Ikaw pa rin - 38.2

124K 1.6K 119
                                    

HAPPY 2M!!!!!! :))))) THANK YOU POOOOOOOOO! 

Malapit na rin anniv. ng IPR!!! :) Woooohh let's party! 

Erika's POV 

(Baby...) Chris whined. 

Kausap ko siya ngayon sa phone. Gabi na pero nagtetelebabad pa rin kami. 

"Bakit? May problema ba?" 

(Gusto na kita ulit makasama...) I rolled my eyes. Kanina pa siya ganyan pero yun lang pala problema niya. 

"Magkasama lang tayo kanina." 

(Kaya nga "ulit" eh. Boring dito. Wala akong naasar.) I heard him chuckled. Arrghh! 

"Heh. Shut up." 

(Hahaha! Hmmm baby, kailan tayo aalis papuntang Baguio?) 

Oh no! He mentioned it na naman. Naeexcite tuloy lalo ako. First time ko kaya sa Baguio! Buti nga naisipan ng mga magulang ko na hindi lumabas ng Pilipinas. Lagi na lang kasi kami sa ibang bansa pumupunta.

"I think sa Tuesday na!" Sabi ko habang nakangiti kahit alam ko namang hindi ako makikita ni Chris.

(Stop smiling, naiinlove nanaman tuloy ako sayo.) Napa-pout ako. Pano niya nalaman na naka-smile ako? Nandito ba siya? 

(Wala ako diyan baby. Hahaha!) 

"......" Pano niya nalaman yun? Mind reader ba siya? 

(At hindi rin ako mind reader. Ang kulit mo. Hahaha!) 

"Err! Kainis ka...." 

(Madali ka lang basahin. Tsk.) 

Marami kaming napagkwentuhan ni Chris. Sa tingin ko nga, eto na yung pinaka-matagal na phone call namin eh. Well, wag niyo na isama yung sa past namin. Basta, eto talaga yung pinaka-matagal. Mag-4 hours na ata kami magkausap eh.

"Hayy! Alam mo Chris, naeexcite talaga ako!" Sabi ko at niyakap yung unan ko. 

(Bakit naman? Eh sa Baguio lang naman tayo pupunta.) 

"Yep! Sa Baguio nga lang. Hahaha. Pero ewan ko. Sa tingin mo, Chris... Bakit kaya nila naisipan na dun tayo magbakasyon?" 

(Huh? What do you mean?) 

"I mean.... Pwede naman tayong magbakasyon sa Paris, Hawaii, Singapore, pero bakit sa Baguio?" Kahit hindi ko nakikita si Chris, alam kong napakamot yun sa batok niya. 

(Oo nga no. Hindi ko din alam eh. Hmmm baby, kung pupunta tayo sa ibang bansa, san mo gusto mo pumunta?) Napaisip naman ako. Saan nga ba? Isa nga akong Santiago pero tatlo o dalawa pa lang atang bansa ang napupuntahan ko. Hindi kasi ako masyadong pinapayagan nila Daddy na umalis at pumunta sa ibang bansa.

"Ahh! Gusto ko pumunta sa Paris baby!" Sabi ko. Ehe-ehem... Dahil sa excitement ko, natawag ko ulit siya ng "baby". 

(Talaga? Punta tayo gusto mo?)

Ikaw Pa Rin (Published under Pop-Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon