A/N: He he. Sorry guys kung nahabaan kayo sa prologue. Pagpasensyahan niyo na lang please. And I love u all! Thanks for reading.
♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡
Paglabas niya ng gym ay nakita niya ang isang nakatalikod na pamilyar na pigura na nakaupo sa isang bench. Lumakad siya palapit rito. Tinapik niya ito sa balikat kaya napatingala ito sa kanya. Ngumiti ito pero hindi ito umabot sa mga mata nito. Somethings wrong with her. “O, Mia. Bakit?”
Umiling-iling siya. “Pwedeng makiupo?” tumango ito at umupo sa tabi nito. Walang umimik sa kanilang dalawa. Hindi ito ang kilala niyang kaibigan. Ito pa nga minsan ang maguumpisa ng usapan. Hindi ito ang masayahin at masiglang sarili nito ngayon. Alam niyang may gumugulo sa isip nito kaya ganun ito ngayon.
“Bakit ka pala nasa labas Rian?” she started the conversation first.
Nilingon siya nito. “Nagpapahangin lang.”
Tinaasan niya ito ng kilay. Maraming in-install na mga malalaking electric-fans ang kanilang university president kaya hindi maiinitan sa loob ng gym ang mga estudyante. “Are you serious?” Nakita niya na may basang gilid sa mga mata ni to. Napalitan ang kanina niyang reaction sa nagaalalang mukha. “Is there something wrong? Bakit ka ba umiyak?” kinuha niya sa bulsa ang panyo at idinampi ito sa magkabilang gilid ng mata nito. “Nandito lang ako. Makikinig sa iyo.” Nakita niya ang pag-ngilid ng mga luha nito at ang naiiyak na mukha nito. Napayakap ito sa kanya at humahagulgol sa kanyang mga bisig. Luminga-linga siya sa paligid. Nagpapasalamat na rin siya dahil sa pwesto ng bench, hindi ito dinaraanan ng mga tao papunta o paalis ng gym. Hinagod-hagod niya ang balikat nito upang tumahan na. Niyakap na rin niya ito. Naaawa siya sa kanyang kaibigan.
Ikinuwento nito sa kanya ang problema nito. Ang love life pala nito. Ikinagulat niya ang mga sinabi nito. Hindi niya aakalain na magagawa iyon ni Phil.
“Mabuti ka pa Mia, matinong tao si Jeth at alam kong hindi ka niya lolokohin.” Sambit nito habang pinapahid ang mga luha sa pisngi.
Ngumiti siya ng malungkot. “Sana nga.”
“Bakit mo naman nasabi iyun?”
Tiningnan niya ito. “Sa tingin mo ginagawa lang ba ako ni Jeth na panakip butas?” apektado pa rin siya sa sinabi ng dalawang babae kanina.
“Bakit mo ba naisip yun?” Hinawakan nito ang mga kamay niya. “Mia, kilala ko si Jeth and I know you’re not just some rebound for him. I totally know him, kababata ko siya kaya alam kong hindi siya mananakit ng damdamin ng babae. Huwag mong isipin iyan. And can you trust the guy. It’s just a simple word trust but it is the foundation of your relationship with him.” ngumiti ito sa kanya. Ginantihan niya na rin ito ng ngiti.
Pumasok na rin sila sa loob ng gym dahil ilang saglit na lang ay malalaman na kung sino ang mananalo. Nagpaalam ito sa kanya at umupo ito katabi ng mga kabarkada nito. Siya naman ay pumunta sa kanyang pwesto.
Kinuha niya ang envelop na naglalaman ng pangngalan ng mananalo at umakyat sa stage at ibinigay ito sa MC. Naga-anticipate ang lahat kung sino ang mananalo sa kompetisyung iyon. Parang mas lalong kinabahan sila ng magpaliguy-liguy pa ang MC kung sino talaga pair ang nanalo. He then announced the 3rd runner up… the freshmen. The 2nd runner up… the juniors. And lastly the 1st runner up and the champion
“…..Eto na hindi na ako magpapaliguy-liguy pa. The winner for the Mr. and Ms. Sportsfest is….. the Seniors!” Nagsihiyawan lahat ng mga seniors. Nakita niyang napayakap si Lesly sa kay Jeth at hinalikan niya ito sa pisngi. What just happened? 0.0 lumaki ang kanyang mga mata at napanganga sa ginawa nito. Ang iba ay tinutukso ang mga ito. May narinig rin siyang nagsabi. “Hala! Lagot, may nagalit.” Nilingon niya ang mga nagsalita. Ngumisi ang mga lalaking kaklase niya sa kanya. Ngumuso lang siya sa kanila.
Tinitimpi niya lang ang selos na nararamdaman niya. “Ok lang magselos. Ako naman ang girlfriend diba. Grrr kainis na babae! Ang sarap sabunutan.” Sabi niya sa sarili. Naalala niya ang sinabi sa kanya ni Rian. TRUST.
=======
Tapos na ang contest at hinihintay niya na lang si Jeth na makalabas ng dressing room. Uwian na kaya parang wala na siyang nakikitang umaaligid na mga estudyante sa school at malapit na rin namang dumilim.
Bumukas ang pinto at nakita niyang magkasamang lumabas sila Jeth at Lesly. Nakita siya ng mga ito. Huminto ang mga ito sa tapat niya.
“See you later Jeth. Wag mo akong paghintayin, ha.” Sabi nito at saka umalis sa harap nila.
Dumilim ang mukha niya. “Parang meron kayong plano mamaya. Baka makaabala pa ako sa inyong dalawa. Congratulations sa pagkapanalo. Sige, mauuna na ako Jeth.” Binilisan niya ang paglalakad.
Napahinto siya ng may humawak sa kanyang kanang braso. Nilingon niya ito at tumambad ang mukha ni Jeth.
“Bakit? Sundan mo na si Lesly, Jeth. Baka mainip iyon sa kahihintay sayo.” Tinangka niyang umalis pero nakahawak pa rin pala ito sa kanyang braso.
“Wait lang Mia. Ano ba ang nangyayari sayo? Galit ka ba?”
“Hindi!”
“Bakit ka sumisigaw. Ang lapit ko lang naman sayon. Gusto mo ba akong mabingi” hinaplos nito ang mga tenga.
“S-sorry.” Yumuko siya.
“ Don’t say… nagseselos ka kay Lesly.”
Uminit ang mga pisngi niya. Sasabihin ko ba o idedeny ko? Sabi niya sa kanyang sarili. What’s the use of denying. Sabihin mo na lang ang totoong nararamdaman mo. Sabi ng isang boses sa isip niya. Kaya tumango-tango siya.
Nagulat siya ng humalakhak ito. “bakit ka tumatawa. Akala mo nakakatawa ito.” Hinampas –hampas niya ito ng kanyang bag.
Nahawakan nito ang bag at bigla siya nitong niyakap. Naamoy niya ang pabangong ginamit nito. She likes his scent. Ang bango ng pabango nito. Ang sarap amoy-amuyin. “Ang cute mo kasing magselos.” Niyakap pa siya nito ng mahigpit. What a nice feeling.
Ilang minute rin ilang ganyan. Gusto pa sana niyang tumagal kaso baka may makakita pa sa kanila. Nakakahiya yun. “J-Jeth. Nasasakal ako.” ngunit hindi naman ito natinag. Nakayakap pa rin ito sa kanya. A warm feeling covers her heart. She likes this feeling.
Kumawala ito sa pagkakayakap sa kanya. Ngunit ang mga kamay nito ay nasa mga balikat pa rin niya. “Nangaasar lang yun. Wag mo na lang pansinin.”
“Talaga?” tumaas pa ang kilay niya. “E, ano naman yung kiss sa stage? Hindi ko na lang papansinin?”
Tumawa ito at pinisil ang kanyang ilong. “Sa pisngi lang naman. Inggit ka?”
Namula siya. nainggit ba siya? Oo. Iniwasan niya ang mga mata nito at tumingin sa ibang direksyun. Hinawakan nito ang baba niya to face him. then he closed the gap of their faces. And slowly their lips met. She closed her eyes and feel his lips on hers. It was a hot k
BINABASA MO ANG
Stallion Island Series (Fan made) >Jeth Fabios< (slow update)
FanfictionIto po ay isa lamang fanfic na ginawa ko dahil taga hanga po ako ng Stallion Series (Stallion riding club at Stallion Island). Sana kahit papaano ay magustuhan niyo ang aking gawa. Jeros Thomas Fabios