Chapter V

18 0 0
                                    


Para makalimot ako sa panloloko sa akin ay kung saan-saan ako nagpapaasign. Ako na mismo ang nagboboluntaryo na puntahan ang isang lugar kung mayroong kailangang asikasuhin roon kaugnay sa aking trabaho.
Isang araw, inatasan ako ng aking boss na magpunta sa isang proyekto ng isang NGO sa isang maliit na isla sa aming lugar. Agad ko itong pinuntahan kinabukasan. Isang proyekto ito para sa mga mangingisda na inisyatibo ng mga marinw biologists.
Dito ko naman nakilala si Vince. Isa sa mga marine biologist at Researcher. Siya din ang leader ng proyektong iyon. Unang kita ko pa lang sa kanya ay kakaiba na naman ang nasa isip ko. Ang kunin ang number niya.
Matapos ang aming ambush interview agad ko siyang nilapitan. "Sir kunin ko po ang number mo para may contact ako sa inyo" sabi ko rito at hindu naman ako nagkamali, hindk ako nabigo. Simula nun ay naging magkaibigan kami hanggang nagkahulugan ng loob. Namamasyal kami kung saan-saan. Naging opisyal lang ang relasyon namin ng sinabihan ko siya ng I love you at sinagot naman niya ito agad ng I love you too. Oo, ako ang nag initiate magsabi nun dahil ang tagal niya. Hindi ko na siya maghintay at baka nagpapakatorpe pa.
Ipinakilala ko siya sa pamilya ko at naging close siya sa mga ito. Halos lahat ng miyembro ng angkan namin ay kilala na rin siya dahil lagi itong dumadalaw at natutulog sa bahay.
Akala ko noon siya na ang forever ko pero muli na naman akong nabigo at umasa. Mahigit isan taon na kami nung nalaman ko na nakatakda na pala siyang ikasal sa iba. Hindi sa akin, hindi da iyo kundi sa iba.
Sa ikatlong pagkakataon, bigo na naman ako. Kung tatanungin nyo ako sa detalye ng kasal hindi ko din alam. Nakita ko na lang ang singsing na akala kong para sa akin at ang mga palitan nila ng mga mensahe kaugnay sa plano ng kasal.
Bagamat nangyayari ito, hindi ko naramdaman na niloko ako ni Vince dahil ipinaramdam niya sa akin kung gaano niya ako kamahal.

Si PoreberTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon