31: Kiss

483 28 1
                                    

Hinawakan agad ni Gab ang kamay ko pagkababa namin ng sasakyan. "Grabe! Nakakainggit naman. 'Wag nga kayong mag-HHWW sa harap namin." Reklamo ni Tommy dahilan para matawa ako. "Nandyan naman si Jayson, pwede kayong mag-HHWW."

Tinignan ni Tommy si Jayson.
"O bakit?! 'Wag mong sabihing gusto mo naman?! Gusto mo bang gulpihin kita?!!" banta niya. "Bakit hindi? Malay mo ma-develop ka sakin." Sagot naman ni Tommy na ikinatawa ko na naman. Yung itsura naman ni Jayson parang gusto na niyang suntukin si Tommy. HAHA!

Pagkapasok namin sa loob ng bahay, sumalubong agad si Mama na nabigla sa mga dala namin.

"Hi Tita." Bati ni Gab.

"Magandang hapon po." Sabay na bati nila Tommy at Jayson.

"Bakit ang daming lobo? Anong meron?" Tanong ni Mama samin. "Bigay po ni Gab kay bespren tita." Sagot ni Tommy.

"Monthsary po kasi nila. Ang sweet po noh. Nakakainggit nga."—jayson

"Bigyan mo din kasi si Tommy para hindi kayo naiinggit." hindi ako sigurado kung nagbibiro ba si Gab sa mga sinasabi niya sa dalawa. The way niya kasi sabihin, ang seryoso pero feeling ko naman nagbibiro siya. Wierd ng Girlfriend ko.

"Ayy mag-syota kayo?" Tanong ni Mama sa dalawa dahilan para matawa ako. Yung reaction nung dalawa nakakatawa! HAHA!

"Naku hindi tita. 'Wag kayong nakikinig dyan kay Gab. No offense po pero hindi po ako Gay. Ewan ko lang kay Tommy po." Depensa ni Jayson.

"E bakit defensive? HAHA!" Asar ni Tommy. Sinamaan siya ng tingin ni Jayson.

"Gusto mong paduguin ko yang mukha mo?!" Banta niya.

Tawa lang ako ng tawa sa kanilang dalawa. Mamaya magka-developan sila sa kakasagutan nilang ganyan. Ganun kami nag-start ni Gab diba? Away,asaran,sagutan … hanggang sa nagka-developan na pala kami. Kahit sabihin na straight ka sa una, hindi rin pala sure yun lalo na kapag na-inlove ka. Yung bakal nga na straight, pwedeng mabaluktot, orientation pa kaya namin.

"Pwede na bang ilagay sa kwarto mo 'tong mga lobo Rhian? Baka kasi maiputok ko pa sa mukha ni Tommy."—Jayson

"Ang sweet naman. Concern ka sa mukha ko."—Tommy

Niyaya ko na sila sa kwarto bago pa mapikon si Jayson at suntukin nalang bigla si Tommy. Nagpaiwan naman si Gab para samahan si Mama.

After 15 minutes, naayos namin ang mga lobo sa kwarto. Sa dami ng lobo, nasakop niya ang buong kisame ng kwarto ko. Para tuloy akong tumitingin sa langit pero imbes na mga ulap, pink and white balloons ang nakikita ko. "Thank you ha. Buti nalang nandyan kayong dalawa." Sabi ko sa dalawang kasama ko. "Basta para kay Gab." Napatingin kami ni Tommy kay Jayson.

"Hay! Wag mong sabihin na umaasa ka pa kay Gab?" Tanong sakanya ni Tommy. "Psh! Hindi! Tanggap ko naman na, na kahit anong gawin kong ligaw sakanya, wala talagang pag-asa. Basta ipangako mo Rhian na hindi mo siya sasaktan, kapag sinaktan mo siya … ililibing ko ng buhay yang bestfriend mo."

Tumango ako bilang pagsang-ayon sa sinabi niya. "Payag ka naman na ilibing niya ako ng buhay? Bestfriend ba talaga kita?" Inakbayan ko si Tommy. "Hindi ka naman niya ililibing ng buhay, hindi ko naman kasi sasaktan si Gab."
Nginitian naman ako ni Jayson sa sinabi ko.

Kumain muna ng merienda sila Tommy at Jayson bago umalis. Nagpaalam din ako kay Mama na aakyat muna kami ni Gab sa kwarto.

Hawak ko ang kamay niya hanggang sa makapasok kami ng kwarto. "Tada! Ang ganda diba?" She nodded in agreement. Niyakap ko siya behind. Pinatong niya naman ang kamay niya sa mga kamay ko na nakayakap sa may tyan niya. "Thank you. Sorry wala akong gift sayo." I started planting small kisses on her back. Hindi ko alam pero bigla ko nalang ginawa. Siguro para lambingin siya kasi wala akong gift sakanya.

BWISIT Ka Pero Mahal KitaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon