
Third year high school na nga ako ngayon at wala pa ding nagbabago. Marami nang pagkakataon na magkagusto ako sa ibang lalaki, pero sadyang siya nga lang yata talaga ang plano kong mahalin. Siya nga lang yata talaga ang hinihintay ko magpasa-hanggang ngayon na manligaw sa akin. Nakareserba na nga talaga ang pagmamahal ko para sa itinuturing kong prince charming ng buhay ko.
Pero papaano ko nga ba haharapin ang hirap ng pagiging isang babae, na kailangang hintayin kong siya ang gumawa ng first action para maging kami, para maging official boyfriend ko siya, at papaano ko nga ba haharapin ang katotohanang ang nag-iisang lalaking ginugusto ko ay hindi man lang alam ang pangalan ko?
Kung pwede nga lang na ipagsigawan sa buong campus na siya lang ang nag-iisang gusto ko ginawa ko na. But of course hindi ko gagawin ang bagay na yun. Hindi ko gagawing sirain ang pangalan ni Daddy.
Anyway hindi pa nga pala ako nakakapagpakilala. Ako nga pala si Jena Merced Suarez, fifteen years old, 3rd year high school sa West High School, isang eskwelahang isang pribilehiyo ang makapag-aral. Why? Dahil sa sobrang hirap pumasok.
Biruin mo you have to have atleast 85 percent of average para payagang makapag take ng entrance exam, and then kailangan mo ding ipasa ang dalawang interviews in order for you to have the opportunity to enroll. O diba bongga? Samahan mo pa ng hirap na pagdaraanan mo kapag finally nakapasok ka na.
Of course you have to maintain your grades. Bawal kang magkaroon ng line of 7 sa class card or else kailangan mo nang maghanap ng bagong school. Dagdag pahirap pa ang mga projects and maduguang exams.
Lahat ng hirap na yan kinakaya ko para naman maging proud ang daddy ko sa’kin, at para ma-prove ko naman sa lahat ng estudyante ng West High School na sa sarili kong sipag kaya ko napagtatagumpayan ang mga achievements na nakukuha ko at hindi dahil sa teacher ang daddy ko.
Ako ang napipisil na maging Valedictotian ng batch namin ngayong taon at hopefully pati sa pagtuntong ko ng fourth year e ako pa rin ang maging matunog na candidate for honors.
Ang family ko ang isa sa mga nagiging inpirasyon ko kung bakit pinag-iigihan ko ang aking pag-aaral. Bagama’t hiwalay na ang mga parents ko, hindi pa din nawawala ang aking pag-asang balang araw e mabubuo pa din kami, kahit na ba sa sitwasyon ngayon na may kanya-kanya na silang buhay ay hindi pa din namamatay ang aking pag-asa.
Three years ago nang lumipat ako ng bahay. Dati kasi sa side ng Mommy ko ako nakatira, pero ngayon nga e sa daddy ko na ako tumutuloy, kasama ang stepmother and ang half sister kong si Wendy.
Three years and I’m still adjusting. Medyo hindi kasi kami in good terms ng step mom ko.
Bagama’t hindi niya naman ako pinapakitaan ng kung anumang kalupitan kagaya ng mga napapanood ko sa pelikula, and teleseryes, nararamdaman kong malayo talaga ang loob sa akin ni Tita Catherine.
Kapag nasa loob nga kami ng bahay ay parang hindi kami magkakilala. Si Wendy ang kung minsang nagiging tulay pa para makapag-usap kami.
Nitong bakasyon naging mahaba-haba ang panahon para kami magkasama, at naging mahaba rin ang panahon para dedmahin namin ang isa’t-isa.
BINABASA MO ANG
"Me and My Forever" ( O N G O I N G )
Teen FictionPara sa mga walang magawa at ninais maglaan ng oras para sa makabuluhang pagbabasa ... Nawa'y magustuhan nang madla ang una kong pagtatangka ...