PBBPKP? - Pang'apat na Patayan

288 15 9
                                    

"Life is for the living. Death is for the dead. Let life be like music, and death a note unsaid."

- Langston Hughes

xxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxx

November 24, 2014

(Tuesday, 5pm)

One Week Later..

AYIE'S POV

Isang lingo ang mabilis na dumaan. Nabalot ng takot ang buong eskwelahan at ang ibang mga istudyante.

Lalo na kameng magkaklase mula sa section ng 4-K Class. Napuno ng kalungkutan, galit, pighati at takot ang aming kalooban.

Hindi namin alam—at wala kameng kaidi-ideya kung sinong taong walang puso ang gumawa ng di makatarungang pagpatay sa aming tagapayo at kay Jhonson.

Hindi rin namin alam kung bakit nawawala ang mga ulo ni Sir Orion at Jhonson.

NAKAKATAKOT..

NAKAKAKILABOT..

NAKAKAWALANG GANANG KUMAIN..

Sino ang gagawa sa kanila nito? May tao bang nasa likod nito o talagang may katotohanan ang sinasabi ni Marjorie tungkol sa sumpa ng site na bigla nalang lumitaw sa mga computer nung nakaraang biyernes ika labing tatlo ng nobyembre.

Galit na galit ang magulang ni Jhonson sa pamunuan ng eskwelahan dahil sa nangyare sa aming kaklase.

Pati kame ay di namin matanggap ang lahat ng nangyayari.

Buong Linggo rin sinuspinde ang klase para mabigyan ng oras ang ginagawang pag-iimbistiga.

Maraming katanungan.

Saan daw galing ang mga malalaking daga na lumapa sa katawan ni Jhonson. Lalo na ang paghahanap sa nawawalang ulo.

Lubos din ang katanungan ng mga kapamilya ni Sir Orion. Pero tulad ng pamilya ni Jhonson ay—Wala pang maibigay na sagot ang pamunuan ng eskwelahan.

Kina-usap kame ng mga imbestigador.

Sinagot lang namin ang mga tanong nila—Sinong huling kasama ng biktima? Anong ginawa niya bago namatay? May kaaway ba siya? May Problema?

Mga tanong na ganyan---Pero may inilihim kame. Hindi namin sinabi ang tungkol sa site na sinagutan namin. Hindi rin namin pina-alam ang tungkol sa mga nakita ni Hazel. Ang nangyare sa Chapel---Yung malaking aso.

HINDI NAMIN YUN IPINA-ALAM.

Si Sir Edmundo ang nagpayo sa amin na, wag sabihin ang tungkol dun. Baka daw kase pagtawanan lang kame ng mga pulis.

Sa panahon ngayon daw kase ay hindi na uso ang sumpa, multo at kung ano ano pang kababalaghan.

May tao daw sa likod ng lahat—Ayon kay Sir Edmundo.

Nakita niya daw kase ang tao na pumukpuk sa kanya nung nakaraang martes. Hindi niya lang makilala kung sino---Pero alam niya daw na isang tao ang may kagagawan ng lahat!

Ipa-ubaya nalang daw namin sa pulisya ang lahat.

Ayos na ngayon Si Sir Edmundo—Siya na rin ang bago naming tagapayo. Sinabi namin sa kanya lahat ang tungkol sa misteryosong site.

Pina-imbistigahan niya ito.

Nagulat kame sa naging resulta.

HINDI DAW EXISTING ANG SITE NA LUMITAW SA AMIN NUON SA COMPUTER ROOM.

Pssst.. Bata.. Bata.. Paano ka Pinatay? (#Wattys2015)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon