20: BwiSWEET

386 29 0
                                    




Nangingiti parin ako kapag naiisip ko yung nangyari kagabi. Nakakainis kasi si Bwisit! Gumagawa siya nang mga bagay na mas lalong nakakapagpahulog nang puso ko sakanya.




"Sira-ulo!" napatingin ako sa nagsalita sa tabi ko,si BWISIT lang naman. Nag flashblack tuloy yung ginawa niya kagabi dahilan para magpigil ako nang ngiti. Pakiramdam ko tuloy nag-iinit mukha ko! " nagbblush ka. Sino dahilan niyan? AKO BA?" Tumingin ako sakanya na ngayon ay ngiting-ngiti! Aaahhh! Bwisit talaga siya! Inaasar niya ako! Mas lalo tuloy akong nakakaramdam nang init sa mukha ko. "Assuming ka! H-hindi ikaw noh! Ano … aa may allergy kasi ako …" palusot ko nalang para tumigil na siya. "Allergy san?"
"Sa KABUTE!" sabi ko nalang.
" Aa kabute … parang may natatandaan ako dyan sa kabute na yan. Ako yan diba? (^-^) bakit Ms.Pineda? Nakapasok na ba yung KABUTE dyan sa puso mo kaya namumula ka ngayon? (*^_^*)" tinignan ko siya nang masama! AAHHHH! bwisit talaga siya! Hinuhuli niya ako! Nilalandi na naman niya ako! "Ewan ko sayo!" Saka ako mabilis na umalis sa harap niya.








Papunta na ako nang Canteen para maglunch nang mag-vibrate ang phone ko.




BWISIT

Punta ka dito sa Parking Lot, hintayin kita sa kotse ko.




-_-


Utang na loob naman Bwisit! Lunch time na kaya? Tapos papupuntahin niya ako sa kotse niya? Grabe! Bahala siya! Gutom na ako kaya kakain nalang ako! Pero baka may sasabihin siya kaya pinapapunta niya ako. Tch! Kainis! Pero sabi niya rin hihintayin niya ako kaya ok, kakain muna ako saka ko siya pupuntahan. (^.^)Bahala siyang maghintay!











After 30 minutes, naglakad na ako papuntang parking area, hinanap ko ang sasakyan ni Bwisit at nang makita ko, kumatok ako sa bintana niya. "Bakit ang tagal mo? Kanina pa kita hinihintay!" Inis na sabi niya pagkababa niya nang bintana. "Sorry ha! Kumain pa kasi ako! Alangan namang unahin kita kesa sa gutom ko diba?! Hay naku!" Pagsusungit ko sakanya. " baka gusto mong pumasok dito?hindi yang nandyan ka sa labas?" Ano pa nga ba? Pumasok ako sa kotse niya gaya nang gusto niyang mangyari. Naku talaga 'tong si Bwisit! Pasalamat talaga siya na hindi ko siya matiis!
" bakit mo ba ako pinapunta dito? Sabihin mo na para makaalis na ako!" Sinasadya ko talaga siyang sungitan para hindi niya ako maasar, pero deep inside, gusto ko rin naman siyang kasama. Siguro ayuko lang madagdagan yung hinala niya na may nararamdaman na ako sakanya.




" Gusto ko sana makasabay ka kumain, yung tayo lang dalawa. Kaso, kumain ka na pala."






Ee? Bigla naman tuloy akong nakonsensya. So ibig sabihin hindi pa pala siya kumakain?
"Aa o di sasamahan nalang kita. Bakit kasi hindi mo sinabi para alam ko. Tara samahan na kita."
Yung mukha ni Bwisit ang seryoso na naman. "Hindi na. Wala na akong gana." Psh! Nakakainis siya! Kinokonsensya niya ako lalo!
" ang arte mo ha! Sasamahan na nga kita ee! Ok sige, kakain ulit ako para hindi ka na mag-inarte dyan!"






Nakita ko ang pag-ngiti niya sa sinabi ko.




-_-



Bipolar talaga!






May kinuha siyang paperbag sa backseat. " ano yan?" Tanong ko.
" paperbag. Mukha ba 'tong sako sayo?" Tinignan ko siya ng masama dahil sa kapilosopohan niya at nginitian lang niya ako. Pa-cute ang bwisit!



Nilabas niya ang mga food container na may lamang ulam at kanin. Bigla tuloy akong natakam kahit katatapos ko lang kumain, lalo na nung buksan niya yung container na may lamang adobo!





Inihalo niya sa kanin yung adobo. Psh! Akala ko pa naman magbibigay ang bwisit. "Kain" sabi niya saka siya sumubo. So ano 'to? Siya kumakain tapos ako nakatunganga lang? Bastos talaga 'tong bwisit na 'to!




" gusto mo?" Nagtanong pa siya! "Ayy hindi na, mukhang kulang mo pa kasi ata. Sayo nalang!" Inis na sabi ko sakanya. Bwisit siya! Natatakam na nga ako tapos hindi pa siya mag-share! Akala ko ba kaya niya ako pinapunta dito ay para sabay kaming kumain?? Bwisit talaga!



" Aahh!" Napatingin ako sakanya at sa isusubo niya sakin. Bwisit! Yung puso ko nagrereact! Ang bilis nang tibok! " 'wag kang mag-alala, wala akong nakakahawang sakit. Sakit lang naman sa puso ang meron ako ee." Nakaramdam ako nang pag-alala sa sinabi niya na may sakit siya sa puso. "Totoo ba?" Nginitian lang niya ako. Sira ulo din 'tong bwisit na 'to, seryoso ako dito tapos ngingiti-ngiti lang?! " Oo. Ang sakit kasi sa puso kapag nirereject mo ako."




-_-




Bumabanat lang pala ang Bwisit! HAY NAKU talaga!


" susunod na rin ata 'tong braso kong sumakit dahil sa ngawit! Baka gusto mo nang isubo diba? Tch!"
Reklamo niya. Ee kasi naman! Nahihiya ako kasi sinubuan niya talaga ako. Geez! Oo alam ko gusto namin ang isat-isa pero hindi pa kami para subuan niya ako! Kinikilig tuloy ako! (*^_^*)






Ilang beses niya akong sinubuan, ako naman feel na feel ko! HAHAHA! Bahala na kung anong isipin niya. Habang tumatagal din naman kasi, mas lalo akong napapalapit kay Bwisit, kasabay 'nun ang paglalim din ng nararamdaman ko sakanya. Baka kapag tumagal, hindi ko na kayang itago pa.


"Ihahatid kita mamayang uwian."


" ha? H-hindi na. Nakakahiya sayo." Tanggi ko.


" I insist! Sige na please. Gusto ko lang makasama ka nang mas matagal pa."






Juicecolored! Kinikilig ako!! (*^_^*)





" o-ok." Yan nalang ang nasabi ko. Bakit pa ba ako tatanggi e I'm sure na kukulitin parin niya ako kahit tanggihan ko siya. And besides, gusto ko rin naman. (^-^)














Gaya nang napag-usapan, pumunta ako nang parking area pagkatapos nang klase, sakto naman na nakita ko rin si Bwisit na palapit sa may sasakyan niya kaya tumakbo ako palapit sakanya.



" himala, hindi ka ata late ngayon? ت" nakangiting tanong ni Bwisit sakin. " nakakahiya naman po kasi sainyo kapag pinaghintay pa kita." Saka ako pumasok nang sasakyan niya, mas nauna pa ako pumasok kesa sa may ari! HAHAHA!
" excited ka lang ee. Excited kang makasama ako." Saka siya pumasok at pinaandar ang makena. Tumingin siya sakin saka niya ako nginitian. " alam mo pa-cute ka! Hindi ka kaya cute!" Inalis ko ang tingin ko sakanya kasi nangingiti talaga ako kanina pa. Ayukong mahalata niya na kinikilig ako sa presensya niya. " alam ko. Kasi maganda ako! ت"
O di siya na ang Gandang ganda sa sarili niya. " Ang yabang oh!" Tukso ko sakanya. " Crush mo naman! HAHAHA!"





Bwisit talaga siya! Saka mali siya noh! Hindi ko naman siya CRUSH! tapos na ako sa stage na Crush ko siya. GUSTO ko na siya ngayon … tapos malay natin, baka next time MAHAL ko na talaga siya. ♥ت






















BWISIT Ka Pero Mahal KitaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon