2

810 33 1
                                    

BWISIT FOREVER





" Ma, may alam ba kayong nangkukulam?" Tanong ko kay Mama.

" ano ba yang sinasabi mo anak? BAkit ka naman naghahanap?"

" may gusto lang ako ipakulam Ma. Hihi!"

" tumigil ka nga anak! Hindi maganda yang iniisip mo."

Ang bait naman nang MAma ko , siguro yung Mama nung bwisit na yun masama rin ang ugali kaya namana nang anak niya. Ahay!

Sana lang hindi mag-krus ang landas naming dalawa para hindi ako malasin.




Pagkapasok ko palang nang Campus, pinakiramdaman ko na si BWISIT, tumingin tingin ako sa paligid para makasiguro na wala siya sa paligid ko, at mukhang walang bakas nang BWISIT ngayong umaga. (^-^)


" ako ba hinahanap mo Ms.Pineda?"
TAlagang sa mismong tenga ko pa talaga siya nagsalita! Ang walang hiya! NAsa likod ko pala! Huhu!
ANG malas ko naman talaga! T_T

" nakakagulat ka naman! Para kang kabute na bigla nalang sumusulpot! Tch! Ang aga-aga malas na agad ang nakita ko!" Pagrereklamo ko na lalo naman niyang ikinatawa!


" kabute talaga?? Ahaha! Malay mo next time dyan na ako sa puso mo sumulpot :)"
Ay letse! ANo daw?! Bwisit na nga, malandi pa! Tch!

" bwisit ka ! SIguro type mo talaga ako noh? Lesbian ka talaga siguro?!" Pang-iinis ko sakanya.

" ako talaga? BAka ikaw? Diba nga hinahanap hanap mo ako kaninang pagkarating mo?? :) saka namumula ka Ms.Pineda ... kinilig ka ba sa banat ko? :)"

" ang kapal nang mukha mong bwisit ka! Eeish! Yuck! NEver! Kung lesbian man ako, hinding hindi ako magkakagusto sayo! KAdiri kaya!"


" well , same here Ms.Pineda :) " saka na siya unang naglakad.



Ang bwisit na yun? Nagawa pang bumanat? Tch! Korni! SArap batuhin nang kamatis! ANg landi!

Pagkarating ko nang classroom ...


" uyy Rhian ... ok ka lang ba? Namumula ka kasi." Puna nang isang kaklase ko. Shit! So namumula talaga ako???

" aa yan ba? Nakapalan ko lang siguro yung blush on ko .. hihi!" Palusot ko nalang kahit hindi naman talaga ako gumagamit nun.

" talaga? Sa buong mukha mo ba ginagamit yung blush on? Kala ko sa pisngi lang yun?"

AAAHHH! lupa lamunin mo na ako! Huhu! Napapahiya na ako sa kaklase ko! Huhu!


" AHAHAHA! joke lang, hindi to blush on, may allergy kasi ako .. hihi"
Yan nalang para safe . :)


" san naman??" Bakit ba kasi masyadong matanong tong kaklase ko na to?!


" sa kabute!!" OO tama! Yung bwisit na yun ang may kasalanan nito! Eish! Kaya siguro ako namumula kasi allergic ako sakanya! KAya dapat hindi talaga magkrus ang landas namin nang bwisit na yun!





BWISIT Ka Pero Mahal KitaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon