Malungkot ako nang gabing iyon. Hindi maitatangging ramdam ko ang pagiging miserable.
Hawak ko ang nag-iisang larawan ni Marco na halos magdadalawang taon nang nakatago sa aking lumang pitaka.
Malungkot kong kinausap ang piraso ng papel kung saan nakaguhit ang mga ngiti niya.
Kuha niya pa iyon nung 1st year high school siya sa isang official football game. Varsity nga pala siya. Ewan ko lang kung hanggang ngayon e member pa din siya ng team.
Ako lang mismo ang kumuha nun. Dala nang pananabik na magkaroon man lamang ng kahit isang picture na magpapasaya sa akin at magpapahimbing ng tulog ko sa bawat gabing hindi ako mapalagay.
Pero ngayon nga e kailangan ko na yung bitawan dahil sa isang kasunduan.
After ng class ay natuloy yung binalak naming pag-uusap na magkakaibigan sa bahay mismo nila Eliza.
Tinanong nila ako ng ilang mahihirap na questions na labis na nagpagana ng kinakalawang ko nang kokote nang dahil sa pag-ibig.
“Isang tanong, isang sagot, do you still love him?” Si Erika.
I answered ‘yes’. Then Angela told me that I have to answer ‘no’.
E bakit ko nga ba kailangang dayain ang sarili ko?
“Akala ko ba gusto mo na siyang kalimutan?” Pagpapatuloy niya.
“But hindi dahil na gusto ko na siyang kalimutan e kakalimutan ko na din yung feelings ko for him.”
Bigla silang napakamot sa ulong tatlo.
“OMG! Wag mong paganahin yung pagiging valedictorian mo dito para maghanap ng reason huh.”
And nagsisimula na nga kaming magtalo.
“Gusto ka naming tulungang maka-move on girl. Pero syempre you need to help yourself first.”
“Ano bang kailangan kong gawin?” Tila nagsimula na akong mag-surrender para sa totoong nararamdaman ko.
Nagulat ako ng biglang naglabas ng isang pirasong papel si Erika at nagsimulang magsulat nang kung anong hindi ko alam. Nang matapos siya ay saka lang ako nagkaroon ng chance para mabasa.
5 Different Ways kung papaano makakalimutan ni Jena si Marco.
1. Itatapon niya na lahat ng makakapagpaalala sa kanya kay Marco.
2. Never na siyang dadaan sa harapan ng third year section four.
3. Bawal niya nang banggitin ang pangalan ni Marco.
4. Ituturing niya na ring kaaway ang sinumang malapit kay Marco Garcia.
5. Hindi na siya magiging masungit sa mga mag-aattempt na manligaw sa kanya.
Hindi ko alam kung matatawa ako or maiiyak nang mabasa ko ang mga nakasulat doon.
Grabe naman! Kailangan pa ba talaga nang mga ganyang kaek-ekan?
“Ano girl? Anong plano mo?” Tanong ni Erika.
Ewan ko ba kung papaano nila ako napa ‘oo’. Parang na-hypnotize lang ako ng mga bruha nang mga oras na yun.
And so kaya nga humantong ako sa ganitong pagdadrama ngayong gabi.
Nakalagay dun sa number one malinaw na malinaw.
1. “Itatapon niya na lahat ng makakapagpaalala sa kanya kay Marco.”
OMG! Pwede pa bang umurong sa kasunduan?
Matagal kong inalagaan yung picture na yun tapos pupunitin ko lang.
But I know naman na para din sa akin ang lahat ng ginagawa nila.
And so pinunit ko yung nag-iisang picture ni Marco tapos …
Nilagay ko ulit sa wallet ko.
BINABASA MO ANG
"Me and My Forever" ( O N G O I N G )
Roman pour AdolescentsPara sa mga walang magawa at ninais maglaan ng oras para sa makabuluhang pagbabasa ... Nawa'y magustuhan nang madla ang una kong pagtatangka ...