"Death is the wish of some, the relief of many, and the end of all."
- Seneca (4 BC-65) Roman Philosopher and playwright
xxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxx
November 13, 2014
(Friday, 6:30 pm)
AYIE'S POV
"Una na ako" napalingon ako sa pinto at nakita ko ang ayos na ayos na si Marjorie. "Seseyban nalang kita ng magandang pwesto" tumango lang ako. "Sige Ayiee sara mo nalang pinto dito"
Iniwan niyang bukas ang pinto.
Napabuntong hininga ako at parang tinatamad na nahiga ulit sa kama. "Bakit ba kase trip lage ni Sir magklase ng gabe"
Hindi nanaman umattend ng klase kaninang hapon si Sir Orion. Baklang istructor namin sa Physics at Trigo.
Adviser rin ng klase siya.
Isang napakabait na Adviser at isa sa Napakaclose na Teacher sa aking puso –Lalo na sa aming relasyon nuon ni Enzoe.
Kahit sobrang landi nun ni Sir di niyan kame pinababayaan. Kung may nang-aaway sa aming mga instructor ay todo depensa si Sir Orion.
Section 4-K kame. Kame ang ikalabing isang section sa buong fourth year. Kame rin ang may pinaka-kaunting bilang ng istudyante.
Sa section kase namin pinagtatapon ang mga late enrolee pati ang mga pasaway.
Kame ni Marjorie?
Hindi kame pasaway.
LATE ENROLEE lang talaga.
Simula first year High School ay Section K na kame. Hindi naman kase trip ng eskwelahan bagubaguhin ang ayos ng mga istudyante. Kung anong section mo simula first year ay yun ka na hanggang fourth year.
Kung sinong classmate mo nung freshmen day's ay yun parin ang mga kaklase mo. Kung sino parin ang crush mo noon sa room, siya parin naman hanggang ngayon.
Kung sinong minahal mo nuon.. pilit mo mang iwasan ay makikita mo parin siya hanggang ngayon.
Hindi ko napigilan ang pagbuhos ng aking mga luha.
'Baby Hon miss na kita'
H((--'____--))H
Patay na ang lahat ng ilaw sa hallway ng dorm. Masyadong madilim, nasa ikatlong palapag kase ang kwarto namin.
May curfew ang dormitory, pwera nalang kung excuse ka ng instructor na nagpapaklase ng ganitong oras.
Pag hindi kase nakapagklase si Sir Orion ng umaga ay dinadala niya sa gabe.
KLAK..
Bigla akong napahinto sa paglalakad ng biglang bumukas ang isa sa mga pinto ng mga kwartong dinaanan ko.
*LUNOK*
Sa bandang likuran ko ang kwartong bumukas.
Hindi ko alam kung bakit ganun nalang ang kaba sa dibdib ko. Nakakatakot kase itong hallway pag gabe.
'Siguro may lalabas lang'
*HUP*
'Ano yun?! Sino yun!'
"Shit!"
May tumakbong naka-itim pababa ng hagdan! Nakasumbrero at pansin kong lalake siya!
BINABASA MO ANG
Pssst.. Bata.. Bata.. Paano ka Pinatay? (#Wattys2015)
HorreurGusto mo bang malaman kung Paano ka Mamamatay? Kung ganun basahin mo itong aking akda, malay mo kinabukasan sinusundo ka na pala ni KAMATAYAN!