"You only live twice. Once when you are born and once when you look death in the face."
- IAN FLEMING (You Only Live Twice)
xxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxx
November 13, 2014
(Friday, 10:13 pm)
JHONSON'S POV
Muli akong bumalik sa Senior's Building para kunin ang naiwan kong Jacket sa Computer Room. Hindi tulad kanina ay medyo nakakatakot na mag-isa maglakad dito sa building.
Ako ang pinaka-una kanina sa Computer Room kaya hindi ako nakaramdam ng takot. Hapon pa nuon at marami pang istudyante.
Kaylangan ko kase mag-advance reading para hindi ako bumaba sa aking pwesto bilang nangungunang istudyante sa larangan ng Academics.
Kaya habang hinihintay ang susi ng Com Room ay tumambay muna ako sa labas nun at dun ako nagbasa ng libro.
Scholar lang ako sa malaking eskwelahan na ito. Pareho kame ng kababata kong si Abby.
Kaya todo ang aral namin para mapanatila ang magandangng grado.
Simple lang naman kase ang buhay namin sa Binan Laguna. May gulayan ang pamilya ko, habang si Abby naman ay pangingisda ang napagkakakitaan ng pamilya nila.
Hindi ko siya nakasama kaninang tumambay sa Labas ng Com Room, dahil masakit daw ang puson niya.
Pumaroon muna siya sa Canteen kasama si Lucy. Pero may nakasama naman ako kanina.
'Ang mahalagang babae para sa akin---Ang babaeng balang araw ay gusto kong makasama sa buhay'
Sa pananatili ko sa eskwelahang ito. Isa lang ang hindi ko maintindihan.
Yun ay kung bakit hanggang ngayon ay andito parin kame ni Abby sa Section K. Ako ang Over all top 1 sa tatlong sunod-sunod na school year.
Pero bat hindi parin nila ako mailagay sa Section A?
Dahil ba sa isa lang kameng scholar? Mahirap sa paningin nila?
Pansin ko kase halos lahat ng nasa section A ay puro mga anak mayaman, anak ng mga stock holder nitong eskwelahan, anak ng mga artista at kung sino sino pang malalaking tao.
Siguro.
Yun nga ang dahilan.
"Psssssssst.."
Napahinto sa paghakbang ang aking mga paa. Nasa kalagitnaan ako ng paglalakad sa Second Floor.
Bigla akong napatingin sa isang Classroom sa tapat ko.
'Hindi si Abby ang sumitsit.. nakakasigurado ako dun'
SINO KA?
Bumuntong Hininga na ako at nagtuloy tuloy sa paglalakad. Hangang sa matapat ako sa Computer Room.
Nakaawang ang pinto at bukas pa ang ilaw.
Andito pa ata si manong janitor.
WALANG TAO.
Hindi ko alam, pero nakakaramdam ako na may sumusunod sa akin. Agad akong lumingon sa likod.
Pero wala.
Tumalikod ulit ako.
Bigla akong kinilabutan ng may nakita akong mabilis na naglakad! Parang isang Kriminal na may tinatakasan!
"Sinoooooooo ka!"
Hindi ko ito masyadong nakita, dahil naririto parin ako sa pinto. Kaya naman pumasok na ako ng husto.
BINABASA MO ANG
Pssst.. Bata.. Bata.. Paano ka Pinatay? (#Wattys2015)
TerrorGusto mo bang malaman kung Paano ka Mamamatay? Kung ganun basahin mo itong aking akda, malay mo kinabukasan sinusundo ka na pala ni KAMATAYAN!