Chapter III

30 0 0
                                    

Sa pagtuntong ko sa kolehiyo ilang taon na rin ang nakakaraan at hindi ko na babanggitin dahil bibilangin mo lang ang edad ko, panay ang payo sa akin ni tatay na mag-aral ng mabuti, unahin ang pag-aaral at huwag munang magboyfriend at dahil nga mabait akong anak lagi lang akong sumasagot ng opo.
Lahat ng mga ito ay nabaligtad nang makilala ko si Edison. Isang seminarista sa aming diocese. Kaklase ko siya sa ma minor subjects kabilang na ang religion dahil Catholic college ang pinasukan ko para sa aking kursong komunikasyon.
Gwapong-gwapo ako noon kay Edisom kaya ako na ang unang nagpakilala para makausap ko naman siya. Nang minsang madatnan ko siyang nag-iisa ay agad ko siyang nilapitan at kinausap. "Hi! Ako si Fina, kamusta? Bakit ka nag-iisa?" sunod-sunod na tanong ko sa kanya. "Nanananghalian pa ang mga kasama ko, ang tagal nila kaya nauna na ako dito," agad naman nitong sagot sa akin. "Magpapari ka talaga?" bigla kong naitanong na hindi ko alam kung saab ko kinuha. Tumawa lang siya at sinabing hindi pa daw sinasagot ang ganoong tanong.
Simula num ay naging magkaibigan na kami. Magkatabi sa upuan at magkasama pag mayroon vacant time.
Para mas lalo akong mapalapit sa kanya ay kinuha ko ang kanyang cellphone number mula sa isang kaklase namin dahil nahihiya akong kunin ito mula sa kanya mismo.
Tuwing home visit nila ay nagpapalitan kami ng mga kwento sa pamamagitan ng text na isa sa isang buwan lamang mangyari. Bawal kasi sa kanila ang cellphone.
Sa pangalawang buwan na magkakilala kami ni Edison, nagpadala siya ng text. Parang isang laro lang sa text. "Kung sasabihan kita ng I love you anong isasagot mo?" text nito sa akin. Agad ko naman itong sinagot ng i love you too at mula noon ay boyfriend/girlfriend na kami. Doon na rin nagsimula an tungkulin ko bilang kanyang assignment, project, term paper, at reaction paper maker. Lagi akong nagrereview dahil nakasalalay sa akin ang grade naming dalawa sa mga quizzes at exams. Pagdating ng fourth year, oo umabit kami hanggang fourth year, napromote ako dahil naging reasercher na ako at dahil pa rin yun kay Edison. Ako ang naging researcher niya sa kanyang thesis. Isang philosophical thesis.
Nagawa ko ang lahat para mapagsilbihan siya at ipakita kung gaano ko siya kamahal pero nagawa pa rin niya akong dagdagan. Hindi niya ako pinalitan kundi nagdagdag siya. Nalaman ko na mayroon pa pala siyang iba maliban sa akin. Hindi isa kundi dalawa sila. Oo, tatlo kami sa buhay niya. Nalam ko iyon dahil cellphone ko mismo ang ginagamit niya para itext o tawagan ang dalawa. Ang dahilan niya? Pampalipas oras lang daw.
Binalewala ko lahat ng ito. Naniwala ako kay Globe, dapat Go lang ng Go kaso siya naniniwala din kay BDO, we find ways.
Nanatili pa rin ang aming relasyon hanggang magtapos kami sa kolehiyo ngunit matapos nito ay nagdesisyon siyang magtuloy sa pagpapari kaya hindi na ako nagdalawang isip na ibigay siya kay Lord. Ayoko naman na ako pa ang maging dahilan para makipagbreak si Edison kay Lord.

Si PoreberTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon