IV - Teammates
*pukshhhh* (effects ng party popper)
"Weeeeee welcome mikaela sa ating teaam!" -Cath
"Yes! Complete na us!" -Eliz anudaw?
"A-ah..eh --"
may biglang lumapit sa akin na mas matangkad sa akin at may eyeglasses. "Hi po Im Mico welcome nga po pala ^_^ 12 yrs.old lang po ako" >3< di halata
"Mikaela ^^ 15. Ano... uhm mico ilan tayo dito?"
"6 members each team po ate. Tsaka 4 teams lang ang meron kaya 24 ang total ng manlalaro" sabay hawak ng eyeglasses niya. Yup may pagkanerd tong si mico.
"Ah.." wala tuloy ako ma say XD
"Yun si kuya Kaizer ang masungit at suplado dito. Pero siya lang ung kauna unahang naipalabas ang weapon dito." Suplado at masungit? Psh. Baka makapal at epal!
"Yun naman si kuya Reiko ung nagluluto. mabait yan ^^. Tapos si ate Eliz at ate Cath ang tandem sa kaingayan" natawa kami pareho sa sinabi niya. Adik eh XD
"Hoy kayong dalawa ang tinatawa tawa niyo diyan?" -Cath
"Yah. You two look baliw!" -Eliz
"Pft. Teka ilang araw na ba kayo magkakasama?"
"1 week na actually. Ang tagal mo kasing lumabas." -Cath
"Ha? Di ko talaga magets kung ano talaga ang nangyayari? Ang naaalala ko lang talaga eh yung nagkaearthquake dito sa mystic at nagkahiwalay kami ni kuya" malungkot kong saad.
"Okay lang yan ate mika. illusion lang yun." -Mico
"Ano ibig mong sabihin?"
"They want you to be a weak creature." -Kaizer
"Meaning.. kakaiba ka if ever na ilagay ka kaagad dito sa The Game. We are the ones who lagay here kaya we dont know if buhay ang parents namin don." -Eliz buti na lang naiintindhan ko pa ung sinasabi niya.
"May possibility pa bang makita ang magulang ko?"
"Yo guys. Seryoso ah. Kain muna." -Reiko
"Mamaya na lang natin pagusapan yan! Partey partey munaaa!" Sigaw ni Cath.
Habang nakain kami biglang nagopen si mico.
"Actually pinatay ang parents ko sa harapan ko gabi nung time na yun pagkatapos ay napunta na lang ako bigla dito at nakita ni kuya Kaizer"
"Even them, lahat pinakita sa atin na nawala ang mga mahal natin sa buhay at biglang napunta dito kaya nagconclude kami na ilusyon yun" nginitian naman ako ni Reiko.
"So anong gagawin natin dito sa 'the game' ?" As i finished my food.
"Wala pa announcement eh since today lang you nagpakita" -Eliz
After we eat na eh nagsipuntahan na kami sa sala. Nahawa na ako kay eliz ng kaconyohan T.T
Nang makompleto kami ay kusang nagbukas ang tv na nasa harapan namin at may nakalagay na 'THE GAME'
"GOOD EVENING BLUE TEAM! Kumpleto na kayo kaya ididiscuss ko na kung ano ang gagawin niyo"

BINABASA MO ANG
Mystic City
FantasiaWhen i woke up. everything change... [this is a fantasy story XD of course di mawawalan ng action mehehe]