Chapter Eight

2.3K 50 2
                                    

"This is awesome, Tita Kendra. I am so full!" Masayang pasalamat ni Arielle sa kanya habang hinihimas ang tiyan nito.

"Oh teka, may dessert pa tayo." Inihayin ng dalaga ang chilled sliced bananas na nilagyan niya ng chocolate syrup at ice cream.

"Banana Split yan, angel." Tinapunan ng tingin ni Ethan si Kendra habang inaabot ang dalawa pang bowl ng dessert.

"Well, I call it chocolate banana sundae." Muli siyang umupo sa tabi ni Ethan. "So, how's your dinner?" Proud na tanong nito sa mag-ama.

Halos isang oras bago nakatapos si Kendra sa kanyang mga niluto. Gaya ng patakaranni Ethan, kailangan niyang gamitin ang lahat ng natitirang sangkap na nasa kusina. Kaya't naisipan niyang magluto ng Chicken Pot Pie. Ginamit niya ang mga natirang pritong manok at mga gulay para magawa ito. Inubos na din niya ang mga loaf breads para makagawa siya ng bread pizzas.

"Spot on." Tahimik na sagot ni Ethan. Ginagaya pa nito ang tono ng pananalita ni Chef Gordon Ramsay sa Hell Kitchen. "I am impressed. Inubos mo lahat ng left-overs namin sa fridge wala na tuloy kakainin si Ashgar."

"Yehey! I won! Thank you, Tita Kendra. I know you can cook!" Tumayo si Arielle at yumakap kay Kendra. Subalit bigla itong natigilan nang mapatingin sa wall clock. "Oh gosh! It's getting late. Maya is waiting for me. I have to go!"

Nagmamadaling humalik si Arielle sa ama at walang isang iglap na nagtatakbo ito palabas ng kusina. Narinig na lamang nila na lumagabag ang main door.

"What?" Napansin ni Kendra na nakatitig sa kanya si Ethan habang nagliligpit siya ng mga pinagkainan. "Wala akong nilagay na lason or gayuma sa pagkain, Mr. Salvatore."

"Kahit naman hindi mo lagyan ng gayuma, sa tingin ko, gusto ka ni Arielle." Tumayo ang binata at pumunta sa wine cabinet. Humugot ito ng isang bote ng Chardonay at inihanda ang mga wine glass na may ice.

"Well, I like her too." Umupo si Kendra sa isang stool ng kitchen bar at inintay si Ethan doon. Hindi niya maintindihan pero nagsimulang lumakas ang kabog ng kanyang dibdib.

"Nagtataka lang ako. I felt your kisses last night. I know it's real, but you left me. Even the kisses that you gave me awhile ago, I know deep in my heart I felt the passion." Inilapag ni Ethan ang dalawang wine glasses saka pinuno ng white wine. "So bakit parang umiiwas ka?"

"Para kasing ang bilis lagi ng mga pangyayari." Tumitig sa baso si Kendra. "It's been only three days and look at us."

"Novelist ka 'di ba? Dapat alam mo na by this time there's an attraction between the two of us."

"Well, alam ko ang difference ng attraction at lust. How can you be so sure that we are both attracted to each other? Alam naman natin na pareho tayong matagal na unattached It's probably just hormones." Itinaas ni Kendra ang kanyang baso at inubos ang laman nito.

"You wanted proof?" Gigil na tanong ni Ethan. "Okay. Alam mo na ako ang hari dito sa Isla Salve. Pero napakadami ko nang beses na nilunok ang pride ko para sa'yo. Part of me was always thinking twice when making decisions involving you. How hard it is to see you talking to that guy? Nagseselos ako!" Hindi na nito napigilan ang pagtaas ng boses.

Tumayo si Ethan at hinila siya nito para bumaba sa mataas na stool. "Come with me." Daig pa niya ang paslit na nagpa-akay kay Ethan. Dumaan sila sa isang madilim na hallway at pababa sa isang pinto. Nang buksan ng binata ang ilaw ay napanganga siya sa kanyang nakita.

Iginala ni Kendra ang kanyang mga mata sa loob ng kwarto na puno ng memorabilias. May mga cannon balls, daggers, old chests at sa isang sulok ay may maliit na glass cabinet na may iba't ibang sinaunang notebooks. Para siyang nahipnotismo sa bahaging iyon ng kwarto.

A Buccaneer's TaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon