Ikaw pa rin - 31.

166K 2K 292
                                    

Erika's POV 

Nasa L.A na kami ngayon. BORING. -_-

Di ko pa pala nakakausap yung barkada. Speaking of... Pinatay ko pala yung phone ko bago kami pumunta dito. Arte kasi ni kuya Prince. Hmp. Anyway, mabuksan na nga.

54 messages | 1 voice message 

Binuksan ko muna yung voice message. From..... Chris. 

"E-erika.. So-sorry. Siguro galit ka sakin. Tsk. Sino ba naman hindi? Promise, magpapaliwanag ako sayo. Pero hindi ngayon. Gusto kong makausap ka ng harapan. Ayokong dito lang sa voice message. Ang gay pag ganun. Pft. Sige. Magiingat ka kung nasan ka man. I miss you." Napairap ako. Tsk. Teka.... bat ba ko naiinis? Ah--Hindi hindi.

Hmmm... Siguro first kiss niya yung Tricia na yun? Hmp. Buti pa ko, wala pa kong first kiss. :P 

 Ahhh!! Erika, stop it!!! Hayaan mo na. Hayaan mo siya. Hayaan mo SILA. 

*sigh*

"Cha. Okay ka lang?" Naramdaman kong tumabi sakin si Kuya Prince. 

"Oo naman kuya. Kaso... nakakainis lang kasi. Bakit ba biglaan tayong pumunta dito sa L.A?" Kung tatanungin niyo, may sarili din kaming bahay dito. 

"Ipapaliwanag ng Daddy mo sayo. Hintay ka lang. Tsaka, nagpasundo nga din si Jessy diba. Alam mo naman yun, maarte. Hahaha." 

"Hay nako. Onga pala, nasan si Kuya D?"

"Ewan ko dun. Umalis ata. Dakilang gala din yung kuya mo eh. Parang babae lang. Hahahaha!!!" I grinned. Siguro... nahawa na sakin si Kuya D? Hahaha! 

"Ganu----" Di ko natuloy yung sinabi ko kasi sumingit si Mr. Harris. Kasama namin siya papunta dito sa LA. 

"Young lady, pinapatawag po kayo ng Daddy niyo. Nasa office niya po siya ngayon." Syet. Kinakabahan ako. Ano ba kasing meron?

"Sige po." 

Umakyat na ko papunta dun sa office ni Daddy. Pati ba naman dito, meron siyang office? Dun nga sa bahay namin sa Philippines, meron eh. Tss.

*knock. knock* 

 Kumatok ako pero binuksan ko din agad. Para naman hindi rude. :P 

Nakita kong nakatayo si Daddy at nakatingin sa bintana. 

"Chandria." 

"Hello dad. I missed you." Sagot ko habang papalapit sa kanya. Niyakap ko siya at hinalikan sa cheeks. 

"I missed you too, princess. Maupo ka." 

Umupo ako dun sa tapat ng table ni Daddy. Umupo na rin naman si Daddy dun sa swivel chair niya.

"Alam mo ba kung anong meron sa Saturday?" Saturday? Hmm... Thursday ngayon. So... August 16 na. Tapos bukas, Friday, 17.... Tapos Saturday, 18!!! August 18?!?! :o

Ikaw Pa Rin (Published under Pop-Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon