Other characters of IPR is at the right side :) Gif yan :D
ENJOY >:D<
=.=.=.=.=.=.=.=.=.=.=.=.=.=.=.=.=.=.=.=.=.=.=.=.=.=.=.=.=.=.=
Erika's POV
1 week na ang nakalipas simula nung ipakilala ako. *sigh* Pagod na pagod ako.
Pano ba naman? Puro interviews. Pare-parehas lang naman sila ng mga tanong. AT HINDI LANG YUN!!!! Lagi kong kasama si Chris tuwing may interview ako!!!! Uhhhh. Ayoko naaaaa!
"Hoy Cha, tara na! Malelate na tayo! Dalian mo jan." Sigaw ni kuya D. Nasa labas na kasi siya.
And yeah, sabay na kami pumapasok ni Kuya D. Tsaka, wala namang late ngayon no. Wala kaming class, pero kailangan namin magpractice ng kung ano anong sports. Yung gusto mong sport lang naman.
"Eto na. =_=" Lumabas na ko at sumakay na sa kotse.
--
Nasa tapat pa lang kami ng gate ng LCU ng napagpasyahan kong bumaba na.
Si Tricia ba yun... ?
"Kuya... Uhmm... Pwede na ba ko bumaba?"
"Bakit? Delikado diyan sa labas." Lumingon si Kuya sa likod namin. Ah, yung BG namin, nakasunod pala.
"Eh... Anjan naman sila. Dali naaaa. Okay?"
"HINDI." Sabi niya habang nakatingin sa IPAD niya. Sinilip ko kung ano ang ginagawa niya.
Sus. Tinitignan lang pala yung pictures nila ni ate Kim. *grin*
Hinawakan ko si Kuya sa braso. "Dali na, kuya. Sige... sasabihin ko yung secret mo."
"Aish! Lumayo ka! Sige na, oo na!" YES! Mwahahaha.
Huminto yung kotse at bumaba na ko.
Lumapit ako kay Tricia na mukang nagmamasid. Nasa likod kasi siya ng puno. -_-
Baga ako tuluyang makalapit kay Tricia, may humila sa buhok ko. SHET!!!!!
"Aww!" Pilit kong tinatanggal yung kamay niya. Sino ba to?!?!
"Mang-aagaw ka!" Wait... I know that voice.
"Huh! Bagay yan sayo!" Sino naman to?!?! Ugghhh! Hinawakan niya ako sa braso.
"Papalag ka pa?!?" Iba nanamang boses. Seriously?!?!
Si Tricia naman.... Mukang walang pakielam sa mundo. Nakatingin lang siya sa gate ng LCU.
"Ouch! Let me go!" Pinipilit kung pumiglas. For pete's sake! 3 vs. 1?! Oh come on!
"LET HER GO or LET HER GO?!?" Napatigil sila sa ginagawa nila sakin. Binitawan nila ako at mukang nanginginig sila.
Inayos ko ang uniform ko at sinuklay ang buhok ko gamit ang kamay ko.. Humarap ako sa kanilang tatlo.

BINABASA MO ANG
Ikaw Pa Rin (Published under Pop-Fiction)
RomansaHanggang ngayon, nagsisisi pa rin akong pinakawalan kita. Kasi alam mo, mahal na mahal pa rin kita. - John Christian. [Unedited. Maraming errors dito sa wattpad version. I hope you understand, thank you.]