15

465 34 4
                                    

Bwisit&Tommy







Kakalabas ko palang nang bahay nang makita ko si TOMMY na nasa tapat nang bahay namin.

Nagtataka akong lumapit sakanya.




" anong meron? Ang aga mo atang bumisita? Namiss mo ako agad? (^.^)" pagbibiro ko sakanya.

Tinawanan lang niya ako. Psh! Lagi nalang niya akong tinatawanan, may sira ata sa ulo tong kaibigan ko! :)




" ihahatid na kita sa pinapasukan mo bespren. (^_^)" alok niya. Aba! Ibig sabihin ba nito makakalibre ako nang pamasahe? AHAHAHA!



" o si-" hindi ko na napatapos ang sasabihin ko nang may humintong sasakyan sa harap namin ni Tommy.




Kulay palang nang sasakyan, alam ko nang pag mamay-ari yun ni Bwisit. At dahil si BWISIT ... lihim akong napapangiti sa loob-loob ko!
Shemay! Sinusundo ba niya ako?!!
(*^_^*)




Mas lalo akong natuwa nang binaba na niya ang bintana nang sasakyan niya at nakita ko siya. (^-^)
Naging abnormal na naman tuloy ang tibok nang puso ko!






" Aa ... b-bakit? Bakit ka nandito?" Tanong ko. Ayuko naman kasing masyadong mag-aasume na ako ang pakay niya-malay ko ba kung napadaan lang siya... dinaanan ako! HIHI! sorry na! Nagiging harot ako pagdating kay Bwisit (^-^)




Hindi niya sinagot ang tanong ko at tinignan lang niya si TOMMY na ngayon ay tulala... tulalang nakatingin kay BWISIT!




" tara! Sabay ka na sakin." Alok niya.



Tatanggi pa ba ako? Si BWISIT yan ee, pero kasi nauna si Tommy, baka magtampo naman yung bespren ko kapag sa iba ako sumabay.





" p-pasabay rin ako. (^_^) nga pala, I'm YOURS!" Saka niya nilahad kay Bwisit ang kamay niya para makipag-kamay. Ngiting-ngiti pa nga si Tommy, kaso imbes na tanggapin iyon ni BWISIT, tinignan lang niya si Tommy saka binalik ang tingin sakin.


Tumaas ang kilay ko sa banat ni Tommy, tch!




" ano sasabay ka ba o tutunganga ka lang dyan?!!" Pagsusungit niya. Tch! Ano pa nga ba? Sanay na sanay na ako sa araw-araw na sumpong niya!






Bubuksan ko na sana yung likuran nang sasakyan niya para sumakay kaso pinigilan niya ako...




" dito ka sa harap!" Utos niya.
Napakagat ako sa labi ko dahil sa kilig na nararamdaman ko ngayon. Sa harap talaga ako? M-magkatabi kami?? Takte ang puso ko nagwawala!




Sumunod ako sa utos niya, kahit sasabog na ako sa kilig, umakto parin akong normal sa harap ni Bwisit, mahirap na baka mahalata niya ako!



Sumakay na rin si Tommy. Pansin ko lang dito sa kaibigan ko, simula nakita niya si Bwisit, hindi na nawala ang ngiti niya, saka nakatitig lang siya dito!, nagawa pa nga niyang bumanat! Uff!




H-hindi kaya???? T-type niya si BWISIT?!!! WAAAAHHHHHH!!





Hindi pwede! Ano to? KAribal ko siya?! T_T






" pwede ba tigilan mo pagtitig sakin?!!" Galit na sabi ni Bwisit na dahilan para bumalik ako sa realidad!




" sorry, h-hindi ko mapigilan. Para ka kasing magnet, hindi ko maalis ang tingin ko sayo (^-^)"


BWISIT Ka Pero Mahal KitaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon