1

1.9K 41 3
                                    

Ms.Sy & Ms.Pineda




Nagmamadali akong tumatakbo papunta sa first subject ko, hawak-hawak ko pa ang mga libro ko ...

Takbo.takbo.takbo



BOOOG!

" fck!" Rinig kong sambit nang babae na nakabangga sakin! At siya pa talaga ang may ganang mag-mura??? Tch!

" wala ka bang mata para hindi mo makita na may tao sa harap mo?!!"
PAgrereklamo pa niya , aba! Reklamador tong babae na to!
Kung makapagsalita parang ako lang ang may kasalanan lahat? O di wow! Uff!

" siguro kung may mata ka rin e nakita mo rin na may tao din sa harapan mo para sana naiwasan nating magkabanggaan diba?? Tch!"
Inis na sabi ko sakanya. AKAla mo kasi kung sino makapagsalita!

" are you saying na kasalanan ko Ms.Pineda? Tch! Nakakasira ka nang araw!" Saka siya nag-umpisang naglakad. Ganun-ganun nalang? Hindi manlang niya nagawang mag-sorry?? Aba matindi! Walang MAnners ang Ms. Sy na to!

Tumakbo ako palapit sakanya habang tinatawag ko siya.

" Hoy! Basta ka nalang aalis?? Hindi ka manlang ba magsosorry??!"

Kaso parang walang narinig at nagpatuloy lang maglakad!

" bingibingihan tayo dito??" Inis na sabi ko.

Tch! Dahil sa inis ko, hinampas ko sa likuran niya ang isa sa mga hawak ko na libro dahilan para lumingon siya.

Kaso parang nagsisi ako na ginawa ko ang bagay na yun kasi ang sama na niyang tumingin sakin ngayon.

Uff! Pero Hindi! Hindi dapat ako matakot! Halerr?! Kasalanan niya kaya dapat ako pa nga ang may karapatang magalit dito! Uff!

Dahan dahan siyang lumapit sakin ...

KAya ko to , hindi dapat ako magpatinag!

" aa ... g-gusto ko lang magsorry ka. Yun lang."
Shit! Sabi ko hindi ako magpapatinag, pero nauutal ako. Nakakatakot kasi siya tumingin.

Nilapit niya ang mukha niya sa may tenga ko , naramdaman ko pa ang paghinga niya dahilan para tumaas ang balahibo ko sa batok.

" sorry ... your face!" Saka siya humarap sakin at nginisian lang ako saka ulit tumalikod.

Naiwan akong sobrang naiinis sa babae na yun! Idagdag pa na hindi na ako nakapasok dahil tuluyan na akong na-late :(


AAHHHH! bwisit! Bwisit na Babae yun!!



Tumambay nalang ako nang School Canteen, ikakain ko nalang tong inis ko para naman kahit papano gumaan ang pakiramdam ko.

Umorder ako nang favorite kong Cake , sinamahan ko na rin nang mainit na kape . Hehe! (^.^)

Mabilis kong naubos ang Cake na binili ko , yung kape iinumin ko nalang habang naglalakad ako.

Patayo na ako nang ...

BOOOG!


BWISIT Ka Pero Mahal KitaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon