Chapter 3

414 10 2
                                    

Napaisipisip siya habang nilalaro ang kanyang buhok. Hindi siya makapagconcentrate ng maayos dahil sa nangyari kanina. Nasa may veranda siya ngayon ng kanyang kwarto at gumagawa ng sketch ng maaliwalas na kapaligiran. Dapat naaamaze na siya sa lugar na iyon pero mas malakas ang hatak ng isang tao sa kanyang isipan.

Hindi pa rin siya makapaniwala na sa lahat ng taong pwede niyang makita.Ang tao pang iyun na pinakaiiwasan niya sana ang makikita niya rito.

"Hey! What's up!"

Napatingin siya sa may glass door patungo sa kanyang kwarto. Nakabukas ito at bumungad sa kanya ang isang pamilyar na pigura. Hindi niya namalayan na nakapasok na pala ito sa kanyang kwarto.

Napatayo siya sa pagkakaupo at nilapitan ito.

"Yo! Andrya!!" napayakap siya ng mahigpit dito. "O! I really miss you."

"I miss you too Mia."

Kumalas na sila sa isa't isa.

"Bakit ka nandito?"

"Well. Dito na ako nagtatrabaho bilang psychologist. Kailangan ng mga tao rito ng katulad ko dahil sa mga chauvinistic pigs na naghahari-harian dito sa stallion island."

Lumapit silang dalawa sa may harang ng veranda at doon pinagmasdan ang kapaligiran.

"Also one thing na nagpapanatili sa akin rito ay ang kagandahan ng isla. Nakikita mo naman diba. Napakaganda." Sabi ni Andrya without looking at her.

"Oo nga. Napakaganda... Teka nga. Papaano mo nalaman na narito ako?" Tiningnan niya ang kanyang kaibigan at napatingin rin ito sa kanya.

"Kay Noah."

"Ooo. I see."

Pumunta ito sa bakanteng upuan na harapan naman ng kanyang inuupuan kanina. Kinuha nito ang sketch pad niya at tinitingnan kung ano ang mga ginuguhit niya. Siya naman ay andun pa rin nakasandal sa harang habang tinitingnan lang ang kaibigan.

"Binalitaan niya rin na masama raw ang pakiramdam mo dahil dali dali kang umalis kaya ako naririto."

"Na Jetlag lang siguro."

"Tell me the truth Mia. Ano ba ang dahilan?"

"I.... I saw him Drya. Its a small world nga naman. Sa pag apak ko palang dito sa pilipinas nakita ko na agad siya."

Napakunot ang noo nito at pagkaraan ng ilang segundo napalitan ng paglaki ng mata nito. Ang kamay pa nito ay nasa may bibig.

"Dont tell me na andito ngayon si Jeth?"

"Obviously. Ano ba ang pinaplano niyo, ha? Na pasasakitin na naman ang puso ko?"

"No, no. Sit down and i will do the explaining ok?" Inilahad nito ang binakantehan niyang upuan kanina. Sinunod naman niya ang utos nito at umupo na.

"Look. Hindi ko alam na andito pala ngayon si Jeth. I swear Mia. Akala namin next week pa ang balik niya. Plano lang sana naming ipasyal ka lang rito. Makapagpahinga naman kahit papaano and see the beautiful me." Pageexplain nito sa kanya.

"Ok. Natawa ako sa huling sagot pero you know I cant stay relax here. Even if the beauty of this place is breath taking. I just cant relax knowing that he is here."

Napahawak ito sa kamay niya.

"Please Mia. You cant just do that. Realx lang. Walang mangyayari sa iyo dahil andito ako. Hinding hindi siya makakalapit sa iyo. And besides hindi ka naman makakalabas ng isla without Gianfranco or Noah's permission so what you can do lang naman is give up being a business woman for a couple of days and be free and have some fun with me. I miss my bestfriend. Gusto ko naman physically kitang makasama at makausap hindi lang virtually." Nagsk-skype rin silang dalawa paminsan-minsan at last lang nilang pagkikita ay noong nasa airport siya at papaalis na ng bansa.

Stallion Island Series (Fan made) >Jeth Fabios< (slow update)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon