PBBPKP? - Intro

746 31 7
                                    

Paano nalang kung pagkabukas na pagkabukas mo ng Computer mo ay biglang bumungad ang isang entertainment site na konektado sa iyong Facebook Account?

"Psst. Bata.. Bata.. Paano ka Pinatay?"

Yan ang nakasulat na pamagat ng nasabing site. Bigla ka nalang tinanong—Anong pangalan mo at anong taon ka pinanganak.

Sasagot ka ba?

Isinulat mo ang pangalan mo pati narin ang taon ng iyong kapanganakan.

Bigla kang natawa dahil sa pagbibigay nito ng resultang nakalarawan ang isang lapida at nakasulat ang pabirong kadahilanan ng iyong kamatayan.

Mga resultang tulad ng:

Namatay dahil narabis ng kagat ng langgam..

Namatay dahil nakalimutang huminga..

Namatay dahil nanalo sa Lotto ng 1.3 Bilyon..

Pero paano kung ang simpleng pabirong resulta ay maging dahilan ng Pagkamatay mo—Na ang resulta ayon sa site na yun ay maging totoo?

Paano kung sinang-ayunan ni kamatayan ang sinabi ng application na yun? Makakatulog ka pa ba ng ayos – Kung alam mong nakatitig lang sayo ang mata ng kamatayan?

Handa ka na bang makipaghabulan kay Kamatayan?

Gusto mo na bang malaman kung paano ka mamatay? ---- Hoy bata huwag kang matakot..

Fill-up'an mo na ang tinatanong sayo ng site.

Para naman matanong na kita kung paano kita papatayin. At para matanong narin nilang --- Pssst. Bata.. Bata.. Paano ka Pinatay?

A/N: Hi po mga ka'green! Eto po ang bagong kwentong handog ko sa inyo! Sana po suportahan niyo rin ako dito! First Taym kong gumawa ng kwentong Horror/Patayan ang Tema! Ahihihihihihihihi..

Handa ka na bang malaman kung Paano ka mamatay? – Kita kit's tayo mga Kagreen sa Unang Patayan!

- Green Shadow o^(^____^)^o

Pssst.. Bata.. Bata.. Paano ka Pinatay? (#Wattys2015)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon