Prologue: 1

1.9K 17 0
                                    

Jeros Thomas Fabios

Chapter 1:

Binilis-bilisan ni Mia ang pagbihis upang makapasok siya ng eskwelahan para hindi malate. Ngunit hindi lang naman yun ang dahilan. Si Jeth. Isang kaklase niya noong mga nakaraang taon. Magkaklase sila mula 1st yr. hanggang 3rd yr. ngunit ngayong huling year lang sila naghiwalay ng section. Ito ang pagpapatibok ng puso niya at kahit nasa malayo siya nakikita pa rin niya ito.

"Pagibig nga naman ano?" nasabi niya sa isip. "Manong Jong! Handa na ako."

"Good morning Mia. Ang aga natin ngayon ah." Bungad ng kaibigan niyang si Andrya pagpasok niya ng classroom

"Oo nga, e. Alam mo naman kung ano ang dahilan diba?" pagkatapos binigyan siya nito ng nanunuksong ngiti. Matalik na magkaibigan sila noon pa mang mga 1st year high school pa lamang sila. Ito ang sinasabihan niya ng problema o siya ang pinagkukuhanan niya ng advice.

Biglang may kumatok sa labas ng pinto ng kanilang classroom. Pumasok ito at lumakad patungo sa kanilang direksyon. Hindi niya matago ang pagngiti rito. Si Jeth lang naman na may matang nakakatunaw. "Super hot niya talaga." Narinig niyang sabi ng isa nilang kaklase. Ang sarap sabihin sa babae "I agree with you girl."

"Good morning sa inyo Mia at Drya." Bati nito sa kanila.Bumati rin sila ng sabaysabay at nagkatuwaan pa.

==============

"Andrya!" impit na tili niya.

"Bakit, may nangyari bang maganda?"

"Yes! Niyaya ako ni Jeth na mag lunch kami. Kami lang raw na dalawa. Diba parang date iyon? Oh my siomai! Nagyaya siya ng date!" nagthumbs up lang ito sa kanya at sinenyasan siyang umalis na.

"Balitaan mo ako ha!" ngingiting sambit nito. Habang tumatakbo siya nakita niya si Jeth. Tatawagin niya sana ito kaso kasama niya ang mga kaibigan niya kaya't nagtago siya muna para marinig ang pinaguusapan nila. Hindi niya makita ang mga ito pero naririnig naman. Baka kase siya ang pinaguusapan nila at makakuha siya ng impormasyon kung ano ang tingin ni Jeth sa kanya.

"Jeth pinopormahan mo ba si Miana?" rinig niyang sambit ng isa nitong kaibigan sa pangngalan niya.

"Ha? Eh, parang ganun na nga."

"Wow good luck Jeth." Sambit ng isa pa niyang kaibigan.

"Salamat Tol."

"E, tol paanu na si Lesly?" tanong ng isa pa niyang kaibigan. Hindi ito nakaimik. Sa pagkakaalam niya ito ang ex girlfriend ni Jeth.

Wala siyang marinig na sagot kay Jeth.

"Tol, matagal na silang wala kaya wala namang problema diba? Kaya huwag nang ungkatin ang nakaraan. Stay in the present and don't go back in the past." sabi ng isa nitong kaibigan.

Matagal naman pala kaya baka wala namang problema. Walang may maghahadlang sa pagsinta niya kay Jeth. Umalis na lang siya sa may pinagtataguan niya na may ngiti sa kanyang mata at labi.

==========

"Pasensya na sa paghintay sa akin Mia." Sambit ni Jeth na hinihingal pa.

"Okay lang yun Jeth. Halika na?" pagkasabi niya dun inakay siya nito papunta sa canteen.

"kamusta naman nagtest rin ba kayo sa Trigo?"

"Oo, e. pasalamat nalang at nakapag-aral ako kagabi. Ikaw?"

"Yun nga e, ngayun-ngayon ko lang naalala na may test pala sa Trigo kaya kanina lang ako nakapagaral." napakamot ito sa batok nito at nahihiyang ngumiti sa kanya.

Stallion Island Series (Fan made) >Jeth Fabios< (slow update)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon