Author's Introduction

85 1 0
                                    

Hindi talaga ako magaling magpakilig ng mga readers. Hindi ito yung masasabing specialty ko. Medyo mas mahusay ako sa mga madadramang story where in karaniwang ending e may namamatay. Ewan ko ba! Kusa na lang siguro yung lumalabas sa sistema ko. Hindi ko naman intention na gawin pero yun ang parang hinihingi ng pagkakataon. Mas maganda naman kasi talaga kapag medyo nakakagulat yung ending hindi ba?

Ilang beses na ba akong nag-attempt sumulat ng mga mahahabang kwento o nobela? Yung tipong may mga chapters, pero unfortunately ni isa wala pa akong napa-publish.

Medyo may pagka-perfectionist kasi ako pagdating sa pagsusulat. Kapag medyo pakiramdam ko e walang dating yung nasimulan ko nang isulat ay bigla ko na lang siyang dinidispatsa. Biglang naglalaho yung mga karakter na nasimulan ko nang bigyan ng buhay.

Pero may tila kakaiba nga sa kwentong ito. Ilang beses ko na siyang binalak walisin subalit parang may kung anong pumipigil sa akin.

Siguro nga tinatamad na din akong mag-isip ng bagong konsepto. Siguro nga masyado na akong nasasayangan. Ilang gabi na nga din ba akong nagpuyat tapos buburahin ko lang. Di ba parang pinagod ko lang ang sarili ko nun?

Nagsisimula na nga akong magtanong sa sarili ko. Bakit nga ba patuloy ko pa din itong ginagawa? Bakit kailangan kong magpuyat ng ilang gabi para lang makalikha ng isang istoryang kung minsan ay nababalewala lang naman.

Ito nga siguro yung papatunay sa kasabihang ‘kung ginusto mo ang isang bagay, gagawin mo ang lahat.’

Ginusto kong magpakabaliw, panindigan ko. Ginusto kong maipakita ang talento ko sa larangang ito panindigan ko.

Sabi nila masyado daw kasi akong malalim magpahayag. Ilang tao na din ang nagbigay ng advice na subukan ko daw sumabay sa makabagong panahon.

Papaano nga ba yung datingan ng isang writer na nakakasabay sa makabagong panahon? Hindi ko din kasi sila maintindihan.

Hindi din naman ako nagsusulat para magpasikat. Nagsusulat ako para mai-share sa madlang tao yung mga ideas ko. Gusto kong paglaruan ang imahinasyon nila.

Sabi nga ng isa sa mga idolo ko na si Ricky Lee, ‘tungkulin ng isang manunulat na ipakita sa mga mambabasa ang mga bagay na siya lang ang nakakakita.’

Kung papaano ko tingnan ang mundo sa sarili kong perspektibo. Kung papaano ko tingnan ang buhay. Yun ang gusto kong makita ng mga magbabasa ng kung anumang mga isinulat ko.

"Me and My Forever" ( O N G O I N G )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon