# # # # #
Im sorry for the late update and for the long wait.... >_
Chapter 2
Nagring ang cellphone ni Mia habang natutulog siya. Ilang minuto pa lang siyang nakakatulog dahil may tinapos pa siyang trabaho. umaga na nga rin ng makatulog siya.
Tiningnan niya iyon kung sino ang tumatawag sa kanya.
Si Freezia lang pala, ang pinsan niya. Sinagot niya ito habang nakapikit ang mga mata.
"Oh, bakit napatawag ka ata?"
"Magpapakasal na sina Ate Vix!" sigaw nito sa kabilang linya.
Napakunot ang noo niya. Alam niya naman na magpapakasal naman ito at si Trick. Naghihintay lang sila na sabihin ng mga ito kung kailan ang mga ito ikakasal. She knew that the love they have was true. "O, anong bago?"
"Bukas na!" sambit nito sa kabilang linya.
Napabalikwas siya ng bangon. "What?! Bakit ang bilis naman ata niyan?"
"Eh... anong magagawa natin iyan ang gusto ni Ate vix. Parang magnenervous break down siya kapag hindi sila nagpakasal ni kuya Trick." Sinabi na rin nito ang oras ng kasal at kung ano ang rason nang agad agarang pagpapakasal ng mga ito.
Napabuntong hininga na lang siya. Mahal na mahal talaga ni Vix si Trick ay hinding hindi niya kayang maghiwalay silang dalawa.
"Si Ate Vix talaga. Sige pupunta agad ako riyan. Sasabihan ko na lang si kuya."
Binaba niya agad ang kanyang cellphoone at tinawagan sa telepono ang airline service upang ipaghanda siya ng private plane papuntang Pilipinas. Nagmamadali siya kaagad pumunta sa kanyang walk-in closet upang magempake. Naroon siya sa Italy at doon na nakatira. Tinutulungan niya ang kanyang kapatid sa pagpapatakbo ng kanilang companya doon. Mas nanaisin niyang doon na lang manirahan kesa sa pilipinas dahil baka may makita pa siyang hindi kanais-nais
May branch naman sila doon sa pilipinas ngunit ang kuya niya lang ang pumupunta doon kaya siya minsan ang nag mamanage ng naiwan nitong mga trabaho.
Pinapauwi na nga siya nito at sinasabihan na dapat siya na lang ang magmamanage doon sa Companya sa pilipinas. Kaso matigas ang ulo niya.
Tinawagan niya agad ang kanyang Kuya Tex upang ipaalam rito na uuwi siya sa Pilipinas.
"Sa wakas! Mawawala ka na rin sa paningin ko! Hahaha. Joke lang bunso. Mamimiss talaga kita rito. Take your time sa Pilipinas at kapag napagpasyahan mong manatili riyan. Diyan ka na lang." sabi ng Kuya Tex niya at humalakhak pa ito.
"Ikaw Kuya ha! Aalis lang ako ng mga ilang araw at saka kasal naman nila ni Ate Vix at kuya Trick ang pupuntahan ko."
"Eeerr... right. Alam ko naman ang dahilan kung bakit dito ka nagsisiksik sa Italy kasama ko." Alam ng Kuya Tex niya kung bakit ayaw na niyang bumalik sa Pilipinas.
"Ba... baka hindi ko naman siya makikita kuya. Alam mo naming malawak ang Pilipinas. Kaya hindi maaaring magkita kami. Sige na Kuya! Mageempake pa ako. See you soon. Bye! At magbehave ka kapag wala ako. At saka wag kang magpapasok ng kung sino-sinong babae rito sa bahay. Kundi lagot ka sa akin." Pagbabanta niya rito.
"Haha. Sige bye na... sorry." Hinang na nito ang tawag.
Nagtataka siya guni-guni lang niya ba yun ang narinig niyang nagsorry ang kuya niya.
Ipinagsawalang bahala niya na lang iyun. Ipinaghandaan niya ang kanyang sarili sa paguwi sa kanyang lupang sinilangan.
Kaya ko to. Malawak ang Pilipinas kaya 50% of chance lang na makikita ko siya. See you later Philippines...
BINABASA MO ANG
Stallion Island Series (Fan made) >Jeth Fabios< (slow update)
FanficIto po ay isa lamang fanfic na ginawa ko dahil taga hanga po ako ng Stallion Series (Stallion riding club at Stallion Island). Sana kahit papaano ay magustuhan niyo ang aking gawa. Jeros Thomas Fabios