Chapter 5 part 1

526 9 9
                                    

Wala nang klase so it means magkakaroon ako ng time to write. May gana na akong magsulat. Please vote and comment sa story ko. I really appreciate it.

Hindi ako perpektong tao kaya kung may mga mali akong grammar etc. na nasulat, sorry po.

Enjoy reading!

--------------------------------

Pumasok sila ni Andrya sa lighthouse restaurant and cafe. May ipapakilala raw ito sa kanya.

"There they are." Ani Andrya habang kumakaway sa grupo ng mga kababaihan na nakaupo sa gilid ng naturang establishment. Hinatak siya kaagad nito patungo sa grupo ng mga babae.

"Girls, may ipapakilala ako. This is Mia my bestfriend noong highschool and this pretty ladies are the official girlfriends of the stallion island members here. This is Xandie, Imhan and Rayanne. They dont bite." Pagpapakilala nito sa akin at sa tatlong babae. Natawa pa silang apat sa huli nitong sinabi. Mababait naman ang mga ito kaya hindi sila nahirapang magkapalagayan ng loob. Nagkasundo kaagad silang apat kahit na kay bago bago lang nila nagkakilala.

Nagkakasiyaha  silang apat ng mapansin niyang tensyonado ang mukha ng kaibigan niya habang nakatingin ito sa cellphone nito.

"May problema ba Drya?" Nagaalalang tanong niya dito. Kanina pa kase nakatingin ito sa cellphone niya.

Nginitian at umiling ito. "Wala. Pinapatawag lang ako ng isang Village Lord na nagngangalang Evandro. Mukhang kailangan niya ang sebrisyo ko."

"Puntahan mo na siya Drya baka mapagalitan ka pa. Dito muna ako. Makikipagkwentuhan pa ako kina Xandie."

"Pasensya na at hindi kita masasamahan ngayon." Tumayo na ito. "Ano na naman kaya ang kailangan niya." Pabulong nitong sabi. "Girls, iiwan ko muna sa inyo si Mia. Pinapatawag ako."

"Dont worry about her Andrya. We'll keep her company." Saad ng ballerinang si Rayanne.

"Wag kang magalala hindi namin pababayaan si Mia." Wika ni Imhan.

Nagpaalam kaagad si Andrya sa kanila. Pagkalabas ni Andrya ay siya kaagad ang topic ng mga babae.

"Ako'y nagtataka na talaga sa kanilang dalawa ni Lord Evandro." Unang sabi ni Xandie. Siya ang nagsimula ng usapan. Nakatuon pa ang pansin nito sa entrance ng lighthouse resto.

"Ako rin nga, e. Mukhang may something fishy akong naamoy." Wika ni Rayanne habang kinakain ang creampuff nito.

"Pansin ko rin yun. Pero takot akong magtanong kay Andrya. Ikaw, Mia. May nasasabi ba si Andrya sa iyo tungkol sa kanila ni Lord Evandro?" Saad ni Imhan.

Tinitigan siya ng tatlo. Mukhang gusto talaga nilang malaman kung ano ang namamagitan sa dalawa. Kahit siya ganun rin.

Umiling siya. "Sorry to disappoint you pero wala siyang naibabanggit sa akin tungkol dun."

Napabuntong hininga na lang ang mga ito at saka napailing na lamang.

"Speaking of love life. May narinig akong napakainteresting na balita." Sabi ni Xandie habang nakangiti sa kanyang direksyon. "Fiance mo raw si Lord Gianfranco?"

Pati pala ang mga ito nasagap na rin ang maling impormasyong yun.

"Paano mo pala nabingwit si Lord Gianfranco? Sa pagkakaalam ko ang megayacht lang nito ang pinakamamahal niya. Mali pala."  Sabi ni Imhan.

"Matagal na kaming magkakilala. Ive known him for a long time. And besides..." She's not sure if she'll tell them the truth behind her and Gianfranco. She's here to relax and he doesnt want anyone bothering her. Pero sa ipinakitang kabaitan ng mga ito sa kanya at nakahanap na rin siya ng bagong mga kaibigan sa isla. Hindi magandang magsinungaling sa mga ito sa pagsimula ng kanilang pagkakaibigan. "The truth is..." pinaypay niya ang tatlo para lumapit sa kanya. Sinunod naman ng tatlo ang utos niya. Lumapit naman ang mga ito sa kanya upang sila lang ang makakarinig sa sasabihin niya. "The truth is Im not really Gianfranco's fiance."

Stallion Island Series (Fan made) >Jeth Fabios< (slow update)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon