Medyo late na ako nakatulog dahil sa sobrang pag-iisip. Samahan mo pa ng konting excitement dahil sa wakas ay magsisimula na naman ang school year. Officially matatapos na ang maghapong pag-iistay sa bahay. Tapos na din ang panahon ng tag-init. Simula na naman ng nakakainis na mga pag-ulan.
Ito nga ang unang sumalubong sa akin pagkabangon ko mula sa higaan. Naku! Sarap pa sana talaga matulog pero kailangan nang kumilos at baka ma-late sa unang araw sa school.
Pagkatapos ko maligo, mag-almusal, magsipilyo at kung ano-ano pang mga routine na kailangang gawin ay sumakay na ako sa kotse ni daddy. Ilang minuto pa ang hinintay at sumunod na din si Wendy na tila may hang-over pa ng bakasyon. Natatawa pa nga si daddy habang pinagmamasdan ang kanyang bunso.
Mga fifteen minutes din ang layo ng school mula sa bahay. Sapat na marahil para makapag-isip-isip.
Hay naku! Sabi ko na nga ba't isa siya sa mga pagkataong bigla-biglang papasok sa hindi ko mapalagay na utak.
Two months ko din siyang hindi nakita! In short two months din akong nagtiis at nangulila, pero sulit naman ang paghihintay dahil sa wakas ay magtatagpo nang muli ang landas naming dalawa.
Pagbaba namin ng sasakyan dumiretso na ako ng third floor sa may room 3027. Dun kasi yung room ng section one kung saan ako napabilang. Mga pamilyar na pagkatao nga ang sumalubong sa akin sa pinto pa lang ng kwarto.
Kanya-kanya sila ng sigaw nang makita nila ako.
“JENA!”, at nalaman na nga ng buong campus ang pangalan ko dahil sa lakas ng pagsigaw ng mga loka-loka kong kaibigan.
Si Erika, Eliza at Angela, ang mga solid dabarkads ko simula nung first year high school, ang siyang mga naging pangunahing dahilan kung bakit naging makulay ang nakaraang dalawang taon ko nang pag-aaral.
Sila din ang mga tanging pinagkakatiwalaan ko ng mga sikreto.
At isa nga sa mga sikreto naming magkakaibigan ang naging sentro ng maaga naming tsismisan.
“Friend I saw her kanina and grabe as in grabe mas lalo siyang gumwapo.” Si Erika ang unang nagsalita.
“Tara friend silip tayo!” Si Eliza naman ang nagyaya.
“Oo nga friend hindi ko pa din siya nakikita e.”, and si Angela naman ang agad sumang-ayon.
Haist! Akala ko yung pagpre-prepare lang sa school ang may routine, pati din pala ang trip naming magbabarkada.
Sa hudyat nang pagsang-ayon ng lahat nag-umpisa nang bumilis ang tibok ng puso ko, nagsimula nang manlamig ang mga kamay ko.
Ganito lang talaga ako kapag na-eexcite, samahan mo pa ng konting nerbyos.
Madalas na naming ginagawa ito noon, pero two months nga ang nakalipas at ganito kahabang panahon ko siyang na-miss.
Habang naglalakad kami ay paulit-ulit kong naririnig yung mga katagang sinabi ni Erika kani-kanina lang.
“Friend I saw her kanina and grabe as in grabe mas lalo siyang gumwapo.”
Ano bang ibig sabihin niyang mas lalong gumwapo? Naku naman noon pa nga lang na mahagip siya ng paningin ko e halos himatayin na ako. Ngayon pa kaya na sinasabi nilang mas lalo pa siyang naging good looking.
Ilang hakbang na nga lang kami mula sa section four, ang kwarto kung saan namin siya inaasahang makikita nang biglang humarang sa daanan namin ang grupo nina Beatrice.
OMG! This is what you called maagang pambubwisit.
Ito yung grupong madalas kaming pagtripan. Yung grupong madalas kaming ipahiya sa maraming tao. Everytime na makikita ko nga sila ay nakakaamoy ako ng panganib kaya naman niyaya ko na lang kaagad ang mga friendship kong bumalik na lang sa aming kwarto at baka kung anong kamalasan na naman ang mangyari.
Hanggang ngayon hindi ko pa rin makalimutan yung ginawa nila last year kung saan sinet-up nila kaming magkakaibigan para mapagbintangan sa isang bagay na hindi naman talaga namin ginawa.
Bagama’t malaki ang aking panghihinayang na sa unang pagkakataon ngayong school year ay hindi ko masisilayan ang prince charming ko ay mas minabuti na lamang naming umiwas sa gulo.
Di bale at marami pa namang pagkakataon.
Baka nga mamayang recess nga lang ay magkasalubong nang muli ang landas naming dalawa.
BINABASA MO ANG
"Me and My Forever" ( O N G O I N G )
Teen FictionPara sa mga walang magawa at ninais maglaan ng oras para sa makabuluhang pagbabasa ... Nawa'y magustuhan nang madla ang una kong pagtatangka ...