Erika's POV
"Ba, bakit nga meron akong extra uniform sayo?" I rolled my eyes. Kanina pa yan tinatanong ni Chris sakin pero hindi ko siya sinasagot. Nahihiya kasi ako eh.
Nagpatuloy lang ako sa paglakad at hindi siya pinansin.
"Ba." He whined. I stopped walking nang mapansin ko na nasa tapat na kami ng locker namin.
Magkatabi lang yung locker namin ni Chris. Yung akin ay 407 at sa kanya naman ay 408.
I sighed at hinarap niya. Tinaas ko yung kilay ko at nagpout naman si Chris. I stared at him for awhile. Naisip kong sasagutin ko na ang tanong niya, wala nga palang secret secret samin. Gusto ko kasi, open kami sa isa't isa.
"Remember when you told me na kailangan meron tayong extra tshirt ng isa't isa? Para pag may emergency, hindi tayo mahihirapan. That's why." I said and I felt that my cheeks turned red. Nagiwas ako ng tingin. Kahit hindi ko siya tinitignan, naramdaman kong ngumiti siya.
"Ohhhh.... Akala ko ba, ayaw mo ng ganun?" Tumatawang sabi niya.
Nung unang sinabi niya sakin yun, hindi talaga ako pumayag. Pero kinabukasan nun, nang buksan ko yung locker ni Chris ay nakita kong merong tatlong malalaking paper bag dun. Nung binuksan ko iyon ay puro damit ko at mga bagong bili. Nanlaki talaga yung mata ko dahil alam niya yung size ko.
I glared at him. "Shut up." Sagot ko pero tumawa lang siya. Hindi ko na siya pinansin at humarap sa locker ko.
Binaling ko yung tingin ko sa touch screen na keypad dun. Pinindot ko yung mga numbers na 24747. Eversince, yun na yung password ko. Hindi ko na pinalitan. Pwede kasi namin siya palitan kung kailan gusto namin.
And yung meaning nang password ko ay: Chris
Tama kayo ng nabasa. Simula pa lang nang pumasok ako sa LCU, si Chris pa rin talaga yung laman ng puso ko. Siguro yung naramdaman ko kay Enrique dati ay isang infatuation lang. Or dahil miss na miss ko lang si Chris kahit galit pa ako sa kanya nun. Pero anong magagawa ko diba? Kay Chris pa rin talaga yung bagsak ko.
Nang mabuksan ko na yung locker ko, agad agad kong hinanap yung box na merong laman ng mga damit niya.
"Ngayon ko lang nakita ulit yung locker mo. Nagimprove na ah, may pictures na natin." Biglang sabi ni Chris. Uminit ulit yung pisngi ko sa sinabi niya. Ugh, nakakahiya!
Nung nakita ko na yung box, agad agad ko itong binuksan at kumuha ng isang sando at polo. Kumuha rin ako ng isang towel. Sinarado ko na yung locker ko at humarap kay Chris na ang laki laki ng ngiti.
Umirap ako sa kanya at binigay sa kanya yung sando, polo at towel. Mukang hindi naman siya natakot sa pagirap ko dahil mas lalo pa siyang ngumiti. Nakatitig lang siya sakib habang nakangiti siya kaya nakaramdam ako ng hiya. Naramdaman kong uminit ulit yung pisngi ko
"Why are you smiling like that?!" Sabi ko sabay hampas sa dibdib niya. Agad agad niya naman akong hinapit palapit sa kanya at niyakap ako ng mahigpit. I buried my face in his chest dahil sa kahihiyan.
"I love you Ba so damn much." He said. I smiled as he kissed my forehead.
Kahit bata pa kami, handa akong ipaglaban si Chris kahit anong mangyari.
BINABASA MO ANG
Ikaw Pa Rin (Published under Pop-Fiction)
RomanceHanggang ngayon, nagsisisi pa rin akong pinakawalan kita. Kasi alam mo, mahal na mahal pa rin kita. - John Christian. [Unedited. Maraming errors dito sa wattpad version. I hope you understand, thank you.]