Halos kalahating araw na nakatulog si Kendra matapos siyang ihatid ni Ethan nang madaling-araw mula sa secret lagoon.
Paglabas niya sa kanyang munting silid ay sinalubong siya ng isang bouquet of fresh flowers sa kanyang lamesa at isang breakfast set -- ham and cheese omellete, hotdog and fried rice.
"Eat your breakfast. I love you. -- Capt. E." Npangiti siya sa note na nakita niya sa ibabaw ng takip ng mga pagkain. Kahit na busy ang kanyang boyfriend ay maasikaso ito sa kanya.
Saka niya naisip ang katotohanan. May ticket siya pabalik ng Manila pagkatapos ng dalawang linggong bakasyon. Kung aalis siya ay para lamang niyang niloko ang binata. Kung hindi man ay nakahanda na ba siyang mabuhay sa isla ng matagal na panahon? Minabuti na niyang kumain muna nagbabaka-sakaling may maisagot na siya sa mga tanong na naglalaro sa kanyang isipan.
Subalit hindi pa siya nakakatapos ay malakas na mga katok ang kanyang ikinagulat at boses ni Ethan ang tumatawag na tila alalang-alala.
"Bakit, anong nangyari?" Tanong niya sa binata pagbukas niya ng pinto.
"Si Arielle, hindi pa umuuwi. Nang sinundo ko siya kina Dante eh hindi naman daw doon natulog ang bata." Bakas na bakas ang kalungkutan sa mukha ng ama.
"Hindi naman siya aalis ng isla, makikita din natin siya." Agad na nagbihis si Kendra at sumama kay Ethan sa paghahanap sa anak nito.
Ginalugad na nila ang lahat ng area sa resort mula sa bar hanggang sa pawikan nursery subalit wala ni anino ni Arielle ang makikita doon. "Baka sa tunnel." Nasambit ni Kendra. Business as usual sa resort kaya't sila lamang dalawa ang naghahanap sa bata. Ayaw din ipaalam ni Ethan ang nangyayari dahil baka magkaramdam ng takot ang mga guests ng resort.
Binagtas nila ang daan patungo sa tunnel at sa pagkakataong ito ay doon siya dinala ni Ethan sa restricted area na palagi niyang nakikitang pinupuntahan ng binata. Napansin pa ni Kendra ang pagkagulat ng ama dahil hindi naka-lock ang pinto.
Madilim ang maliit na eskinita mula sa bunganga ng tunnel. Tanging ang pocket flashlight ni Ethan ang nagsilbing gabay sa kanila. Tuyo ang buhanging kanilang nilalakaran maging ang batuhang dingding kaiba sa mga caves na napuntahan niya na may tumutulo-tulo pa na tubig mula sa taas. Sa dulo nito ay tila dead end na at wala nang ibang madadaanan. Sa kabuuan ay isa lamang itong maliit at masikip na daan subalit wala naman laman.
Tahimik na sumunod lamang si Kendra dahil hindi naman niya alam kung saan siya dadalhin ni Ethan. Laking gulat niya nang itinulak ng lalaki ang malaking bato at bahagya itong bumukas. Tila isang pinto na sadyang binalutan ng bato upang hindi mahalata ng sino man na makakatuklas ng lugar na iyon.
Sa loob ay isang kwarto na marahil ay siyang tinirhan ng pirata noon. Iyon siguro ang lateral 4 na sinasabi ni Arielle kung saan nakuha ang birthday dagger. Kumpleto pa ang mga larawan at mapa na nakasabit sa mga pader. May tatlong malalaking treasure chest na naka-lock sa isang sulok at nagkalat ang mga sandata na mistulang nagtumpok-tumpok sa sahig.
Sa bandang kaliwa ay may isa pang maliit na pinto na bahagyang nakabukas. Muli ay tahimik na sumunod si Kendra kay Ethan. Pagkapasok nila sa pinto ay nakarinig siya ng hampas ng tubig-dagat sa batuhan at nakaramdam siya ng malamig na hangin. Nasilaw din siya sa liwanag. May lagusan pala mula sa kwarto palabas sa dagat.
"Dad!" Tinig ni Arielle ang kanilang naulinigan. Makailang hakbang lamang ay tubig na ang pumapasok sa lagusan. Nakita nila ang isang rubber boat at sakay nito ang nakataling si Arielle. "Dad! Dad!" Muling sigaw ng bata.
BINABASA MO ANG
A Buccaneer's Tale
RomanceSimple lang ang gusto ni Kendra, ang magkaroon ng isang kakaibang bakasyon. Kaya't nagpasya siyang magpunta "mag-isa" sa isang private island sa El Nido, Palawan. Subalit bago pa man siya makarating sa Isla Salve, ay sunod-sunod na kamalasan na ang...