Chapter VI

15 0 0
                                    


Hindi naman ito parte ng lovelife ko pero para madagdagan ng thrill ang istoryang ito ay kailangan kong idagdag ang sili.
Habang nasa kalagitnaan ng pagdadalamhati dahil sa kinahinatnan ng relasyon namin ni Vince, agad na nanligaw si Josh. Isa siya sa mga nakasabayan kong pumasok sa aming kumpanya. Hindi siya katulad ng exs ko. Si Josh kung aking isasalarawan ay hindu kagwapuhan, hindi matangkad, hindi rin siya ng type kong lalaki at wala sa ugali niya abg nagustuhan ko.
Lagi niya akong hinahatid sa sakayan ng jeep tuwing pauwi na kami mula sa trabaho. Dalawang beses din kaming kumain sa labas sa iisang restaurant.
Habang naglalakad kami papunta sa sakayan ng jeep, inakbayan niya ako at tinanong. "Friends naman tayo di ba?" tanong nito sa akin na agad kong ikinagulat kaya naman natawa ako. "Ha? Yes friend!" sagot ko sa kanya sabay tawa ng malakas.
Mula noon ay hindi na niya ako hinatid sa sakayan at unti-unti din kaming hindi nagpansinan.

Si PoreberTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon