Chapter IV

19 0 0
                                    

Matapos ang paghihiwalay ng landas namin ni Edison, itinuon ko muna ang aking pansin sa aking pamiya at trabaho. Sinabi ko sa sarili na magpapahinga muna ang puso ko ngunit dumating si Jessie sa buhay ko pitong buwan matapos kaming maghiwalay ni Edison.
Ibang iba si Jessie. Maputi, matangkad, malaki ang katawan, magaling magdamit kaya nagiging gwapo siya sa paningin.
Dahil sa trabaho kaya ko nakilala siya nakilala. Isa siyang pulis noon sa lugar namin. Ako din ang dahilan kung paano kami nagkalapit. Sabi ko naman kasi lahat ng gusto ko nakukuha ko.
Habang naroon ako sa lugar nila, nilapitan ko siya at sinabing makikitawag ako sa telepono. "Hi Sir, pwede po ba akong makitawag sa telepono nyo?" tanong mo. "Sige mam" agad naman nitong sagot. Matapos akong makitawag ay nilapitan ko ulit siya at nagpasalamat. Dito ko na din ginamit ang diskarte ko sa kanya. "Sir kunin ko na din ang number nyo para kapag may balita ka itext mo lang ako" kampante kong sabi sa kanya. Ngunit bago niya ibinigay ang numero niya sa akin ay tinignan muna niya ako na tila nayayabangan sa paghingi ko ng number niya ngunit sa huli ay ibinigay nya rin ito.
Doon na nagsimula ang palitan namin ng text hanggang sa nagkayayaan nang lumabas labas para kumain at mamasyal. Matapos lamang ang isang buwan ay kami na ni Jessie.
Naging istrikto siya sa akin kung saan humantong sa hindi niya ako pinapayagan na magtext sa kahit na sino kung hindi importante.
Dalawang beses lang kaming nagkikita sa isang buwan o minsan wala pa.
Kung akala ko noon kumota na ako kay Edison sa katangahan ay mas grabe pa pala dito dahil sa loob ng isang taon naming relasyon nalaman ko na kasal na pala ito. F**k s**t siya! Kotang kota ako dito. Mayaman na sana ako kung pera lang ito.

Si PoreberTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon