Ikaw pa rin - 33.2

140K 2K 164
                                    

Christian's POV 

"Especially you, Chris." Nagulat ako sa sagot niya. Ibig sabihin.... 

Tumayo ako at lumuhod sa harap niya. 

"Erika..." Sabi ko. Hinawakan ko yung kamay niya. 

"Ano ba, Chris. Da-dati pa yun. Ha-ha-ha." Tumawa siya pero mahahalata mong peke yun. 

 "Don't cry." Sabi ko. Nakita kong may pumatak na luha mula sa mga mata niya. 

"I-I'm not crying.." Sabi niya habang pinupunasan niya yung pisngi niya.

"You are." Niyakap ko siya. Erika, why do you have to pretend? "Sshhh." Naramdaman kong humihikbi na siya. 

"I-I ha-hate you so so mu-much." Sabi niya.

"Why do you hate me so much?" 

"I hate you. I hate you. I hate you. I hate you!" Sabi ni Erika habang sinusuntok yung dibdib ko. Alam ko naman eh.

"Pano ba yan? I love you." Tumigil siya sa pagsuntok sa dibdib ko.  "Alam ko, hanggang ngayon, nasasaktan ka pa rin. Pero, hindi na ba talaga pwede? Isang pagkakataon lang hinihingi ko." Hindi ko namalayan na umiiyak na rin ako. Ganito ba epekto niya sakin? Tae. Nababakla na ako.

Tumingin siya sa mga mata ko. "Is it worth it?" 

"Hindi ko masasabi yan. Pero lahat, gagawin ko. Lahat gagawin ko para mahulog ka ulit sakin." Tinitigan ko siya sa mga mata niya. "I'll make you mine again. I promise that."

 May tumulo ulit na luha sa mata niya. Sht. Ayoko siyang nakikitang ganito. 

Niyakap ko siya uli. "Sshh. Tahan na." 

"I'm sorry, Chris. I'm very very sorry. Ang manhid manhid ko kasi eh." Sabi niya. Naramdaman kong niyakap niya ako pabalik.

"Tahan na. Ayos lang yun. Marami pang pagkakataon, okay? Pwede pa natin maitama ang mga mali natin."  Sabi ko. Ilang sandali pa, tumahan na siya. 

Inangat niya ang ulo niya at ngumiti sakin. Ngumiti rin ako.

Ang ganda netong babaeng to.  Itaga niyo sa bato! 

"Ano? Tara na?" Sabi ko habang nilalahad ko sa kanya yung kamay ko. 

"Tara." Hinawakan niya ang kamay ko. Lumakad kami paalis sa lugar na yun na magkahawak ang kamay. 

---- 

*RRRRIIIIIIIINNNNNGGGGGG* 

Sht! Anong oras na ba?! 

Tumingin ako sa alarm clock ko. 5:30 pa lang pala. *sigh* Te-teka.... 5:30 na?!?! Aish! Susunduin ko pa pala si Erika. Tsk. 

Naligo at nagbihis na ako. Bumaba na ako para kumain. 6:15 na pala. Aish. Dumiretso na ako sa garage at pinagdrive ko na si Manong. Di na ako kakain. Ayokong mahuli sa pagsundo kay Erika. 

-Santiago's Residence- 

"Good morning, sir JC." Bati sakin ng maid at butlers nila pagkapasok ko. Teka, nasan na nga ba si Erika? 

"Uy bro!" Lumingon ako sa likod ko. Nakita ko si Kuya James na umiinom ng kape. 

"Uy kuya. Di ka pala nakaka-alis. Si Erika nga pala?"

"Si Cha? Ah! Andun pa sa Dining room. Di pa ata tapos kumain eh. Ikaw? Kumain ka na ba? Sabayan mo na yun."  Sabi ni Kuya James. Nag-thank you ako sa kanya at dumiretso na sa dining room nila. 

Nakita ko si Erika na kumakain ng chocolate cake. Ang aga aga, chocolate agad? Eto talaga oh. 

Naramdaman niya sigurong may tao kaya lumingon siya sa direksyon kung nasaan ako. Nag-wave ako ng kamay at ngumiti. 

"Chris! Andyan ka pala. Kanina ka pa ba diyan?" Sabi niya.

"Hindi naman. Hahaha. Ang cute mo kumain." Umupo ako sa harap niya at pinunasan ko yung gilid ng labi niya. May icing kasi. 

"Ha-ha! Nakakahiya naman." Sagot niya sabay kain ulit ng cake. 

"Hindi ka ba tapos diyan? Malelate na tayo oh." Pagkasabi ko nun, agad siyang tumingin sa relo niya. 

"Hala! Oo nga pala!" Tumayo na siya at uminom ng tubig. Kinuha ko naman yung bag niya. "Te-teka. Kumain ka na ba?" 

"Ha? Ah, hindi pa eh. Mamaya na lang." 

"Ano?! Wait! Gagawan kita ng sandwich. Hintayin mo ko dito." Dumiretso siya agad sa kitchen nila. Hay nako talaga. Ang kulit nun. 

Pagkatapos niyang gumawa ng sandwich, dumiretso na kami sa kotse namin. 

"Uy oh, kainin mo na to." Sabi niya sabay abot sakin ng sandwich. Tinitigan ko siya. Hindi pa rin ako makapaniwala na ayos na kami. 

Hinawakan ko yung kamay niya. "Ayos na tayo ha? Wala ng magbabago ha?" 

Ngumiti siya at hinawakan ng mahigpit yung kamay ko. "Oo naman." 

______________________________________________________

Super lame update :( Hehe, sorry guys! Babawi talaga ako, promise. Super super super busy lang talaga ako sa school. Super dami naming ginagawa :( :)))

VOTE. COMMENT. SPREAD THE LOVE. 

Ikaw Pa Rin (Published under Pop-Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon