November 16, 2014
Monday (6:13 am)
TEACHER ORION'S POV
Bigla akong namulat ng may naramdaman akong yabag sa labas ng aking kwarto. Mag-isa lang ako sa bahay, sa isang napakalaki subalit lumang bahay.
Cling.. Cling.. Cling..
Bigla akong kinilabutan ng madinig ko ang pagtunog ng door chime sa kabilang kwarto.
Imposible!
Paanong mangyayari yun e nakasara yung kwartong yun? At paanong may hangin na nakapasok dun?!
Di ako sana'y na maringig ang pagkalembang ng door chime, dahil tuwing bumubukas lang ang pinto sa kabilang kwarto yun tumutunog. Walang dahilan para bumukas ang pinto!
Wala akong kasama dito sa bahay!
Alam kong nakasara yun at hindi mabubuksan ng sino man hangga't walang susing hawak!
Nasa loob kase ng kwarto ang door chime—Sinadya kong ilagay para malaman ko kung sakaling may papasok dun, tuwing may mga bisita dito.
Bigla akong nakaramdam ng takot! Halos sunod-sunod ang paglunok ko sa takot na nararamdaman.
Clinggkg.. Clinggkg.. Clinggkg.. Clinggkg.. Clinggkg..
Lalong dumagdag ang kaba sa aking dibdib ng makadinig ako ng tila tunog ng kadenang nakalaylay sa semento!
Halos ilinga ko ang buong paningin ko sa kwarto sa sobrang kaba!
'Diyos ko!'
Agad kong hinila ang kumot ko at mabilis na itinalukbong yun sa akin! Habol habol ko ang hininga ko habang nasa loob ng kumot!
Clinggkg.. Clinggkg.. Clinggkg.. Clinggkg.. Clinggkg..
Patuloy ang pagtunog ng kadenang tila naglalakad sa hallway ng bahay! Andito kase ako sa Second Floor at nandito ang dalawang kwarto.
Biglang huminto yung nakakakilabot na tunog!
Tok.. Tok.. Tok..
Sunod sunod ang paglunok ko at parang gusto ko ng sumigaw ng biglang may kumatok sa pintuan ng aking kwarto!
'Sinong tao? Sino ka!'
Tok.. Tok.. Tok..
Ramdam ko na yung pawis na tumutulo sa aking katawan!
'Yung aircon! Bat parang nakapatay na?!'
Di ko na alam ang gagawin ko!
Tok.. Tok.. Tok..
Patuloy parin ang pagkatok! Yung pagkatok niya ay tila dahan dahan at may kilabot na hatid sa akin!
Ang lakas ng kabog ng DibDib ko!
'Isa ka ba sa mga naging lalake ko? Ginagantihan na ba ako ng mga lalaking nauuto ko—mga gwapong istudyanteng pag alanganin ang grade ay inaalok kong makipagsex sa akin?! – Ito na ba ang karma dahil sa kabaklaan ko!'
Pero bakit naman sila maghihigante? Pasalamat nga sila at pumapasa sila sa dalawang major subjects na hawak ko!
KLAKKKK...
!!!((0))0))!!!
Parang gusto ko ng punitin ang kumot sa sobrang takot! Biglang bumukas ang Pinto! –Paano?!
Nakalock yung Pinto! Kaya Imposible!
Clinggkg.. Clinggkg.. Clinggkg.. Clinggkg.. Clinggkg..
BINABASA MO ANG
Pssst.. Bata.. Bata.. Paano ka Pinatay? (#Wattys2015)
HorrorGusto mo bang malaman kung Paano ka Mamamatay? Kung ganun basahin mo itong aking akda, malay mo kinabukasan sinusundo ka na pala ni KAMATAYAN!