Prologue: 2

560 6 0
                                    

“So Mia. Kayo naba ni Jeth?” tanong ng kanyang kaibigan habang ngumunguya ito. Lunch ngayon at nandoon ngayon sila sa kanilang tambayan at hinihintay si Jeth dahil inutusan ito ng kaibigan niya na bumili ng kanilang inumin.

Tumango-tango lang siya. Ilang months narin ang nakalipas ng magtapat sila sa isa’t-isa.

“Ilang months na ba?”

“1 month.”

Tumayo ito at pumunta sa kinauupuan niya. Niyugyug nito ang kanyang mga balikat. “Bakit hindi niyo sinabi sa akin na kayo na pala?”

“Aray. Drya. Pasensya na. akala ko alam mo na at saka isang buwan na ring kasama natin siya diba? Hindi ka pa ba nakakahalata.”

Huminto rin ito sa pagyugyug sa kanyang balikat. “Heller. Nakakahalata naman ako. Isang buwan na palang kasama natin yung ugok mong boyfriend at hindi niyo ako ininform na kayo na pala. Nakakasama kayo ng loob a.” humalukipkip ito.

“Pasensya na talaga. Akala ko nasabi na sa iyo ni Jeth.”

“Bakit siya lang. bakit hindi pwedeng kayong dalawa ang magsabi. Ikaw talagang babae ka. O and speaking of your boyfriend.”Papunta na rin ito dito sa kanilang inuupuan.

“O, heto na ang ipinabili mo Andrya.” Inilapag nito ang mga inumin at saka tiningan silang dalawa. “Bakit? May dumi ba sa mukha ko?”

“E, kasi Jeth…”

“Bakit hindi niyo sinabi sa akin na kayo na pala nitong kaibigan ko. Ang pagkakaalam ko lang naman ay nililigawan mo palang itong babaeng to.” Itinuro pa siya nito.

“Well I’m really sorry Andrya for not telling you na kami na nga ng kaibigan mo. Akala ko naman ay nasabi niya na sa iyo na kami na.” tiningnan siya ng dalawa.

“Ha? Akala ko ikaw ang magsasabi sa kanya.” Paninisi niya rito.

“Kaibigan mo siya. Bakit ak-“

“Stop it you two. Ayaw kong makita kayong magLQ. Nakakarindi. Yuck!”

“Sorry.” Synchronize na sabi nilang dalawa.

Umupo na rin ang mga ito sa kanilang inuupuan. “Ang sa akin lang naman baka nakaka abala pa ako sa date ninyong dalawa and fyi I’m not a chaperon.”

“Hindi ka naman nakakaabala.” –Jeth

“And fyi hindi ka chaperon.” –Mia

Gumuhit ang ngiti sa labi nito. “Kayo talaga. Bagay na bagay kayong dalawa.”

“Talaga?” –Mia

“Oo, bagay na bagay paguumpugin. Hahaha.”

“Ikaw talaga. Kumain na nga lang tayo.”

“Um! By the way nasabi na ba sayo ng pinakamamahal mong nobyo na siya ang magrerepresent ng ating year sa mr. Sportsfest?” –Andrya. Isa ito sa mga sports coordinator.

Ito ay isa sa mga paligsahan na kung saan makakadagdag puntos ito sa grupo at ito ay may advantage rin para sa mananalo.

“O, talaga? Sino naman ang kapares mo?” tanong niya dito.

Nakita niyang tumirik ang mata ng matalik niyang kaibigan.  “Guess who kung sino.”

“Hmm… si Rian?” Umiling-iling ito. “Si Belle? Nesa? Isa sa mga kaibigan nila?” ito ang mga kaibigan nila sa kabilang section. Magaganda naman ito at isa sa mga ito ay kinuha na noong last year mr. and ms. Sportsfest.

Tumirik na naman ang mga mata nito. “No! Like duh. Sana nga isa na lang sa magkakaibigan na yun. Ok pa sana kaso hindi, e. Ang kinaiinisan ko. Alam naman nilang may nakaraan ang dalawa. Ipe-pair up pa nila. Nakakahigh blood lang.”

Tiningnan niya si Jeth. “Totoo ba ito?”

Tumango naman ito. “Pero kung ayaw mo. Hindi na lang ako sasali.”

“No! sumali ka opportunity naman ito para sumikat naman ang boyfie ko.” Ngumiti siya ng matamis.

“O! kung gusto mo ikaw na lang ang ipapalit namin kay Lesly. Sigurado akong sasangayon ang mga iyon sa akin.” –Andrya

“No! you can’t do that. Baka sasama ang loob nun. At baka pagbuntutan niya pa ako ng galit niya kung sakaling ipagpapalit ninyo siya sa akin.”

“Well may point ka naman. Sigurado kang ayaw mo?” paniniguro nito sa kanya.

Itinaas niya pa ang kanang kamay. “Swear.”

“Hindi ka magseselos sa amin?” tanong ni Jeth.

Hindi niya ibinaba ang kamay  at tumango.

“Kahit na akitin niya pa ako at gusto-”

Tumigil ito sa pagsasalita ng hampasin niya ito sa balikat. “Ikaw talaga. Puro ka kalokohan. Sige ka pag  may ginawa kang masama babatukan kita ng malakas.”

Niyakap siya nito ng mahigpit. “Syempre hindi ko yun magagawa sa iyo. Ikaw na ang mahal ko ngayon, e.” Naglalambingan sila ng batuhin sila ni Andrya ng nilamukos na tissue.

“Yuck! Kadiri kayo. Mayroong bata kaya sa harapan ninyo.”

“Yan na nga. Magkaboyfriend ka na rin para hindi kana pa innocente de ti.”

Kumuha pa ito ng tissue at nilamukos iyon saka binato sa kanila.

=======

Sportsfest ngayon sa kanilang paaralan. A week of competing with each year level kung sino nga ang mas malakas ang freshmen ba, ang sophomores, ang juniors o ang  batch ngayon nilang mga seniors.

“Mia! Nakahanda na ba sila Lelsly? Pakitingnan mo at maguumpisa na ilang saglit lang.” Sabi ng year level adviser nila.

“Opo Ma’am.” Isa siya sa mga tumutulong sa pagaasist ng mga kailangan upang maging organisado at maayos ang programang  iyon. Kinuha siya ng kaibigan niya upang tulungan ito sa pago-organize ng programa. Kumatok siya sa dressing room ng seniors at binuksan ito. “Jeth, Lesly. Handa na ba kayo? The program will start in a bit.” Pumasok agad siya. Nakita niyang lumapit sa kanya si Jeth. Hindi mapinta ang mukha. “Bakit?”

“Mia…” –Jeth. May kumalabit agad sa braso nito.

“Ano ka ba Jeth. Parang wala tayong pinagsamahan. Hali ka na. ang sabi nga niya. it will start in a bit.” Kinaladkad nito agad ang kanyang nobyo. Huminto ito at tiningnan siya. She smirked at her at lumakad na kaagad. Hindi siya nakapag –react kaagad. Hinayaan na lang niya dahil naguumpisa na ring tawagin ng MC ang mga judges. Tinawag na rin siya ng isa pa niyang kasamahan upang tulungan ito sa pag accommodate sa mga judges.

Nagumpisa ng lumabas sa stage ang Freshmen. Ang theme na nakuha nila ay soccer. Nagsipalakpakan ang lahat ng mga freshmen. Ang sunod naman ay ang sophomores. Ang theme naman na nakuha nila ay basketball. Ganun rin, nagsipalakpakan rin ang mga ito. Ang juniors naman at ang theme nila ay Baseball. Ganun rin nagsihiyawan rin ang mga ito. At ang huli ay ang seniors. Sa paglabas ni Lesly parang lahat ng mga lalaki sa loob ay nagsihiyawan. Nagpacute pa ito kaya mas lalong nagsihiyawan ang mga lalaki. Ang theme naman na nakuha nila ay Tennis. Lumabas naman si Jeth at ganun rin ang reaction ng mga babae. Tumitili, nagsihiyawan, nagi-ilove u pa. dumikit agad ito kay jeth ng lumapit ito sa isat-isa. parang nagpapa-cute pa ito sa nobyo niya.

Narinig niyang naguusap ang dalawang babaeng malapit lang sa kanya.

“Naku. Bagay na bagay sila. Kinikilig ako.”

“Sayang lang dahil wala na sila.”

“Talaga?”

“Oo, at sayang nga dahil may bagong nobya na si Jeth.”

“O, talaga. Haha. For all I know baka ginagawa lang siyang panakip butas.” Nakipag apiran pa ang dalawang babae.

Yumuko na lang siya. Hindi siya makapaniwala sa mga sinabi ng mga ito. Kaya umalis na lang siya at pumunta sa labas ng gym. 

Stallion Island Series (Fan made) >Jeth Fabios< (slow update)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon