29: jealousRhian

379 25 0
                                    

Ilang araw nang hindi ko nakakasama si Gab. Ang lagi niyang sinasabi, busy daw siya. Hindi ko tuloy mapigilang hindi mainis. Ang dami kong naiisip sa totoo lang. Hindi na kaya niya ako mahal? May iba na ba siyang nagugustuhan? Eeish! Nakakainis! Ang sarap niyang sabunutan!

Palabas na ako ng school nang makita ko siya. Kasama niya si Jayson.

Wait. Si Jayson? Si Jayson na gustong-gusto siya?

Palihim ko silang sinundan. Papunta sila ngayon sa parking area at sumakay si Jayson sa sasakyan ni Gab.
Shit! May something ba? Ayukong isipin na meron pero kasi … ilang araw na kaming hindi nagkakasama tapos makikita ko nalang na kasama niya si Jayson at sumakay pa sa sasakyan niya?!

Hindi ako makatulog. Iniisip ko parin 'yung nakita ko kanina. Nalulungkot ako na naiinis! Ang sakit din sa puso. Naiisip ko pa lang na may something sa kanila, nasasaktan ako. SHIT!

Hindi na ba niya ako mahal? Naisip niya ba na hindi kami pwede kaya binibigyan niya ng chance si Jayson?

AAHHH! nakakainis! Humanda siya sakin kapag nagkaharap kami. Sasabunutan ko talaga siya hanggang sa makalbo siya! Bwisit talaga siya!

Papunta na ako ng Canteen nang makita ko si Gab na kasama si Jayson. May binubulong siya dito dahilan para mapangiti si Gab.
Mas lalo akong nainis sa nakita ko.

Lumapit ako sa kanila. Nagulat pa nga silang makita ako. Tinignan ko sila parehas ng masama. "Aa … Hi Rhian." Bati ni Jayson na sinamaan ko lang ng tingin. Binalik ko ang tingin ko kay Gab. Tch!
"May gusto ka bang sabihin sakin?!" Masungit na tanong ko kay Gab. "Rh——" hindi na niya natuloy ang sasabihin niya ng tignan ko din siya ng masama.

"Inaagaw mo ba ang Girlfriend ko?!" Direct to the point na tanong ko kay Jayson. Sandali siyang natahimik pero nagpipigil siya nang tawa na mas lalo kong kinainis. "Anong nakakatawa?!" Tanong ko ulit sakanya. Umiling lang siya pero nagpipigil parin siyang matawa. Ganun din si Gab. Pinagtatawanan ba nila ako?!

"Sige na Jayson. Ako na bahala dito."

"Ok. Basta text-text nalang."

Nginitian pa niya si Gab bago siya umalis. Naiiyak ako. Naiiyak ako sa inis. Naiiyak ako kasi nasasaktan ako.

"Tara sa sasakyan." aya niya. Hinawakan niya ang kamay ko at naglakad kami papunta sa sasakyan niya.

Tahimik kaming parehas nang nasa loob na kami. Walang nagsasalita. Para bang nagpapakiramdaman kami kung sino ang unang magsasalita.

"N-nagsasawa ka na ba?" Putol ko sa katahimikang namamagitan saming dalawa. "G-gusto mo ba si Jayson? May namamagitan na ba sainyo? Bakit hindi mo sabihin sakin para hindi ako nagmumukhang tanga at umaasa na mahal mo parin ako kahit hindi naman na pala."

Sa haba ng sinabi ko. Wala manlang siyang naging sagot.
Nagpipigil lang ulit siya nang tawa.

"Pinagtitripan mo ba ako?? Anong nakakatawa sa mga sinasabi ko?! Ang sama mo! Nakakainis ka!" Tuluyan na akong umiyak. Pakiramdam ko pinaglalaruan niya ako. Shit siya!

Naramdaman ko nalang na nakayakap na siya sakin. Gusto ko siyang itulak pero ayaw makisama ng katawan ko.

"Bakit ka ba umiiyak? Sino bang may sabing nagsasawa na ako? Sino bang may sabing pinagtitripan kita? Bakit mo ba iniisip na may gusto ako kay Jayson? Tch! Engot ka talaga! Ilang beses ko bang sasabihin sayo na ikaw lang ang mahal ko."

"E *sniff* bakit lagi *sniff* kayong magkasama *sniff*? I-ilang araw *sniff* mo na akong hindi sinusundo at hinahatid. H-hindi mo na rin *sniff* ako pinupuntahan *sniff* s-sa bahay." Reklamo ko.

"Sorry. May inaasikaso lang ako."

"Uunahin mo pa 'yun kesa sakin?"

"Importante kasi 'yun. Sorry na. H-hindi ko na uulitin. Sorry." Mas hinigpitan niya ang yakap niya sakin.

Pinunasan niya ang pisngi ko gamit ang kamay niya nang kumalas siya sa pagkakayakap sakin. "I love you."

Sinamaan ko siya ng tingin. "Mukha mo!" Tinawanan lang niya ako. Bwisit talaga siya.
"Ang cute-cute mo talaga. Lalo na kanina nung kinausap mo si Jayson. Ano na nga ulit yung sinabi mo sakanya?"

Ngayon inaasar niya ako. Tch!

"alam ko na … 'inaagaw mo ba ang Girlfriend ko?'" Gaya niya sa sinabi ko kay Jayson. Binigyan ko siya nang tumigil-ka-kung-ayaw-mong-masabunutan look. "ugh! Sorry. Gustong-gusto ko kasi yung line mo na yun. Gusto ko 'yung pakiramdam na pinagdadamot mo ako at nagseselos ka. May gusto tuloy akong gawin."

Bigla tuloy akong nahiya sa sinabi ko kay Jayson. Lalo na ngayon na tinutukso ako ng Girlfriend ko. Tinaasan ko siya ng kilay.

"Can I kiss you? Sa lips? P-pero kung hindi pa pwede, ok lang, makakapag-hintay pa naman ako."

AHAHAHA! ang cute niya. Bakit kelangan pa niyang magpaalam?  Pwede naman niyang gawin. Hindi naman ako magagalit. Pero, sweet. Atleast nirerespeto niya ako. Hanggang yakap, kiss sa pisngi,noo at ilong lang ang ginagawa niya sakin.

"Bakit kelangan mo pang magpaalam?" Tanong ko sakanya. Hinihintay ko lang din namang gawin niya. Ayuko kasi yung ako ang unang gagawa ng move. Saka normal lang naman na gustuhin ko ring mahalikan diba?

"S-so … ok lang?" Tumango ako bilang sagot. Yung ngiti na naman niya abot langit. "P-pwede ngayon?" Tumango lang ulit ako.

Unti-unti niyang nilapit ang mukha niya sa mukha ko. Ang lakas nang reaction nang puso ko. Kinakabahan ako. first kiss ko kasi 'to kung sakali.

Sobrang lapit na nang mukha ni Gab sakin. Isang galaw ko nalang siguro, magdidikit na ang mga labi namin. This time, pumikit na ako, hinihintay ang paglapat nang labi niya sakin.

Pero agad din akong napa-mulat nang may kumatok sa bintana nang sasakyan ni Gab.

"Ugh! Kainis! Istorbo." Rinig kong sabi ni Gab. Gusto ko tuloy matawa. "Ang bagal mo kasi." Asar ko sakanya.

Binaba ni Gab ang bintana nang sasakyan niya at bumungad si Tommy. Ang sama ng tingin tuloy ni Gab sakanya. HAHA!

"nakaistorbo ba ako?" Hindi siya sinagot ni Gab. Ako naman nagpipigil parin ng tawa. "Sorry. Kanina pa kita hinahanap Bespren. Tumawag kasi si mama, gusto niyang mag-lunch kasama ka."

Hindi parin maipinta ang mukha ng girlfriend ko. Hinawakan ko ang kamay niya. "Ok lang ba?" Tumango siya bilang sagot. Nilapit ko ang mukha ko sa tenga niya. "Bukas siguro pwede na." Bulong ko sakanya saka ko siya mabilis na hinalikan sa pisngi niya. Yung hindi maipintang mukha niya kanina, napalitan na ngayon nang ngiting-ngiting Gab.

BWISIT Ka Pero Mahal KitaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon