And so ang pagnanais naming makita siya ay nagpatuloy. Nag-abang lang kami sa paborito naming tambayan malapit sa may canteen.
Pinagmasdan na din namin ang mga bagong mukha sa school. Of course puro freshmen yun, bawal naman kasi ang transferee sa school namin.
Nanumbalik yung mga memories naming apat during the time na kami yung nasa pwesto nila. Yung tipong wala kang kakilala. Yung tipong nagmamasid-masid ka ng mga pagmumukha ng mga classmates mo.
Tinitingnan mo kung sino ba yung mukhang mapagkakatiwalaan. Tinitingnan mo kung sino yung sa tingin mong makakasundo mo, and syempre hindi mawawala ang paghahanap ng mga gwapo.
Alam mo isang bagay ang natutunan ko sa parteng ito ng buhay.
Sabi nga nila e, kung sino pa daw yung hindi mo inaakalang makakasundo mo e sila pa yung magiging super ka-close mo.
Ganito nga ang naging kwento ng aming pagkakaibigang apat.
Two years?
Parang ang bilis nga lang nun. Pero kung pinagdaanan mo yung mga pinagdanan naming hirap sa pag-aaral, maiisip mong parang napakatagal na.
Matira matibay nga ang kalakaran sa school na to, kaya naman hindi na namin ikinagulat kung meron man kaming mga kakilala na natanggal na or lumipat dahil sa hindi kinaya ang pressure nang labis-labis na pagsusunog ng kilay.
Si Erika nga e naging section three na. Nakakalungkot isipin na hindi na kami magkakasama sa iisang kwarto.
Pero hindi naman yun makakaapekto sa friendhip naming apat. Ang inaalala ko lang e maraming bad influence sa section nila Erika, baka kasi mapasama ang bruha, kaya nga wala kaming ibang ginawa kundi ang paalalahanan siya.
“Friend baka naman pabayaan mo studies mo huh! Wag mo kakalimutan yung promise natin sa isa’t-isa na sabay-sabay tayong gagraduate.” Yun yung madrama kong statement.
Bigla-bigla namang tatawa ang loka-loka na tila hindi sineryoso yung last na sinabi ko.
“Wala ka bang tiwala sa’kin friend?” At nagsimula na nga siyang magyabang.
Almost thirty minutes wala kaming ibang ginawa kung hindi ang magkwentuhan ng mga experiences namin nung bakasyon, nakalimutan na nga namin yung mismong pakay namin kung bakit kami pumwesto sa tambayan, masyado ata kaming nalibang at hindi na namin namalayan kung dumaan na ba yung hinihintay naming dumaan, hanggang sa tumunog yung bell ay hindi nagpakita ang prince charming ko.
Binalak ulit sana naming dumaan sa section four bago kami bumalik sa klase, pero nandoon na naman yung grupo nila Beatrice.
Haist mukhang iniipon talaga ng tadhana ang aking pananabik. Hindi ko na alam kung ano pang paraan ang pwedeng gawin para lang makita siya.
Unti-unti na din akong nakaramdam ng takot. Papaano kung lumipat na siya ng school? Papaano kung iniwan niya na ako? Papaano kung dito pa lang natapos na ang love story naming dalawa? Papaano kung…
Bigla akong kinurot ni Eliza sa tagiliran nang mapansing tulala na naman ako.
“Tigilan mo yang pag-iisip mo nakakabaliw yan. Sinabi na nga ni Erika na nakita niya yung hinahanap mo kanina e, so wag mo nang isipin yang mga iniisip mo. Ok?”
Teka! Paano niya nalaman ang iniisip ko?
“Ang weird mo pano mo nalaman laman ng utak ko?”
“Ano pang naging silbi nang pagkakaibigan natin kung hindi ko malalaman yang laman ng utak mo.”
Haist ewan , kahit anong pilit kong wag siyang isipin e kusa na lang siyang pumapasok.
Ano bang hiwaga talaga ng pag-ibig, at kaya nyang gawing baliw ang isang normal?
BINABASA MO ANG
"Me and My Forever" ( O N G O I N G )
Teen FictionPara sa mga walang magawa at ninais maglaan ng oras para sa makabuluhang pagbabasa ... Nawa'y magustuhan nang madla ang una kong pagtatangka ...