Napabalikwas si Kendra sa isang madilim na kwarto. Wala na siya sa speed boat na kanyang ikinabahala. Kinapa muna niya ang kanyang damit at nang matiyak na suot pa niya lahat ay saka iginala ang tingin sa buong paligid.
Malambot ang kutson ng kamang yari sa kawayan kung saan siya nakahiga. Overlooking sa veranda ang kumikinang na dagat sa ilalim ng bilog na buwan. Halos yari sa kawayan at rattan ang lahat ng furnitures sa loob ng kanyang kuwarto at elegante ang pagkakaayos dito.
Tanging ang langitngit ng kawayan na masinsing ginawang sahig ang kanyang naririnig habang naglalakad siya palabas sa kanyang personal veranda. Mataas ang kinatatayuan ng kanyang cottage. Isa ito sa tatlong cliff cottages na mayroon ang resort. Doon niya natanaw ang iba pang cottages sa ibaba at sigurado siyang bawat bintana nito'y may magandang view ng dagat. Huminga siya ng malalim at ninamnam ang masarap na simoy ng hangin. Matagal siyang napatitig sa dagat at saka siya napangiti sa kanyang naiisip.
Isang balsang nagpapatianod sa may baybay dagat ang napansin ng kapitan kaya't sinugod niya ang rumaragasang alon upang makita kung ano ang dala nito. Laking gulat niya nang isang dalagang walang malay ang nakatali dito. Kagyat niyang hinila ito sa buhangin upang palayain ang mga kamay nito.
Nanghihina subalit nang makadama ng init si Cecilia ay bahagya niyang iminulat ang kanyang mga mata upang makita ang nagbigay sa kanya ng bagong buhay. Matipuno ang katawan ng lalaking nakatitig kanya. Mapusok ang abuhan nitong mga mata at mapula ang mga labi nitong kanina pa nakikipag-ulayaw sa kanyang mga labi upang dugtungan ang kanyang buhay.
Teka, anong oras na ba? Tanong niya sa sarili. Nawala siya sa kanyang concentration nang kumulo ang kanyang sikmura. Agad niyang dinampot ang complimentary pen at stationary para isulat ang mga umiikot sa kanyang mga imahinasyon. Mukhang masisimulan na niya ang pirate romance na matagal na niyang pinaplanong isulat.
Pasado alas-nueve ng gabi nang lumabas siya sa kanyang silid. May trail ng torch mula sa kanyang pintuan pababa sa main restaurant. She enjoyed the sound of the gravel as she silently walked down the path. Muling gumana ang kanyang imahinasyon. Naputol lamang ito nang bumunggo sa kangyang tagiliran and isang batang babae. Napaupo ang paslit sa lakas ng pagkakahampas nito sa kanyang hita.
"Okay ka lang?" Inabot niya ang kamay ng bata habang pinag-aaralan ang pamilyar na mukha nito.
"Oh gosh! I'm sorry miss."
"Wala yun. Nasaktan ka ba?"
"No-no! I am okay po." Pinagpagan ng bata ang kanyang short saka siya hinarap.
"Anak ka ba ni Ethan?" Wala sa sariling natanong ni Kendra.
"Opo." Ngumiti siya at lumabas ang dimples na kahawig ng sa kanyang ama. "My name is Arielle. I am eight years old." Iniaro nito ang kanyang kamay.
"Arielle, as in, The Little Mermaid?" Nakipagkamay siya sa dalaginding. Pamilyadong tao pala si Ethan, kaya pala may pagkasuplado ang dating nito sa kanya.
"Yes! I can swim like a mermaid and I know where the wonderful coral reefs are." Napatalon ang bata sa kanyang sinabi.
"Wow! Very good! Ako nga pala si Kendra."
Namilog ang mata ni Arielle. "Really? Miss Kendra de Rossi? The one who whipped Karyong Putol's ass?"
"Did Ethan tells you about it?"
"Dad told me the whole story." Iniikot ng ingliserang bata ang dalawa nitong kamay para bumuo ng malaking bilog sa hangin. "It was awesome!"
"Miss Kendra, can you teach me how to do the karate? Please, please?" Napaka-adorable ng batang ito, naisip ni Kendra. Iyong tipong hindi mo matatanggihan sa kahit anong hilingin niya. Too bad she has a father with a blabber mouth.
BINABASA MO ANG
A Buccaneer's Tale
RomansaSimple lang ang gusto ni Kendra, ang magkaroon ng isang kakaibang bakasyon. Kaya't nagpasya siyang magpunta "mag-isa" sa isang private island sa El Nido, Palawan. Subalit bago pa man siya makarating sa Isla Salve, ay sunod-sunod na kamalasan na ang...