Sa klase patuloy ang paglipad ng isip ko. Hindi ko na nga halos malaman kung sino ba ang pakikinggan. Kung ang teacher bang nagsasalita sa harapan o ang utak kong patuloy na naguguluhan. Paulit-ulit na nag-eecho sa pandinig ko yung mga huling linya ng sinabi ni Erika.
“Kung magbubuhos ka ng pagmamahal sa isang tao dun ka na sa alam mong mahal ka din at nagpapakita ng care sa’yo.”
Kailan nga ba darating yung tao na sinasabi nilang dapat kong pagbuhusan ng pagmamahal?
Grabe ang hirap at nagsisimula nang maging kumplikado ang lahat!
Kung tutuusin hindi ko muna dapat talaga iniisip yung ganitong mga bagay. Fifteen years old pa lang naman ako at alam kong marami pang mas dapat i-priority.
Pero yun nga yata talaga yung mahirap na part e. Kahit alam ko yung ganung katotohanan, bakit hindi ko pa rin magawang burahin siya sa isip ko .
Nagsisimula na nga akong masiraan ng ulo.
“Jena?”
“Jena?
“Jena?”
Naririnig ko yung pagtawag sa akin ng kung sino, pero tila wala ako sa mood na lingunin siya. Nanatili akong nakatulala sa may bintana ng kwarto.
Maya-maya lang ay nararamdaman kong sinisiko na ako ng katabi ko. Tsaka pa lang ako noon tila nagkamalay.
At pagbalikwas ko nga ng tingin ay nakita kong nakapamewang at namumula na sa galit si Mrs. Fuentabella, ang masungit naming teacher sa history.
“Are you with us?”
Ewan ko ba kung bakit bigla na lang akong napasagot ng ‘yes’ sa kanya. Kung alam ko lang na dahil sa sagot kong yun ay mas lalo lang akong madidiin ay mas minabuti ko na lang sanang manahimik.
“Okay sige kung nakikinig ka nga talaga’y maari mo bang isa-isahin ang mga dating pangalan ng mga bansang nakasulat sa pisara.”
YUN LANG!
Sampung mga bansa sa Asia ang bumulaga sa akin.
“Kapag hindi mo nakayang sagutan yang lahat maluwag ang pintuan at maaari ka munang magpahangin sa labas.”
Heto na naman ako at tila hindi alam ang sunod na gagawin.
“Sorry Ma’am pero tatlo lang ang alam ko.” Nag-attempt pa sana akong magpaawa pero walang naging epekto yun kay Mrs. Fuentabella. Kaya nga sa pagkakataong iyon ay ako na mismo ang nagkusang lumabas ng kwarto para hindi na madagdagan pa ang kahihiyang inabot.
Ito ang kauna-unahang beses sa kasaysayan ng pag-aaral ko na napalabas ako ng classroom dahil sa hindi sinasadyang pagkakamali.
Anong magagawa ko tao lang ako? Paminsan-minsan nawawalan din naman ako ng ganang making sa kung anumang mga pinagsasabi ng mga teachers kong karamihan e mga istrikto.
Makalipas ang halos labinlimang minuto ay natapos ang history class namin, at syempre ako ang unang pinuntirya ng kalalabas lang na teacher.
“Ano bang nangyayari sa’yo Ms. Suarez? First day na first day e mukhang wala ka sa sarili mo.”
Syempre ako na naman to ulit na medyo nagpaawa at nagpaliwanag ng maayos kay Mrs. Fuentabella.
“Sorry Ma’am medyo masama lang po ang pakiramdam ko.”
“Kung masama pala ang pakiramdam mo e bakit pumasok ka pa?” Nakatungo lang ako habang pinagsasabihan niya.
“Anyway yung ginawa kong punishment sayo kanina ay isang patunay lang na kahit anak ka ng isa sa mga teachers dito ay palalampasin ko na yung mga bad actions mo. I know candidate ka for honors this year and siguro naman kailangan mong patunayang karapat-dapat ka. Di ba?”
Tumango-tango lang ako.
“Ma’am pwede po bang wag na lang makarating to kay daddy?”
Bahagyang nag-isip ng isasagot si Mrs. Fuentabella.
“Ok! But you have to promise me na hindi na to mauulit.”
“Opo ma’am.” Mariin kong sambit.
At medyo nakahinga ako ng maluwag nang makarinig ng assurance sa masungit naming teacher.
Matapos ang ‘sermonan portion’ e bigla akong hinatak sa isang tabi nina Eliza at Angela na halatang nag-aalala sa mga ipinapakita kong kilos.
“Friend ano bang nangyayari sayo?” Si Eliza ang unang nagsalita.
“Masama lang pakiramdam ko.” Pagsisinungaling ko sa kanila.
“Pwede ba friend may tamang lugar para problemahin yang mga ganyang bagay.” At kanya kanya na nga sila ng sermon sa akin.
“Hoy! Kakatapos lang akong litanyahan ni Ma’am huh. Tama na!” Sa puntong iyon ay minabuti na lamang ng dalawang tumahimik.
“After nang uwian mag-uusap tayong apat!” Mariing wika ni Eliza bago nag-decide na pumasok muli ng kwarto.
At ano naman kaya ang pag-uusapan namin? Naku paano kaya kung malaman pa ni Erika yung kabuuan ng pangyayari? Malamang mas lalo akong makakatikim nito.
Hindi ko na talaga alam ang gagawin ko!
Saang lupalop ba ako pupunta para matakasan ang lahat ng problema?
BINABASA MO ANG
"Me and My Forever" ( O N G O I N G )
Novela JuvenilPara sa mga walang magawa at ninais maglaan ng oras para sa makabuluhang pagbabasa ... Nawa'y magustuhan nang madla ang una kong pagtatangka ...