PBBPKP? - Pang'Limang Patayan

269 12 5
                                    

"Water is the life-giver and the death bringer"

- Michael Scott

xxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxx

MARJORIE'S POV

Pagkarating na pagkarating namin sa Music Room ay marami ng taong nakapaligid. Kita ko ang takot sa mga mata nila.

"Excuse me.." agad kong sabi sa mga taong nakaharang sa may pinto. Pagkapasok ko ay agad kong nakita ang mga kaClubmate ni Hazel na panay ang mga iyak.

Naroroon rin si Dion at Zion. Pero naka-layo sila sa may pinagtitipunan ng mga istudyante. Kitang kita ko ang pamumutla ni Zion habang inaalalayan siya ng kambal niya.

Ganyan siya tuwing nakakakita ng mga ganitong pangyayari. Naalala ko tuloy siya ng himatayin siya nang makita namin ang bangkay ni Jhonson isang linggo na nakakalipas.

"Anong nangyare!" bigla akong napalingon ng maringig ko ang isang sigaw. Pagtingin ko ay nakita ko si Enzoe.

'Andito parin siya?'

Kita kong sumiksik siya sa mga taong nakapalibot. Ako rin naman ay sumiksik narin. "Bes!" alam kong si Ayie ang tumawag sakin.

Pero di ko na muna siya nilingon.

"Excuse.." muli kong sabi sa mga nakapalibot.

Hangang sa makapasok ako at makita ko ang..

Nailagay ko ang dalawa kong kamay sa aking bibig at halos lumuwa ang mata ko ng makita ang duguang parte ng Music Room.

Pati narin ang duguang katawan ng kaklase namin.

Ang katawan niyang nadadaganan ng napakalaking Chandelier at ang nakakakilabot sa lahat ay...

"Nasaan ang ulo niya?" Bigla akong napatingin sa tabi ko. Nakita kong nasa tabi ko pala si Enzoe. "Kanina bago namin siya iwan ay nakaramdam ako ng masama" pagtuloy niya sa pagsasalita habang nakatingin sa bangkay na nasa harap namin mismo. "Dapat pala hinintay nalang namin siya" malungkot na aniya.

"Oh My God.." bigla akong napatingin ng hingal na dumating si Ayie sa tabi ko kasama si Peter at Kuya Harry.

"Sino siya?" tanong naman ni Peter.

"Si..si Hazel Ann" sagot naman ni Ayie na parang maiiyak na. "Anong nangyayare?" parang naiinis na tanong niya. "Bat nangyayare sa klase natin ito?"

Lalong dumadami ang tao sa paligid. Lalong lumalakas ang emosyon at lalong nagkakagulo.

Nagulat naman kame ng naglakad si Kuya Harry papunta sa bangkay. Biglang sumunod naman si Enzoe.

Parang may sinusundan sila sa sahig.

Agad ko rin silang sinundan.

Nagulat ako ng makita ang dugung nagmula sa leeg niyang wala ng ulo. Para itong pintura na pinahid sa sahig.

Sinundan namin yun hangang sa marating namin ang harap ng locker room. Agad yun binuksan ni Kuya Harry.

Nakapatay ang ilaw.

*CLICK*

Nang binuksan ni kuya Harry ang ilaw ay biglang bumungad samin sa pader ng locker room ang isang nakakakilabot na mensahe na isinulat sa pamamagitan ng dugo!

Dugo ni Hazel!

She Die Because She Catch the Chandelier.

Tapos may nakaguhit pang bungo!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 19, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Pssst.. Bata.. Bata.. Paano ka Pinatay? (#Wattys2015)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon