II - Flashback
Nakahanap ako ng matitirhan ko ngayon. Nasa mataas na lugar kasi tinayo tong bahay kaya walang monsters na nakapaligid.
Napahiga na lang ako sa kama. Bat kaya walang tao dito? Kinurot ko sarili ko pero hindi eh. Hindi to panaginip. Tsaka pano ako nagkaroon ng katana???
Di pa pala ako nagpapakilala noh? Ako nga pala si Mikaela Mei Gopez, 4th year highschool na. Naalala ko pa nga nun bago ako magising na iba na lahat.
**Flashback**
"Makikita dito sa lugar ng Mystic na unti-unti nang nawawarak ang lupa .... hala! Nasira na ang gusali doon.. t-teka ... waaaaaaah"
"Eh? Anyare sa tv naten kuya?" Nanonood kasi kami ng balita kaya lang biglang nawala parang nawalan ng signal (", )
"Malay ko. Baka nawala signal? O gumuho ung kinatatayuan ng reporter. Lakas ng earthquake ah!!" saad niya.
"Anak kain na tayo" sabi ni mama. Kaya nagprepare na kami ng plato at kumain na. Habang nakain kami ay nakaramdam kami ng pagyanig sa lupa hanggang sa unti unti itong lumakas pati mga frame namin na nakasabit sa dingding ay umuuga na.
"Ma! Tay! Kuya! Anong nangyayari?"
"Diyan lang kayo! Magtago kayo sa ilalim ng mesa. Lalabas lang kami ng tatay niyo" sabi ni mama
"Pero ma.. " sabi ni kuya
"Bantayan mo kapatid mo" sabi naman ni tatay. At pagkatapos nun ay lumbas na sila ng bahay. Pero ang di inaasahan ay ang biglang nagbibiak na lupa. Magkahawak kami ni kuya ng kamay kaya lang pumagitna sa amin ang biak ng lupa kaya nagkahiwalay kami ng kuya ko.
**end of flashback**
Napahawak na lang ako sa pisngi ko ng maramdaman kong basa na dahil sa luha ko. Ikaw ba naman mahiwalay sa pamilya mo. Ang hirap sa pakiramdam.
Buhay pa ba sila? Asan kaya sila?
BINABASA MO ANG
Mystic City
FantasyWhen i woke up. everything change... [this is a fantasy story XD of course di mawawalan ng action mehehe]