Hindi ako nakatulog. PAKSHIT.
" Oh Dere! Mukhang puyat na puyat ka ah?" Sabi ni Hugo saakin nang magkasalubungan kami sa corridor. Tiningnan ko siya ng masama.
" Sinong makakatulog sa nangyari kahapon?"
*FLASHBAAAACK*
Tahimik. Nakakabingi. Hanggang ngayon hindi pa rin namin alam kung bakit hawak niya yung panty niya.
" So, ano na?" pagputol ni Just sa katahmikan ng barkada
" Eh di ibabalik natin to." Sabi ni Popoy at itinaas ang.. Yeah. Alam niyo na yun.
" Anong natin? " Sabi ni Peds sakanya.
" Onga. Ikaw nakakuha, ikaw magbalik! Mamaya badshot nanaman ako sa nililigawan ko." Sabi ni Hugo
" Sinabi ko bang kasama kayo? Mga Feelingero.." Sabi ni Popoy at biglang umakbay saakin.
" Kami ni Dere ang magbabalik nito."
Napanganga ako sa sinabi niya. ANO?!
" TEKA?! SINABI KO BANG PUMAYAG AKO?!"
" No choice ka na Dere, ikaw di naman ang punot-dulo nito eh." Sabi ni Popoy at winasiwas sa mukha ko yung panty ni Barbie.
Tinabig ko yung kamay ni Popoy
" BAT AKO? DI BA KAYO NAMAN YUNG HUMILA SAAKIN DITO?"
" Eh bakit sa tingin mo namin to ginawa? Bakit KO ginawa yon? Di ba dahil sa'yo? Di ba kasi GUSTO MO SIYA?" Sabi ni Poy
" Tsaka, looking through the light side, this can be your chance to speaking with you beloved truly, Barbie!"
" Pwede Poy, magtagalog ka? Di kita mintindihan eh." Iritang sabi ko sakanya.
" Palibhasa mga chipipay! Di marunong mag spkoken in dollars!"
Chipipay? Nagsalubong yung kilay ko.
"Ibabato na kita Popoy"
" Okay okay! Chill is you ma mhen.""Eto na kasi yung tsansa mo para makausap si Barbie!" Sabi ni Poy saakin na ngiting ngiti
" Tang ina mo talaga Poy. Sa tingin mo, PAANO KO MAKAKA-USAP NG MATINO SI BARBIE KUNG ANG TOPIC NAMIN AY PANTY NIYA? "
" Technically, ako yung nakapulot. Pero sige. " bulong ni Poy
" ANO?"
" At least may paraan di ba? Tsaka akala ko ba gusto mo syang maka-usap?"
" Oo nga Poy, gusto ko. Pero yung fact na PANTY yung magiging paraan kung bakit ko siya kakausapin, sobrang akward nun!"
" Jusme,ang arte mo naman Dere! Eto na ngat binigyan ka ng opportunity di mo pa susunggaban?"
"Kahit eto pa yung last opportunity na maibibigay sa akin hinding hindi ko kukunin! ""Okay! Okay! Ganto na lang, samahan mo na lang ko. Di mo na siya kakausapin."
"Ikaw ang kakausap?""ASA!! May naisip akong ibang paraan para ibalik tong underwear niya. "
"Patay. Nag-isip siya. Di maganda kakalabasan nito." Sabi ni Peds
"Naalala mo noong siya yung nagplano sa birthday ni Just?" Tanong ni Hugo"You have no faith in me?" Tanong ni Popoy kay Peds
"Gusto mo ba talagang sagutin ko yan?"
"Di na. Alam ko namang masasaktan ako sa sagot mo eh."
"Because the truth hurts, Popoy." Sabi ni Just
"Basta! Akong bahala. Hindi to papalak pramis."*end of flashback*
"Nag-aalala ka dun sa plano ni Popoy noh? Sabagay. Dapat ka talaga kabahan si Popoy ang nagplano. Parating kapalpakan ang hatungan nun."Pag nagplaplano kasi si Popoy, sa simula lang yung talagang planado, pero hindi niya plinaplano ng maigi yung planong nasimulan niya.
For example ang planpak #1 ni Popoy noong birthday ni Just, sabi niya dahil mahilig sa stars si Just, maglalagay daw siya ng maraming christmas lights, gagawin daw niyang parang galaxy yung bahay nila Just. Noong una pumayag kaming magbabarkada pati parents ni Just sa plano kasi mukha namang harmless, ang hindi namin alam na yung harmless na plano ni Popoy ang magiging dahilan kung bakit nagblack out sa buong village nina Just.
Planpak #2 noong unang JS prom na dinaluhan namin, sabi niya sagot niya yung ride namin papuntang venue kasi malayo, sa kamalayan namin yung ride pala na sinasabi ni Popoy eh yung mga bike na ipinamana pa ata sakaniya ng lolo ng lolo niya yubg ride namin. Sabi niya kinakalawang na yung mga bike kaya kailangang gamitin. Jusko, di niyo lang alam kung gaano kalaking kahihiyan yung inabot namin habang nagpapadyak sa highway.
Planpak #3...
Alam niyo ayoko nang isa-isahin yung mga planong palpak na nagawa ni Popoy kasi mapapahaba lang yung story.
Tsaka ako yung bida, di ba?
Dapat its all about me.
Di ba author?Yuhoo?
Okay. Silent means yes--
Silence hindi silent. And excuse you, hindi lang sa'yo narerevolve ang story na to. Magsasawa mga readers sayo noh.
Fine.
BINABASA MO ANG
Kilabot Ng Bayan (On Going)
HumorMinsan kailangan mong umasa, mangarap, at maniwala sa himala. Kahit mukhang imposible, basta't pursigido ka, magiging posible. Gagana kaya ang ganitong paniniwala sa isang "kilabot ng bayan" para makamit ang matamis na oo ng kaniyang iniibig?