Christian's POV
AKO?! Escort nung anak ng mga Santiago?! HOY WAG NA NO!!!
"Ano?! Ayoko nga!"
"Hoy! Ang arte netong batang to."
"Bakit ba kasi ako pa?!"
"Kung baga daw kasi kayo ang Teen Prince at Princess sa Elite world." Heh! May ganun pala?! -_-
"Kailan pa may ganun? Tsaka bakit hindi sila Ate Roanna o Kuya James?!?!"
"Nasa college na kasi sila. Kayo, nasa highschool pa lang. Wag ka na nga magtanong, Christian."
"Pa naman! Ayoko nga! Mas gusto ko si Erika!" Biglang nagsmirk yung tatay ko. Anong meron?
"Tss. Wag ka ng maarte."
"Ayoko! Hindi ako pupunta!"
"Ayaw mo pumunta? Sige. Kakausapin ko si Erika para pilitin ka. O kaya, sasabihin ko na magalit siya sayo. *smirk*" A-ANO?!
"Tsk. Pagiisipan ko."
Kinuha ko yung phone ko.
Tinawagan ko si Erika pero walang sumasagot. Tsk. Si Julia na lang.
[Calling Julia ni Diego ....]
(Hello?)
"Julia! Nakausap mo na ba si Erika?"
(Uhmm.. Ah... Hindi pa. Bakit?)
"Yayayain ko sana siya maging date eh."
(Ha?! Naku! Hindi pwede!!!!)
"Bakit naman?"
(Kasi.... uhmm.... Hindi siya makakapunta. Oo. Tama. Hindi nga.) Huh? Bakit hindi siya pupunta? Eh importante yung event na yun sa mga elite.
"Tsk. Sige."
Binaba ko na yung phone. Bakit naman hindi? Aish.
-KINABUKASAN-
7:02 pm.
Hindi pumasok si Erika ngayon. Namimiss ko na siya. *sigh*
Pumayag na din pala ako dun sa sinasabi ni Papa. Kailangan ko magescort sa babaeng hindi ko kilala. Saklap naman! Tsk.
Ayoko namang mapahiya yung babae no. Bakit kasi hindi na lang si Kuya James ang mag-escort dun? Kapatid niya naman yun. Tsk.
"Sir JC, this way po." Sabi nung babae na hindi ko kilala. Andito ako sa shop ni Ate Roanna.
Isusukat ko daw kasi yung damit ko. Tsk.
BINABASA MO ANG
Ikaw Pa Rin (Published under Pop-Fiction)
RomanceHanggang ngayon, nagsisisi pa rin akong pinakawalan kita. Kasi alam mo, mahal na mahal pa rin kita. - John Christian. [Unedited. Maraming errors dito sa wattpad version. I hope you understand, thank you.]