34

263 14 0
                                    

Nicole

Maaga kong pinuntahan sa kwarto si Babe.
Nadatnan ko siyang gising na. "Hindi halatang excited ka sa lakad natin ngayon,Babe." Ngiting-ngiti siya. Ngayon ko nalang ulit nakita ang mga ngiti niya. Sa ilang linggo na kasama ko siya, 'yung sakit na nararamdaman niya ang nararamdaman ko 'rin. "Tatanggapin niya pa kaya ako?"

"Ikaw pa ba? Nakita ko kung gaano ka kamahal ni Rhian,at alam ko na kapag nalaman niya ang totoong dahilan mo, maiintindihan ka niya."

Na-text ko na 'rin si Rhian. Sa umpisa nag-alangan pa siya na makipag-kita, pero thank God,pumayag 'rin siya.

Ilang oras pa ay umalis na kami ni Gab. Dumaan muna kami ng flower shop para bumili ng boquet of roses na ibibigay kay Rhian.

Nakatingin lang ako sa kaibigan ko. Hindi ko alam kung bakit,pero naiiyak ako habang nakatingin sakanya. Siguro masaya lang ako na kahit papaano, kahit kaunti nalang ang araw niya para mabuhay, magkakaroon naman siya ng dahilan para sumaya pa. "Buhay pa ako iniiyakan mo na ako. Psh!"

"Sira! Masaya lang ako."

"Na mawawala na ako?"

Sinamaan ko siya ng tingin. Tinawanan lang niya ako. "Hindi nakakatuwa,Gabby! Tch!"
Mas lalo tuloy akong naiyak. Naiisip ko palang na mawawala ang kaibigan ko,nadudurog na ang puso ko. Nakakainis! Nagagawa pa niyang gawing biro ang kondisyon niya!







Rhian

Hindi ko alam kung para saan pa ang pagkikita namin ni Gab,pero pumayag parin ako. Ang totoo kasi, gusto ko parin siyang makita. Kahit sinaktan na niya ako, kahit pinaramdam na niya na hindi na niya ako kailangan, umaasa parin ako. Umaasa ako na magbabago ang isip niya. Na babalik siya. Na sasabihin niya na mahal niya parin ako.

"Sigurado ka ba talaga na makikipagkita ka pa kay Gab? Anak, kapag nasaktan ka ulit sa pagkikita niyo ngayon, pwede bang tama na? Minsan kasi, hindi lang dapat puro laban, pwede ka 'ring sumuko."
Matipid kong nginitian si Mama. Alam ko na apektado siya sa nararamdaman ko. Na masakit din sakanya na nasasaktan ako.

"Hindi sumusuko anak niyo,Ma. 'Wag na kayo mag-alala, malakas ang pakiramdam ko na babalikan na ako ni Gab." Nginitian ko si Mama, pero ang totoo, sobrang sakit. Umaasa parin ako kahit masakit, kasi wala namang kasiguraduhan kung may inaasahan pa nga ba talaga ako, o ako nalang din mismo ang lumuloko sa sarili ko.

"Ma, thank you. Thank you sa love. Sa suporta, sa pagdamay. Mahal ko kayo. Mahal na mahal,Ma." Niyakap ko si Mama, ganun din ang ginawa niya. "Alis na ako,Ma." Hinalikan ko siya.

"Ingat,anak."

"Opo. Bye,Ma."

Ngiting-ngiti kong kinawayan si Mama bago ako tuluyang nakasakay.

Kabado ako habang nasa sasakyan. Ang dami ng tumatakbo sa isip ko. Kung ano bang sasabihin niya this time. Kung magiging okay na ba kami? Babalikan na ba niya ako? O baka naman, saktan lang ulit niya ako? Paano ako haharap sakanya? Anong pag-uusapan namin? Anong sasabihin ko? Sasabihin ko ba na mahal na mahal ko siya? Magmamakaawa ba ako na balikan niya na ako?

Ee,ano bang masama kung magmakaawa ako? Last chance ko na 'to. Mahal ko si Gabby, at dapat pinaglalaban ko 'tong pagmamahal ko sakanya. Kung hindi man niya tanggapin, at least, sinubukan ko.

Tinignan ko ang oras sa phone ko. 10:00 ang usapan namin, at may limang minuto nalang akong natitira para makarating sa tagpuan namin ni Gabby.

"Kuya. Wala bang ibang daan? Yung mas mabilis po sana? 'Yung walang traffic?" Tanong ko kay Manong Driver. "Traffic po sa lahat ng daan ngayon,ma'am. Ito na po yung daan na mas mabilis sa pupuntahan niyo." Napabuntong-hininga ako.
"Dito nalang po ako. Lalakarin ko nalang po." Mabilis kong binayaran si Manong Driver saka ako nagmadaling bumaba.

Mabilis akong naglakad. Tumakbo kung kinakailangan. Limang minuto na 'rin akong late kaya mas may dahilan ako para magmadali. Ayukong maghintay si Gab ng matagal. Ayukong isipin niya na hindi ako darating. Ayukong isipin niya na sumuko na ako. Ayukong maramdaman niya na hindi ko na siya mahal.

Tumakbo ako ng tumakbo hanggang sa nagulat nalang ako ng may malakas na busina akong narinig at may sasakyan na sa gilid ko. Bumilis ang tibok ng puso ko. "Ano ba miss?! Nagpapakamatay ka ba?!!" Sigaw sakin ng driver.

Shit! Muntik na akong masagasahan. Natakot ako. Si Gabby agad ang naisip ko.

"Hinihintay ako ni Gab" bulong ko sa sarili ko. "Pasensya na po." Sabi ko kay Kuya Driver na ang sama ng tingin sakin.

Nag-umpisa ulit akong tumakbo hanggang sa isang malakas na busina na naman ang narinig ko,napatingin ako sa mabilis na takbo ng truck na nasa gilid ko at -------------







Gabby

Nakailang tingin na ako ng oras. 30 minutes na ang lumipas pero wala parin si Rhian. "Chill,Babe. Traffic ngayon kaya for sure, naipit lang yun sa traffic. Darating si Rhian."

Isang oras na ang lumipas ...

"Hindi na siya darating." Sabi ko kay Nicole. "Kunting hintay pa,Babe. Wait tatawagan ko siya."

Nakatingin lang ako sa labas ng cafè, umaasa na makikita ko si Rhian, na darating siya. "Hindi ko siya ma-contact." Reklamo ni Nicole.

"Rhian." Napangiti ako ng makita ko siyang nakatayo sa labas ng cafè. Nakangiti siya sakin. Bigla nalang tumulo ang luha ko. Nagtitigan lang kami. Nakangiti parin siya sakin. Yung ngiti na gustong-gusto ko. Yung ngiti niyang nakakapag-pabuo ng araw ko.

Sa halip na pumasok ng cafè, tumalikod siya sakin saka nag-umpisang maglakad. Agad naman akong tumayo saka tumakbo palabas ng cafè para maabutan si Rhian. Ang bilis ng tibok ng puso ko.

Hindi siya pwedeng umalis. Mag-uusap pa kami. Hihingi pa ako ng sorry sakanya. Hindi ko pa nasasabi kung gaano ako nagsisisi sa nagawa ko at kung gaano ko siya kamahal. Hindi siya pwedeng umalis ng hindi kami okay. Na hindi kami nagkakabalikan. Na hindi ko siya nahawakan manlang,nayakap, at nakasama.

"Babe, Bakit?" Tanong ni Nicole na nasa tabi ko na.

"Nakita ko si Rhian. Nandito siya. Nandito siya kanina." Nagtatakang tumingin sakin ang kaibigan ko. "Nakita ko siya,okay? Ang tagal pa nga naming nagkatitigan. Nakangiti pa siya sakin. Hindi ka ba naniniwala?"

Ginala ko ang tingin ko sa paligid, umaasa na makikita ko kung nasaan si Rhian.

"Babe, sa loob na natin hintayin si Rhian."

"Nakita ko nga kasi si Rhian dito! Nandito na siya! Bakit ba ayaw mong maniwala?!" Inis na sabi ko sa kaibigan ko.

"Babe, kanina pa ako nakatingin dito sa labas, wala pa akong nakitang Rhian. Kumalma ka muna,okay? Hindi nakakatulong yang init ng ulo mo. Kung totoo man na nandito na siya, babalik siya."

Bumalik kami sa loob ng cafè. Ilang oras pa ang hinintay namin pero hindi na bumalik si Rhian.


BWISIT Ka Pero Mahal KitaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon