"'Eto na po ang free drink galing sa retiradong sarhento, mahal na prinsesa." Bago pa man siya tingalain ni Kendra'y hinila na ni Ethan ang upuan sa tapat niya matapos ilapag and inumin sa lamesa.
She looked at his face as it glowed with the orange lighting. There was an intensity in his gaze which somehow jolted her. She just realized that Ethan is the 'pirate' that she was trying to describe in her story.
"Kailangan ko ba'ng mag-sorry?" Nabasag ang kanyang pantasya dahil sa arroganteng tanong ng lalaki.
"Naku, hindi!" May sarkasmo sa tinig ni Kendra. "Hindi mo kailangang mag-sorry lalo na kung hindi naman bukal sa kalooban mo. Okay na 'yang free drink. Thank you so much."
"Thank you din." He showed her again his wicked grin.
"Next time, dagdagan mo iyong part na hindi mo ako type. Sabihin mo din, the feeling is mutual."
Lumambot ang expression sa mukha ni Ethan. "I really didn't mean to offend you. Sorry, Kendra."
"Okay lang 'yon. Kapag nagkukuwento ang isang tao, minsan hindi maiiwasan ang maging exaggerated. Naiintindihan kita. I'm also a storyteller myself and most of my exaggerated stories are printed in books." Proud na sagot niya.
"Talaga, may books ka? Anong sinusulat mo?"
"Romance." Pakli ni Kendra.
"Wow! First time kong magkaroon ng guest na novelist dito sa isla." Tila kumislap ang mga mata ni Ethan at muling dumungaw ang dimples nito. Halos masamid siya dahil nagbara ang kanin sa kanyang lalamunan habang tinitingnan ang lalaki.
"Pero curious lang, saan mo natutunan iyong karate-moves mo?" interesadong tanong nito.
"Mahilig ako sa coupons. Maraming discounted offers sa internet at nasubukan ko na ang muay thai, boxing at judo." Naramdaman niya ang atensyong ibinibigay sa kanya ni Ethan. Naisip tuloy niya bigla ang asawa nito. "Tuwing kailan kayo nagpupunta sa main land o dinadala mo ba sa Manila ang pamilya mo?"
"Once a year lang kami nagpupunta sa parents ko para makita nila ang anak ko. Wala na siyang ina. Three years old pa lang nang iniwan niya kami."
"Hiwalay kayo?"
"Nope. Hindi kami kasal at iniwan niya sa'kin si Arielle. It's been seven years." Tahimik na sagot ni Ethan.
"I'm sorry." Nangiming bigla si Kendra sa kanilang usapan. Hindi na niya sinubukan pang alamin ang buong storya. Dama niya ang pait sa sinabi ng binata.
"Don't be. Ni anino niya ay hindi kilala ng anak ko at sa pagkakaalam ko ay naka-move on na ako." Nanumbalik ang ngiti sa labi ni Ethan.
"Salamat. Nabusog ako." Mahinang napadighay si Kendra. Nagpasya na siyang ibahin ang usapan. Sa dami ng revelations ni Ethan ay hindi na niya namalayang naubos ang kanyang kinakain. "Salamat din sa pagdadala mo sa'kin sa cottage ko. Pasensya na malalim talaga ako matulog lalo na kapag pagod."
"Mahaba pa ang gabi. Itinataboy mo na ba ako?" May lambing sa tinig ng binatang-ama.
"Hindi naman. Kaya lang, talagang napagod ako sa kalbaryo ko makarating lang dito. Isa pa ay nakilala ko na si Arielle at kanina pa niya hinahanap si Ashgar. Naalala ko lang ang bata masyado nang gabi para sa kanya."
Halatang nagulat si Ethan. Alam niyang magagalit ang ama sa anak subalit kung hanggang ngayon ay hindi pa nakikita ni Arielle ang aso ay mapanganib na para sa bata. Tinawag na ni Kendra ang waitress para pumirma sa stab pagkatapos ay sabay silang lumabas sa floating bar.
Halata ang pag-aalala sa mukha ng ama. Naglaho ang mapanganib na aura nito. Inihatid siya nito sa may restaurant at humingi ng paumanhin dahil hindi na siya maihahatid sa kanyang cottage.
BINABASA MO ANG
A Buccaneer's Tale
RomanceSimple lang ang gusto ni Kendra, ang magkaroon ng isang kakaibang bakasyon. Kaya't nagpasya siyang magpunta "mag-isa" sa isang private island sa El Nido, Palawan. Subalit bago pa man siya makarating sa Isla Salve, ay sunod-sunod na kamalasan na ang...